A/n: Happy reading guys. Daily update ngayong December. 3rd Person's POV Shemay CR lang ba talaga ‘to? Bakit parang halos kasing laki na ‘to ng condo ko?” mahinang ani ng dalaga matapos niyang libutin ng tingin ang halatang pang mayaman na banyo. Nag-vibrate ang phone ng dalaga at tiningnan niya ito. Nag-notify ang group chat nilang magkakaibigan. Josh: Hoy ano na balita?? Nakita mo na si Klea Rowning? Krista: Just woke up. Pa-sight naman diyan sis. Josh: Babaita pansin mo kami!! Napatawa ang dalaga nang mabasa ang mga chat ng kaibigan. Nag – group call si Artemis at bumungad sa screen ang mga mukha ng nila Krista at Josh. “Uy ‘te ano na?!!” excited na tugon ni Josh. “Gusto ko din ng signed book huhu!” untal ni Krista. Pinipigilan ni Artemis ang kaniyang tawa. “Shh huwag kayong m

