Chapter 36 - What's The Tea?

1741 Words
3rd Persons P.O.V   “So I think you can now explain to me everything right FRENNY?” mataray na sambit ni Krista sa nakatayong binata. Pinanliitan ng mata ni Krista si Dustin. Tinap ng dalaga ang tabing pwesto sa kanyang higaan.   Umupo si Dustin sa gitnang kama kung saan naka upo si Krista.   “Guys mukhang may pag-uusapan kayo. Sa labas na lang muna k—”   “No it’s fine Artemis. I know you won’t tell,” at kabadong ngumiti si Dustin. Huminga ng malalim ang ang binata habang mala pusa ang mga mata ng dalawang dalaga na katabi niya ngayon sa gitnang kama.   “So bakit ayaw mo ipaalam sa kanila naka one night stand mo ko?” ani ni Krsita sa mapanuring mga mata.   “What?!” bulalas ni Artemis. Kulang na lang ay lumuwa na ang mata nito. “Y-you and Krista?!” saad nito habang nagpapaplit-palit ng tingin kay Dustin at Krista.   “Y-yes Artemis. H-hindi naman sa tinatago ko…” ilang ang tingnin ng binata.   ‘What a cinammon,’ ani ni Krista sa isip nito. “So ano nga?” inip na tanong ng dalaga.   “Alam kasi nila na gay ako. Syempre magugulat sila kung malaman nila na may naka one night stand ako diba. Tapos babae pa?”   “May problema ba doon?” Nagtataka ang mukha ni Krista habang nakatingin kay Artemis.   “I don’t see any problem with that,” sambit ni Artemis na tila ba nag-iisip ng mabuti. “W-wait!” nanlaki ang mata ni Krista. “So you are telling us na niloko mo si Ms. Nami at Mika dahil lang gusto mo Faye?” aniya ni Krista.   “Gusto niya si ate Faye?!” untas in Artemis at mabilis agad na tinakpan ang bibig.   “H-how did you know?” ani ng binata at napakamot sa ulo. “Y-yes pero h-hindi ko naman sila niloloko. It’s just a w-white lie."   “Girl halatado ka naman masyado! Sa mga titig mo pa lang pansin ko na e!” ani ni Krista at mayabang na tumawa. “Napansin mo rin ba Artemis?”   Sabay na napatingin ang dalawa kaky Artemis. “ May mga na-fefeel ako na something pero hindi ko pa sure before,” at awkward na humalakhak ang dalaga.   “Sis naman ang dami mong novel na may halong romance tapos ‘di mo napansin yung mga titig saka da-moves ni Dustin?” nagtatakang wika ni Krista.   “ Sa books lang naman kasi yun sis! Alam mo naman wala kong masyadong experience in real life. T-teka bakit ako na na ho-hot seat dito?” sambit ni Artemis.   “Hey wala naman akong naalala na duma-dam-moves ako. Maingat kaya ko,” medyo namumula na ang mukha ng binata.   “Seriously you two?” bumuntong hininga si Krista. “Dustin sa dinami-dami namin na may dala ng maleta, boxes at kung ano mang bubuhatin. Si Faye lang lagi yung ino-offeran mo ng tulong.”   “K-kasi siya yung pinaka maliit sa i-inyo.” pagdadahilan ni Dustin at napatingin kay Krista. "I mean pangalawang pinaka maliit."   “Wala-wala huli ka na. Bawal na deny dito,” ani ni Krista at humalakhak.   “Instead na kay kuya Dustin… Parang may mas napansin ako kay ate Faye,” mapakhulugang sambit ni Artemis.   “Diba sis! Parehas talaga tayo!” saad ni Krista at nag appear pa ang dalawang magkaibigan.   “W-what do you mean?” namimilog ang mga mataa ni Dustina at halata ang pagka-curious.   “W-we think na may gusto sa’yo si ate Faye,” saad ni Artemis.   “WHAT?” bulalas ni Dustin. “ Yung seryoso kasi guys! Jino-joke time niyo naman ako e!” at ilang na tumawa ang binata. Ngunit napansin niyang seryoso ang mga itsura ng dalawa. “Seryoso?”   “Hindi niyo ba napansin na medyo cold yung turing sa’kin ni Faye?” sambit ni Krista. “Medyo lang naman ha.”   “I didn’t notice sis!”   “Ako din, wala namang napansin,” ani ni Dustin.   “I guess ako lang nakapansin, like always.” then Krista rolled her eyes. “I think pinagseselosan niya ko.”   “No way!” halata ang gulat sa ekspresyon ni Dustin.   “W-wait I remember something! Yung first meeting niyo sa condo remember. Nung nabagsak ni ate Faye yung make-up pallete ng hinila ni kuya Dustin si Krista palabas… Tapos I’m not sure kung tama ba yung nakita ko pero may napansin akong parang patak ng luha sa mata niya ‘nun,” kwento ni Artemis.   “Hala sis grabe!” aniya ni Krista at marahang hinampas si Artemis. “Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin yang tea!”   Umawang ang bibig ni Dustin dahil sa narinig niya.   “Ngayon ko lang din naalala e. Ang dami kasing ganap last time e,” sambit ng dalaga habang kinakamot ang ulo.   “Sobrang maingat si Faye sa mga make-up pallete niya at never ko po siya nakitang nakabagsak ng make-up pallete,” saad ni Dustin.   “Why would Artemis lie to you?” napataas ang kilay ni Krista habang hawak-hawak ang kamay ni Artemis. She looked like a lion ready to devour her prey.   “N-no that’s not what I mean. I believe Artemis. I know that she won’t lie to me,” at nginitian ni Dustin si Artemis. “Ang di ako makapaniwala ay yung part na gusto ako ni Faye. I know that- N-nothing.“ at agad tinikom ni Dustin ang bibig niya. ‘I know that she hates all men. Kaya nga ko nagpapanggap na bakla para lang maging close siya,’ sa isip ni Dustin.   “Bakit hindi natin alamin kung gusto mong malaman?” halata ang male-demonyong ngiti kay Krista.   “I-is that possible?” ani ni Dustin.   “Artemis remember in your third book? Yung FL mo tsundere sa ML diba?” tugon ni Krista kay Artemis.   “Yes pero parang medyo iba naman yung type ni ate Faye kumpara sa character ng FL ko dun sa book. More on soft tsundere si ate Faye e.” ani  ni Artemis habang nag-iisip ng mabuti.   ‘What the hell are they talking about? FL and ML? Tsundere?’ sa isip-isip ni Dustin. Pahapyaw na umubo ang binata. “Ahm guys… I don’t want to be rude pero hindi ko kayo maintindihan hehe.”   “Hala sorry kuya!” aniya ni Artemis. “ Don’t mind what we say.”  awkward na tumawa ang dalaga.   “ Ibig sabihin lang namin parang si Faye yung type na hindi pinapakita yung totoong nararamdaman niya sa’yo. Yung kunwari walang gusto pero meron naman pala. Basta something na ganun!”   “ Yes kuya that’s what we mean. Iba talaga pag-editor!” ngumiti si Artemis kay Krista. ‘May mga time na pinapabago ni Krista ang ilang maliit na parte sa libro ko. Pero alam kong para sa ikakaganda ng libro naman yun. Though nakakairit yung minsan hehe.’ sa isip ng dalaga.   “Of course sis! Yan ang trabaho kong editor magahanap ng mali tapos tumulong matama ito,” proud na ani ni Krista   “So what do you suggest?” halata ang pagtataka sa mukha ni Dustin.   “I suggest kuya Dustin na pagselosin mo si ate Mika. It always work out well sa mga characters ko sa book. What do you think sis?”   “I agree one hundred percent sis. So kailangna mo ng kakuntsaba na friend na pwedeng umarte kasama mo,” saad ni Krista.   “P-pero si Nami at Mika lang ang common friend namin ni Faye. We don’t have common friend other than them,” ani ng binata.   “ No kuya you still have someone na common friend niyo ni ate Faye….” sambit ni Artemis at sabay napatingin ang dalawa sa kanya. “ Si Krista! She fits perfectly on the job. First of all, may history na siya na pinagselosan ni ate Faye. Secondly, tayo-tayo din nagplano dito so sino pa ba magtutulungan kung hindi tayo din and lastly…. Naka one night stand mo na rin naman siya,” medyo humina ang boses in Artemis sa dulo.   Namula ang mukha ang ni Dustin ng banggitin ang ‘one night stand’ samantalang tila walang pake lang si Krista. “What do you think sis?” tanong ni Artemis.   “May magagawa pa ba ko? Na-finalize mo na yung plano e. Desisyon ka talaga sis!” Krista said and rolled her eyes.   “Hehe love you sis!” at nag-peace sign si Artemis dito.   “I-I can’t do that. M-malaking abala na nga ata kay Krista yung magpanggap na childhood friend ko..” nahihiyang tugon ni Dustin.   “Actually I don’t mind at all.” prankang saad ni Krista. “Basta… Kung sakaling kailanganin ko ang tulong mo in the future you need to respond to me immediately,” at humalakhak si Krista. ‘It takes two to tango my friend. We both need to gain something on this,’ sa isip ng dalaga.   “DEAL.” sambit ni Dustin at ngalahad ng kamay. Tinangap naman ito ni Krista habang si Artemis ay nasa gitna at nakangiting pinapanood ang dalawa.   ‘It should work.. It’s my plan after all.’ sa isip ni Artemis.   Matapos nila magkwentuhana y nagtungo na sila sa kanilang higaan. Ang kama ni Dustin ay nasa pinaka right at malapit ito sa balcony. Si Krista naman ay nakahiga sa gitnang kama. Si Artemis ay nakahiga sa kama na nasa pinaka-left at malapit sa pintuan. Nakapatay na ang ilaw at tanging tunog na lang ng aircon ang naririnig niya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.   Number ito ni Blake kaya agad niya itong sinagot. “Hello?” ani ng dalaga at humikab. “Bakit na naman?” tamad ang boses ng dalaga. 'Gabi na tapos nangungulit na naman ang mokong.' sa isip ni Artemis.   “Hello po ma’am?” nagulat si Artemis ng babae ang nagsalita. Tiningnan niya pa ulit kung number ba talaga ni Blake yun.   “H-hello po, sino po sila?” agad nagbago ang tono ni Artemis at naging magalang.   “ Hello ma’am nurse po ito from Malaya General Hospital,” sambit nito. Tila ba tumigil ang puso ni Artemis.   “H-hospital po?” nabasag ang boses ng dalaga.   “Yes po. Contact number niyo po kasi ang nasa recent text and call ng patient. Nasa emergency room po siya ngayon.”     TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD