Pinalo ni Eros ang dalawang cymbals at ito ang pahiwatig na tapos na ang tugtog namin. Pagkadilat ko ng mata ay nakita ko ang mga nakangiting mukha ng mga nanonood. Halata sa mga mata nila ang pagkamangha sa amin. First time kong tumayo sa harap ng maraming tao na ganito. Napatingin ako sa monitor video na nagpapakita ng mga fans na nakatayo lang sa labas. Sobrang lively nila at tuwang -tuwa na chini-cheer kami. Ganito pala ang view na laging nakikita ni kuya Lyric. "Well done mga cutie!" bati sa amin ni Mr. Chris habang ginuguide kami sa table na naka reserve sa B.L.U.E. Pagkaupo namin ay luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko makita sila Krista at Ms. Nami. I guess exclusive lang talaga for artist yung pwede sa hall. Nakaidlip ako habang nagsasalita ang emcee at nagulat na lang ak

