Artemis' P.O.V
Ramdam ko ang pamamasa ng kamay ko at ang malamig na pawis sa buong katawan ko. Nasa backstage na kami ngayon at nakita kong naka-upo sina Eros, Blake at Urie na ngayon ay minemake-up an ng mga babaeng naka all black at naka mask.
"Sir Lyric this way po." saad sa'kin ni Krista na naka all black outfit, mask at cap din. Umupo ako at ni-re-touch ni Krista ang make-up ko at napansin kong nilagyan niya ulit ako ng brown pencil liner para medyo gawing singkit ang dulo ng eyelid ko, dahil mas round at mapungay ang feature ng mukha ko kay kuya. Kinapalan din niya ang contour ko sa bandang panga dahil mukhang nawawala na ang make-up
Nakahilera kaming apat at katabi ko si Eros na minamake-up-an din sa gilid. Kita ko sa mata ni Krista na nagpipigil siya ng kilig kahit naka face mask ito.. Halos maluha-luha na yung mata niya at pasimpleng pumupuslit ng titig kay Eros habang mine-make-up-an ako.
"Okay double time." narinig kong pumalakpak si Mr. Chris. " Mga cutie please proceed na sa gilid ng stage yung tapos na makapag-retouch." pangbabaeng wika nito. Bakit naalala ko sa kanya si kuya Dustin?
Unang lumabas si Uriel at sinundan ito ni Eros. "Una na kami sa labas." sambit ni Eros. Napansin kong tumayo si Blake at tinitigan si Krista na nireretouch ang make -up ko. "Sunod ka na sa labas Lyric." may pagka-husky ang boses nito. Nang dalawa na lang kami ni Krista ay para kaming nakahinga ng maluwag.
"Jusko dai Artemis!" papigil na tili ni Krista.
"Jusko rin Krista!" frusrated kong saad. "Sis tumakbo na kaya ako now?" nanginginig ang boses at sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba.
"Gaga ka sis! Kahit tumakas ka palabas dito, satingin mo 'di ka kukuyugin ng mga fans ni fafi Lyric sa labas? Mas safe ka pa dito sa loob." sambit nito.
"Parang ayoko na talaga!" Para akong natatae na ewan. "Ang daming tao sa labas. Tapos marami ding media!" I freaked out.
"Relax Artemis." Hinawakan ni Krista ang dalawang balikat ko. "Take a deep breath." at sinabayan ko siya sa paghinga. "Sis remember, para kanino mo to ginagawa?"
"Para 'di magbayad ng 300 Million si kuya L-lyric."
"Okay... Sino si kuya Lyric sa buhay mo?" she gently said.
"My older twin brother. Natitirang family ko na buhay..." I answered at para bang kumalma na 'ko. Tila ba naliliwanagan na ulit ang utak ko.
"Saka kung ayaw mo makita ang mga tao at camera bakit hindi ka na lang pumikit habang tumutugtog?" at agad humalakhak ito. "Joke lang yun sis ah! Baka totohanin mo." she said habang nagsusuot na muli ng mask.
"Tama ka sis! Bakit hindi ko naisip yun!" I blurted out. "The best ka talaga Krista! Now I know what to do! Wish me luck sis!" at tumakbo na ako palabas.
"Uy Artemis nag jo-joke lang ako!"
Ramdam ko malamig na hangin ng aircon na tumatama sa balat ko habang naghihintay kaming tawagin sa gilid ng stage. You can do it Artemis, para kay kuya Lyric. Who knows na magagamit ko pala sa sitwasyon na 'to ang pagturo sa'min ni mama mag-play ng piano. Life is full of surprises talaga.
3rd Person's P.O.V
Pumasok sa isang enggrandeng kwarto ang lalaking merong dumi sa puting texedo. Maraming body guard na may mga armas ang nakahilera sa hallway bago ka makapasok sa VIP room na ito.
" Mr. Dalton kanina pa kita hinahana--" agad nanlaki ang mata ng lalaking secretary. "Oh no, what happened to your clothes!" mabilis itong lumapit sa lalaki.
"It's just a stain, it's not that big." ani ni Mr. Dalton. Pumasok ito sa pinaka mahal at magandang kwarto ng hotel at tinaggal ang coat niya na namantsahan.
"Mr. Dalton ito po yung pamalit." Inabot ng lalaking secretary, na mukhang nasa thirties na at nakasalamin. " Sayang naman po yung white coat niyo, limited edition pa naman yun ng Chanel. Itong light brown na coat ay gawa din po sa Chanel kaya lang hindi na po limited edition." pormal na wika nito.
