Artemis’ P.O.V
I don’t know what to do. Binigay sa’kin ang ng nurse ang address nd ospital kaya agad akong nag-book ng sasakyan. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto namin at mahimbing ng natutulog si kuya Dustin at Krista. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto na ang suot ang ay black na pajama at at katerno nitong long sleeves.
Napansin kong patay na ang ilaw sa sala at tulog na ang lahat. Naisip ko sanang gisingin si Mang Kanor kaya lang alam kong pagod siya dahil sa pagdi-drive kanina. Paglabas ko ng villa ay nakita ko na ang sasakyan na pinabook ko at mabilis na sumakay.
“Kuya sa Malaya General Hospital po, pakibilis po emergency lang,” kabado kong saad. It’s my fault. Kung hindi sana ako nakinig kay Blake at sinabi na agad na masama ang pakiramdam niya sana ay hindi na siya nasa ospital ngayon. “Mga ilang minutes po ba ang biyahe kuya?”
“ 20 minutes lang po ma’am dahil wala pong traffic kapag gabi,” sambit ni kuya na may pang probinsyang accent.
I’m tapping my fingers on my phones screen the whole time. Napatingin ako sa cellphone ko at eleven na ng gabi. I am in an unfamiliar place and I don’t know anyone here.
Pagkarating ko sa ospital ay tumakbo ako papunta sa reception table na may nakaupong nurse. “Excuse me po, nandito po ba si Blake,” mabilis kong sambit.
“Blake? Ano pong surname ma’am?” saad nito sa akin habang nakatingin sa computer niya.
Fvck. Nakalimutan ko yung surname ni Blake. Naramdaman ko ang pamamasa ng kamay ko. “N-nakalimutan ko po miss e. P-pero matangkad po siya tapos black yung buhok. May piercing din po siya sa tenga.”
“Sorry ma’am, parang wala po ata kaming pasyente na katulad ng dine-describe niyo.” ani nito.
“Paki-check po ulit miss, kakatawag lang po sa’kin ng nurse kanina. Nasa emergency room daw po yung pasyente. Ako yung cinontact dahil ako daw po yung nasa recent text at call ng patient.” I’m desperate.
“Ay ma’am Slavey?" tanong nito sa akin.
What the hell. "Yes po ako 'yun." at tumango.
" Ako po yung nakausap niyo sa telepono kanina. Ito po yung room ni sir. Pero iba po yung itsura niya sa dine-describe niyo.” Pagkaabot sa’kin ng nurse ng papel ay dali-dali ako nagtungo papunta doon. Hindi ganoong kalakihan ang ospital na ‘to kumpara sa mga ospital sa city kaya mabilis ko siyang natagpuan.
Nakita kong nakahiga si Blake sa isang kama at mahimbing na natutulog. Agad akong lumapit. Napansin kong he’s wearing a blonde a wig. Naka maong na pantalon ito at itim na t-shirt. “B-blake I’m sorry. It’s my fault na ‘di ko sinabi sa iba na may sakit ka kanina. I told you…” hindi ko mapigilang mapahikbi. Pumunta ako dito mag-isa at nasa ospital ako. I’m freaking scared.
Napansin kong unti-unti niyang minulat ang mata niya. “Blake are you alright?” sambit ko.
“W-where am I?” mahinabg ani nito at tila ba nasilaw dahil sa ilaw na nasa kisame.
“Nasa ospita ka. Nag-collapse ka daw sa isang convenience store sabi ng nurse,” saad ko.
Nagulat ako nang tanggaling niya ang kung ano mang nakatusok sa kamay niya. Dextrose ata yun, I’m not sure. “What are you doing?” iritableng tugon ko. Umupo na siya sa kanyang higaan at inayos nito ang buhok niya.
“Why are you crying?” anito. Marahan niyang pinunanasan ang mga luha ko gamit ang thumb niya.
“ Are you serious? Nagulat ako sa call na natanggap ko na nasa ospital ka! Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo.” matalim ang titig ko sa kanya. Hindi niya alam yung kaba ko habang papunta ako dito. I’m praying na hindi siya naaksidente tulad ni kuya Lyric, and thank God he’s not.
“ Sorry pinagalala kita Artemis,” saad nito habang nakatingin sa’kin. Tumayo na agad siya kaya naman agad ko siyang inalalayan.
“Is it okay for you na tumayo na agad? Dapat matulog ka pa ‘dun sa higaan mo.”
