A/n: Happy reading guys. Daily update ngayong December. 3rd Person's POV “Kuya kaliwa ka po tapos kanan sa kabilang kanto,” tugon ni Artemis habang tinuturo sa driver ang daan papunta sa puntod ng kaniyang ina. “Dito na po ba ma’am?” aniya ng driver. “Yes po. Thank you kuya,” saad ng dalaga. Kumuha si Artemis nang tag -iisa ng ibat ibang uri ng pastry na pinadala sa kanya bago lumabas ng kotse. “Ma’am hintayin ko na lang po kayo dito,” magalang na sambit ng driver. Ngumiti naman si Artemis at tinanguan ito. Kulay orange na ang langit at mukhang malapit nang lumubog ang araw. Huminga ng malalim si Artemis habang papalapit sa puntod ng kanyang ina. ‘The familiar scent of flowers..’ sa isip ng dalaga habang pinagmamasdan ang mga tahimik na lapida. Ni isang tao wala man lang siyang nak

