A/n: Happy reading to all. Daily update ngayong December. 3rd Person's POV “Ma’am nandito na po tayo,” sambit ng driver ngunit walang sumagot sa kanya. Tumingin ang driver sa rear mirror at napansing nakapikit si Artemis habang nakasandal sa bintana ng sasakyan. “Ma’am nasa building niyo na po tayo,” pagtikhim nito. “Ha?” naalimpungatang saad ni Artemis at luminga linga ito sa paligid. “Ay thank you po sa paghatid kuya,” sambit ng dalaga. Kinuha ni Artemis ang maraming paper bag na puno ng mga pastries at lumabas na ng sasakyan. “Pasabi na rin po ng thank you kay grandm- este Klea Rowning po,” pagngiti ng dalaga. “Ingat po.” At pinanood ng dalaga ang paglayo ng sasakyan. Naglakad na papasok ng building si Artemis nang may biglang kumalabit sa kanya. Agad napalingon ang dalaga at nakit