“I am fine. It’s nothing serious. Lagnat lang ‘to at nakatulog lang ako sa convenience store matapos kong kumain ng dinner,” saad nito.
“WHAT?” nanlaki ang mata ko sa kanya. Agad kong hinawakan ang leeg niya at mainit pa rin ito. Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa sinabi niya. Kung dahil ba sa nakatulog lang siya or doon sa fact na sa convenience store siya kumain ng dinner. “ May lagnat ka pa rin, humiga ka na ulit doon,” magkasalubong ang dalawang kilay ko.
“ Sa pinagi-istay-an ko na hotel na lang ako magpapahinga after kitang ihatid,” aniya. “Wait for me here, magbabayad lang ako sa cashier.” Pinaupo niya ako sa isang long chair habang pinapanood siya na magbayad sa cashier. Kahit na naka-wig siya at may suot na makapal na salamin ay agaw pansin pa rin siya sa mga tao. Kahit nakatlikod pa lang siya ay alam mo na agad na gwapo ito. Nakita ko ang mga nagbubulungan na nurse at patient sa gilid niya.
“Hala ang pogi oh.”
“Parang artista girl!” ani ng mga ito.
"Type ko talga yung may pagka-chinto ng kaunti e," untas ng babae na tila ba kinikilig.
Dahil sa blonde na wig niya ay natatakpan ang trade mark na piercing ni Blake.
“Let’s go?” ani sa’kin ng matangakad na lalaki na nasa harap ko. Agad akong tumabi sa kanya at isinamapay ko ang braso niya sa balikat ko. “W-what are you doing?”
“Baka mag-collapse ka uli sa daan. Tutulungan lang kita para ‘di ka ma out of balance," ani ko. " Saka sobrang init ng katawan mo mamaya bigla ka na lang bumulagta dyan sa daan.”
“Okay,” anito. I can smell his perfume. Hanggang dibdib niya lang ako. Kung sakali mang mahimatay siya feeling ko ay mapipitpit niya ako dahil sa laki ng katawan niya.
Thirty minutes na kaming nakatayo sa may bus stop ngunit ni taxi ay wala kaming naabutan na dumaan. Nasa kabilang kalye kami ng ospital kaya kitang-kita sa pwesto namin ang kabuhuan ng Malaya General Hospital na ang sign nila ay halatang luma na. Maliit lang pala ang kabuohan ng ospital mas malawak at mataas pa ang building namin na Dream Publishing Company. Alangan Artemis, probinsya to girl!
"Wait try ko na lang ulit mag-book ng grab. Ayun yung sinakyan ko kanina e," saad ko at mabilis kinuha ang phone. What the hell bakit walang signal?!
"I tried Slavey. Pero walang signal," he sighed.
“Mga anak bakit nasa labas pa kayo?” nagulat kami sa matandang lalaki na na nagsalita. Kinokoleta niya ang mga bote nasa likuran namin kaya naman gumilid kami ni Blake.
“ Pauwi na rin po kami ‘Tay naghihintay na lang ng masasakyan,” magalang na saad ni Blake.
“Naku madaling araw na wala na kayong masasakyan dine. Mga turista ba kayo dito?” sambit nito habang nilalagay sa de-hila niyang kariton ang mga bote. Katulad niya ng accent yung nag-drive sa’kin kanina.
“Opo hehe.” I answered.
“Dito sa Sitio Tomas kapag madaling araw na ay nagpapahinga na ang lahat pati mga driver. Maliit lang kasi ang lugar na ito kaya naman wala ding pasahero kahit bumiyahe sa gabi.”
“Fudge,” di ko mapigilang ani.
“Kung gusto niyo ay merong matutuluyan diyan dalawang kanto mula ine. Magbabayad nga lang kayo mga anak,” nalagay niya na lahat ng bote sa kariton at akamang aalis na.
“Ditong way po ba ‘tay?” sambit ni Blake habang may tinuturo sa daan.
“ Oo anak, Ingat kayo sa daan,” saad ng matanda.
Malamig na ang simoy ng hangin at amoy lupa at d**o ang paligid. Madilim ang paligid at tila ba dalawa lang kami ni Blake na naglalakad. Tanging ang mga light post lang ang nagsisilbing ilaw sa daan ngunit ang iba pa ay hindi gumagana at kumikislap. Nagulat ako nang biglang may tumahol na aso sa nadaanan namig barong-barong na bahay kaya naman napayakap ako sa braso ni Blake.