"It's okay. Mas maganda nga yung simple lang sana. I don't care about the brand." ani nito. May narinig silang kumatok sa pintuan. "Yes come in."
"Dad what happened? I heard natapunan ka sa damit?" Agad pumasok ang isang matangkad at gwapong binatilyo. Meron itong natural blonde hair at brown na mata. Agad nag-bow ang secretary sa mag-ama bago lumabas ito ng kwarto.
"Yes son, nalagyan lang ako ng kaunting icing." saad ni Mr. Dalton.
"Dad tell me kung sinong artist yung may kasalanan niyan. I will revoke his or her contract in our company immediately." iritadong sambit ng binata.
"N- no Stephen. Walang ibang may kasalanan dito. Nasagi ko lang yung sarili ko habang kumakain kanina." saad nito at sinuot na ni Mr. Dalton ang coat na light brown, at nakita niyang bagay ito sa kanya. "By the way son, anong sabi ni Sasha?"
"Hindi daw makaka-attend si mom. Masakit daw yung tyan niya e, parang may masama daw siyang nakain kaya dumiretso siya sa hospital. I already fired all the chef in our house." tugon ni Stephen.
Nagtungo na ang dalawang lalaki sa hall habang nakasunod sa likuran ang secretary. Hindi mapigilang ma-amaze ng mga tao sa paligid dahil sa gwapong itsura ng mag-ama.
"It's the president of the S.W.C, pa-picture tayo mamaya sis." bulong ng isang beginner na artista.
"Ang hot ni Stephen sis, Isipin mo yun twenty-one pa lang siya pero acting CEO na siya."
"Swerte talaga ng mapapangasawa niya sis!"
"Bakit wala si Mrs. Sasha?"
Maraming bulungan sa paligid ngunit naka poker face lang ang mag-ama at nagtungo sa malaking table na naka set-up sa harap kung saan naka-upo ang mga major stock holder ng company. Nang makaupo na sila ay sumenyas na ang secretary sa isang nag-a-assist sa gilid ng stage, at agad nag-dim ang ilaw sa hall at bumukas ang spot light sa stage, na naka-set up ngayon na pang vintage look.
"Good evening everyone! We are here to celebrate the 22nd Year Anniversary of the Star World Company!" bati ng isang sikat na host na lalaki at nagpalakpakan ang lahat. "First we want to acknowledge the Director and C.E.O of Star World Company, Mr. Zion Liam Dalton!"
Tumayo si Mr. Dalton at ngumiti habang nagpapalakpakan ang mga kilalang artista at stock holder. "We won't all be here today if Mr. Dalton did not found the S.W.C, twenty two years ago. Without further ado, let's welcome the new rising stars of our company, the B.L.U.E!" pagkasaad ng host sa pangalan ng banda ay agad nagpalakpakan ang mga tao. Naka-focus na rin ngayon ang mga camera man para sa live feed.
Matikas na naglakad papuntang stage ang apat na nag-gagwapuhang lalaki. Pumunta sila sa kanya-kanya nilang pwesto at nagsalita ang leader ng banda.
"Good evening everyone. We are here to perform the song 'Fly Me To The Moon'. Hope you like it." husky ang boses nito. Halos mapatid na ang litid ng mga fans na nanonood sa live coverage sa labas ng hotel at ang mga nanonood sa bahay. Kahit one year pa lang sa industriya ang B.L.U.E ay talagang bumenta sila sa mga tao dahil sa kanilang talento at magandang itsura.
Unang tumugtog si Lyric para sa Intro ng kanta, at agad niyang nakuha ang mga puso ng nanonood. Feel na feel nito ang kanta habang nakapikit ito. Naka focus ang camera sa kanya kaya naman sobra ang pagtitili ng mga fans sa labas.
"Fly me to the moon
Let me play among the stars" naantig ang lahat sa tinig ni Blake habang kumakanta ito gamit ang mic stand dahil mayroon siyang hawak na acoustic guitar.
Hindi maalis ang titig ni Mr. Dalton sa lalaking nag-kekeyboard. Buong kanta ay naka-focus lang ang atensyon niya sa tunog ng keyboard. Tila ba napaka pamilyar ng pagkatugtog sa kanta. Kalma at panatag din ang kanyang nararamdaman habang nakikinig. Tuwing pumipikit si Mr. Dalton habang pinapakinggan ang tunog ng piano ay may naalala siyang babaeng matagal niya nang kinalimutan.
"Don't tell me....." sambit ni Mr. Dalton habang nakatingin kay Lyric.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.