3rd Person's P.O.V "Good evening world!" propesyonal na bati ng isang sikat na reporter. "Nandito tayo ngayon sa Crystal Hotel kung saan magaganap ang 22nd Anniversary ng Star World Company. Be sure to watch our live coverage para makita ninyo ang mga favorite stars ng prestihiyosong kumpanya na ito." May nakalatag na red carpet at ang maraming fans ay nakapilibot dito. Maraming photographers at ibat-ibang media company na naka standby sa lugar. Napaka-ingay sa paligid at puro sigawan lang ang iyong maririnig. Sunod-sunod rin ang ang pag-flash ng mga camera dahil sa mga kilalang artista na nagsisidatingan. "Omaygash grey na van! 'Yan yung van ni Eros!" sigaw ng babae. Lalong lumakas ang tilian at todo pigil ang mga guard na huwag makalampas ang mga fans sa red carpet. Bumaba sa sas