“You’re scared of dogs?” narinig ko siyang mahinang humalakhak.
“No I’m not…I like dogs na maliliit pero kapag malaki na tapos nangdadamba natatakot na ‘ko,” nahihiya kong tugon. Buti na lang at madilim kaya hindi niya gaanong makikita ang mukha ko. Napansin kong mahigpit pa rin ang hawak ko sa braso niya. “S-sorry..” saad ko at mabilis na binitawan ito.
“Okay lang. You can hold on to me until we arrive. Mamaya may biglang humablot sa’yo sa daan at least nakakapit ka sa’kin,” at marahang tumawa ito, at ikinawit ko na lang ang kamay ko sa kanyang braso. I didn’t say anything. Hindi na ko aarte dahil mas safe ang pakiramdam ko kapag nakahawak sa kanya. Kung sakali mang may kumidnap sa’kin I can’t defend myself, pero sa laki ng katawan ni Blake I know he can defend me too.
Naaninag na namin ang lugar na sinabi ng lalaki kanina. Nasa sampung palapag ang lugar at agaw pansin sa gabi ang neon pink lights na desensyo nito. Napatingin ako sa sign na kumikislap-kislap. “Igpasuk Nimu Dyud” basa ko. “What does it mean?” kunot ang noo ko habang nakatingin kay Blake na kunot din ang noo. Nasa harap na kami ng Igpasuk Nimu Dyud.
“Hindi ko din alam e, ”aniya nito at kinamot ang ulo.
Pagpasok namin sa loob ay amoy strawberry ang paligid. Napansin ko ang mga titig ng staff ng lugar sa amin kaya naman agad akong napahawak sa braso ni Blake. Bakit nila kami tinitingnan? Dumiretso kami sa reception area at may babaeng todo ngiti kaming sinalubong.
“Welcome po sa Igpasuk Nimu Dyud ma’am at sir!” bati nito sa amin. “Anong room po ang gusto nila? Premium Room, Deluxe Room or Executive Room?”
“Yung pinaka malaking room po,” sambit ni Blake at kinuha ang wallet niya sa bulsa. “Magkano po?”
“ Three Thousand lang po ang Executive room namin for 24 hours na po siya and don't worry hindi po nagb-brown out dito kaya 'di po kayo maiistorbo,” todo ngiti ang babae kay Blake.
Agad kumunot ang noo ko. Hinila ko ang damitan ni Blake at tumingin siya sa akin. Sinensyasan ko siya na yumuko sandali at binulungan ito. “Bakit ang mura ng room dito? Ang weird..” tugon ko.
“Provincial rate siguro,” bulong din nito sa tenga ko. Napatingin ako sa babae sa harap namin na parang kinikilig.
“Ay ma’am and sir don’t worry po included na po sa 3000 ang food for two. Fully aircondition din po ang place at queen size bed. Meron din pong malaking bathtub na kasya ang dalawang tao,” sunod-sunod na salita nito.
“Okay. We need two rooms.” sambit ni Blake at sumenyas pa ako sa babae ng two, tila ba mukha itong peace sign.
“T-two room po sir and ma’am?” hindi makapaniwalang saad ng babae habang nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Blake.
‘Sa buong 5 years ko na nagtatrabaho sa motel, first time ko makarinig na couple na mag-aavail ng dalawang kwarto’ sa isip ng babaeng receptionist. “Ay m-ma’am and sir, wait lang po ah. Check ko lang po kung may available na rooms.” saad ng babae. Tiningnan ng babae na halos kalahati ng room nila ay bakante. “Naku po ma’am and sir. Pasensya na po. Isang room na lang po ang available namin ngayong gabi…” dismayadong tingin nito. 'Bago pa lang siguro na mag-jowa ang mga ito kaya nahihiya pa. Don't worry ako nang bahala sa inyo mga ineng.'
Nagkatinginan kami ni Blake at nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa paligid at mukha namang hindi ganoon karaming tao ang nag-check in.
“Sure miss wala ng extra room kahit yung sa maliit na lang yung isa?” saad ni Blake.
“W-wala na po talaga sir e,” nag-iwas ng tingin sa amin ang babae.
“Tingin muna tayo baka may iba pang hotel pa dito,” bulong ko kay Blake.
“Okay,” nang patalikod na kami sa receptionist ay bigla kaming nakarinig ng malakas na kulog at nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan.
“Avail niyo na po ba yung Executive room ma’am and sir?” ngiting asong saad ng receptionist.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.