Chapter 38 - Motel

1426 Words
Artemis' P.O.V “Wait muna tayo ng 5 minutes kasi baka tumila na ang ulan.” ani ko.   “Sige.” tanging sagot ni Blake. Nasa Lobby kami ngayon ng Igpasuk Nimu Dyud. Ilang minutes kaming walang kibuan ni Blake at nakatitig lang sa malakas na buhos ng ulan. Makalipas ang limang minuto ay lalo pang lumakas ang ulan at nagsimula ng bumaha. Parang kanina lang ang araw-araw tapos ngayon biglang lumakas yung ulan? Yung totoo?   Napatingin ako sa itsura ni Blake na namumula ang pisngi. Agad akong lumapit sa nakatayo at tulalang binata at hinawakan ang leeg nito. “Fudge. Ang taas ng lagnat mo.” nag-aalala kong wika.   Why am I so selfish. Hindi ko man lang naisip na galing ospital tong kasama ko tapos naisip ko pang maghanap ng ibang lugar sa gitna ng gabi habang umuulan. Mabilis kong hinawakan ang malaki at mainit na kamy ni Blake at lumapit sa babae sa reception area. “Avail na po namin yung room.” sambit ko.   “Sure po ma’am.” nakangiti ito sa amin habang nakatingin sa kamay ko na nakahawak kay Blake. “ Ito po yung key sa room 609. Enjoy po ma’am and sir.”   Kinuha ko ang key at nagtungo na kami paloob. “Wala ata silang elevator.” sambit ni Blake na mukhang nag-bblush dahil sa lagnat.   Anong klaseng hotel ‘to na hanggang ten floor tapos walang elevator?! Napaka wrong timing talaga. Tiningnan ko si Blake. “Kaya mo pa ba umakyat ng hagdan hanggang 6th floor?” tanong ko habang nakatingin sa kanyang mapupungay na mga mata.   “Don’t worry about me Artemis.” sambit nito. Ramdam ko ang sobrang init na katawan ni Blake habang inaalalayan ko siya umakyat sa hagdan. Tiyak ako na once na mahimatay siya habang umaakyat kami ay madadawit niya ako sa pagbagsak dahil sa laki ng katawan niya. “Sabi ko sa’yo mag-i-stay ka na lang muna sa hospital e.” iritableng tugon ko.   “ Gagaling din ako once na makatulog ako. Ganun naman yung lagi kong ginagawa.” anito.   “Don’t you have a manager that will take care of you?” ngayong ko lang napansin na ang ganda ng side profile nito dahil sa matangos na ilong niya.   “I have…. I mean we have. Si Mr. Chris ang manager natin.” pabulong na ani nito.   “Ha? E pang-group lang na manager natin ‘yun e. Sinong naghahandle ng mga schedule at new projects mo?” Napansin kong binubuhat niya ang sarili niya para hindi ako mabigatan.   “I’m doing it.” Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Napansin ko kung gaano na-stress si Ms. Nami sa paghahandle lang ng mga schedule, endorsement etc ni kuya Lyric tapos malalaman ko na si Blake lahat gumagawa ‘nun? "How about your parents?" matapos kong sabihin 'yun ay agad kong nakagat ang labi ko. I forgot what ate Mika said! Iniwan siya sa orphanage ng mama niya tapos yung tatay niya deads na ata. Jusko ka talaga Artemis!  "Why are you biting your lip?" mahinang tugon nito.  "I'm sorry. F-forget my question." at nag-was ako ng tingin. "It's fine. My mom is..... busy." tanging tugon nito. "Kaya nasanay na akong mag-isa."   Pagkarating namin sa 6th floor ay bumungad ang pulang carpet. Dumiretso kami sa room 609 at binuksan ito gamit ang susi. Pagpasok namin sa loob ay bumungad ang puting malaking kama na nasa gitna. Mayroon dark gray na carpet sa loob. Ang pader ay kulay puti at meron wood accent wall kung saan nakasandal ang kama. Napatingin ako sa gilid at merong light grey na 3 seater sofa. Inalalayan ko si Blake paupo ng kama.   “ You should rest now.” sambit ko at nagtungo ako sa 3 seater sofa.   “Go in the bed Artemis. Maliligo lang ako” saad nito at pumasok na sa C.R. Anong pinagsasabi niyang go in the bed? Kumunot ang noo ko.   “Uy baka lalong tumaas yung lagnat mo kapag maligo ka!” sigaw ko.   “It’s okay.” saad nito mula sa C.R   “Puro ka it’s okay ewan ko sa’yo!” I rolled my eyes in frustration. “Make sure na warm water ang ipaligo mo ha?”   “Okay, okay.”   Paglabas nito sa banyo ay nakasuot ito ng puting bathrobe. Holy fudgebar. No wonder maraming nakakandarapa na babae dito. Medyo basa pa ang itim na buhok nito. Nakatali ang bathrobe niya ngunit kita ang matipunong dibdib nito. Ang laking ng katawan nito tapos partneran mo pa ng bad boy face. Superstar Blake talaga ang kalalabasan.   Napansin kong nag-iwas siya ng tingin sa’kin.   “Magpahinga ka na dyan. Maliligo lang ako.” ani ko at kinuha ang isa pang puting bathrobe. Napansin kong medyo namula ang mukha nito.   Naghubad na ako ng damit sa loob ng CR at binuksan ko ang heater para sa shower. “WHAT THE HELL?” napabalikwas ako ng talon at agad pinatay ang tubig. Niyakap ko ang sarili ko na nanginginig. “Premium room to or whatshoever tapos hindi gumagana ang heater.” iritableng bulong ko sa aking sarili.   Wala akong damit na pangpalit kaya naman nagsuot din ako ng robe na katulad ni Blake. Paglabas ko ng room ay dumiretso ako sa intercome.   “Hello po, may laundry service po ba kayo?” magalang na saad ko.   “Yes po ma’am. We can deliver the clothes tomorrow morning po.”   “Okay po, saan po pala namin ihahatid ang damit?” I asked.   “Ilagay niyo na lang po sa black na cloth bag po na nasa CR ma’am, tapos paiwan na lang po sa labas ng pinto.”   Matapos kong iwan ang gamit sa pinto ay nilapitan ko si Blake na tila ba nakatulog na sa kama. Hinawakan ko ang noo nito. “Lalo atang tumaas ang lagnat mo tsk.”   Naalimpungatan siya at napansin kong lalong namula ang mukha nito. “D-don’t touch me.” mahinang untas nito at dahan-dahang tinaggal ang kamay ko. So nandidiri ka na sa’kin ngayon?   “Kung wala ka lang mataas na lagnat ‘di talaga kita hahawakan no?” I crossed my arms at tinalikuran ito. Pagbalik ko sa kanya ay may hawak na ako na tray na may lamang tubig at puting bimpo.   Feeling ko ay mas tumaas ang lagnat niya kumpara kanina. Ang hirap naman nito dahil walang thermometer. Umupo ako sa tabi nya at pinatong ang puting bimpo sa ulo niya habang nakahiga ito.   “I-can do it myself.” he said in a husky voice at pinilit na bumangon. Tinulak ko siya pahiga. My patience. Relax Artemis. Nasigawan ko na talaga to kung wala lang 'tong sakit e.   “Ako na Blake. Ako na...” mahinahon kong sambit at nilagay ang puting bimpo sa ulo nito at wala na siyang nagawa. Napansin kong nakatingin siya sa gilid all this time.   “Slavey ayusin mo yung pagtali ng r-robe mo.” saad niya habang nakatigingin sa gilid habang namumula ang pisngi.   Agad akong napatingin sa robe ko at nakatali naman ito ng maayos ngunit medyo nakikita na ang cleavage ko. What the?! May cleavage pala 'ko?! Freaking hell! Gusto ko na lang lamunin ng lupa talaga! Mabilis ako nagtungo sa sofa at doon na humiga nang hindi tinitingnan si Blake. Nakakahiya ka talaga Artemis!   Nagulat ako ng  may kumalabit sa’kin. “Slavey don’t sleep there. Sa kama ka na.”   Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. “Bakit ka bumangon? Magpahinga ka pa doon. Baka lalo kang ‘di gumaling niyan e!” matalim ang titig ko sa kanya.   Umupo na siya sa 3 seater sofa at pinaalis ako mula sa pagkakaupo. “Sa kama ka matutulog.” mababa ang boses nito. Humiga si Blake sa sofa ngunit nakalagpas ang paa niya dahil sa sobrang tangkad nito.    “Pupulikatin ka nyan.” I said at hindi mapigilang mapatawa dahil hindi talaga siya kasya sa sofa pero pinagsisiksikan niya pa rin.   “I’m fine, just rest in the be-“   Hindi ko na siya pinagtapos sa pagsasalit at agad ko siyang hinatak sa kama.   “W-what are you doing?” anito habang hawak ko ang kanyang kamay. “Let’s just sleep together.” at tinulak ko siya pahiga sa kama.  TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD