Chapter 35 - Insecurities

1376 Words
  3rd Person's P.O.V     “Guys dali ang sarap ng tubig!” sigaw ni Mika matapos niyang sumugod sa malinaw na dagat. Dali-daling sumunod si Krista at Faye sa pwesto ni Mika. Kita sa malayo ang masasayang mukha nito habang nagtatampisaw. Nagtatawanan ang mga ito at hindi marinig ni Artemis ang pinaguusapan nila.   Dumiretso si Artemis at umupo sa tela na nilatag ni Dustin. “Kuya Dustin pwedeng paupo?”   “Sige lang, ano ka ba para namang others,” at nginitian siya ng binata habang inaayos nito ang malaking payong.   “Ms. Parker wait lang!” napatingin ng sabay si Dustin at Artemis sa pinanggalingan ng boses. “Nagdala ako ng sunblock.” ani ni Ms. Nami habang hingal na hingal. “Bawal ka umutim or ma-sunburn dahil marami kang projects na nakapila this month,” she said while catching her breath.   “Inom po muna kayo Ms. Nami.” at inabutan nito si Ms. Nami ng bote ng mineral water.   “Thank you,” at uminom ang dalaga bago umupo sa may sapin.   “Yown na-set up na rin ’tong shade natin!” saad ni Dustin at umupo na sa tela habang pinapanood nila ang kaibigan nila na naglalaro na sa dagat.   “Halika Ms. Parker lagyan na kita ng sunblock,” mahinhing sambit ni Ms. Nami habang hawak ang malaking bote ng lotion.   “Ay ako na pong maglalagay,” nahihiyang tugon ni Artemis.   “Sige. Pero tulungan na kita maglagay sa likod mo kasi ‘di mo abot.” Ang daming nilagay na lotion ni Ms. Nami sa likuran ng dalaga.  “Sa mukha din Ms. Parker maglagay ka ha,” ani nito   “Okie po,” saad ni Artemis at ngumiti. Amoy na amoy ni Artemis ang bango ng lotion. Napatingin siya sa bote at mukhang mamahalin ito.   “Uy tara na dito ang sarap ng tubig!” sigaw ni Mika sa kanila sa kalayuan.   Tumayo si Ms. Nami matapos nitong lagyan ang buong likod ni Artemis. “Kayo guys? Dyan lang kayo?” tanong nito.   “Sunod ako maya-maya Nami.” ani ni Dustin habang hawak ang mini electric fan niya na naka harap sa kanya.   “Ako rin po,” saad ni Artemis habang nakahalukipkip.   Tila ba kuntento na si Artemis na makita ang mga kaibigan niya na masayang nagtatampisaw sa tubig. Nakayakap si Artemis sa kanyang tuhod habang nanonood sa mga nagtatawanan na dalaga. ‘Ang gaganda nila. Sana all talaga...’ sa isip nito at lalong humigpit ang yakap niya sa kanyang tuhod.   “Hindi ka mahilig sa dagat?” napatingin si Artemis kay Dustin na katabi niya.   “M-mahilig po. Lagi po kaming lumalabas dati nila mama at kuya para mag-beach dati e,” ani nito.   “Bakit hindi mo sila samahan magtampisaw ‘dun oh. Mukhang nag-eenjoy na sila,” saad ni Dustin at parehas natawa ang dalawa nang makitang nahampas ng alon ang mga kaibigan nila kaya sabay-sabay itong natumba.    “Okay lang po ako dito,” ani ni Artemis. Napansin ni Dustin ang pwesto ng dalaga.   “Ito oh, suotin mo muna yung jacket ko kung ‘di ka pa sanay mag swimsuit,” at inabot ni Dustin ang grey niyang jacket.   Umaliwalas ang mukha ni Artemis at ngumiti ito. “Thank you kuya Dustin!” at agad sinuot nito ang jacket.   “Welcome,” at ngumit ang binata. “You remind me of my little sister,” anito.   ‘Kaya pala ang bilis niya makaramdam at kuyang kuya ang akto nito sa’kin.’ sa isip ni Artemis. Hindi mapigilian ni Artemis tumitig kay Dustin. 'He doesn't look gay to me.' sa isip ng dalaga.   “Hindi ka pa rin ba kumportable sa suot mo?” concern ang tono ni Dustin. "H-hindi po e," ani ni Artemis. Napansin niyang kumuha ng shawl si Dustin sa bag nito at inabot ito kay Artemis.   “Thank you po ulit,” napatawa si Artemis at tinabing ang shawl para takpan ang kanyang legs kaya naman nakakaunat na ang legs ng dalaga. “Hindi po kasi ako nagsusuot ng swimsuit e. Pangit po kasi yung katawan ko,” sabay tipid na ngumiti ang dalaga.   “Ha?!” kunot ang noo ni Dustin na napatingin kay Artmis. “Sinong namang nagsabi sa’yo nyan?” salubong ang kilay nito.   Mapait na ngumiti si Artemis.   'Siguro masyadong personal ang tanong ko..' sa isip ni Dustin. “ Basta huwag kang magpapaniwala ‘dun kung sino mang nagsabi sa’yo nyan. Madalas kung anong sinasabi ng ibang tao na negative sa kapwa nila ay dahil ‘yun yung tingin nila sa sarili nila. Mga inggit lang yun sa’yo,” pagalit na saad ng binata at inayos ang mahaba at blonde niyang buhok. “ Ang babae parang art yan. Kahit anong kulay, shape o itsura nyan, lahat yan maganda. Everyone is unique and beautiful in our own way.”   “Thank you kuya,”  sambit  ni Artemis habang nakatingin sa concern na mga mata ni Dustin. 'Para siyang si kuya Lyric...' sa isip ng dalaga. ' I miss him. ' Muli niyang naalala  ang mga pangyayari na gusto niya ng kalimutan ngunit hindi niya magawa.    “Why are you so ugly?!” sigaw sa kin nung babaeng naka yellow habang naka cross arms. “Dapat hindi ka na lumalabas ng bahay, kung ganyan ka kapangit!” sigaw niya sa akin at nagtawanan lang ang tatlo niyang kasama. Hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko maging mag-isa sa labas tapos ganito yung nangyari.   “W-wala naman a-akong ginawa sa inyo ha,” Paghikbi ko.   “Yung mukha mo yung problema!” sigaw sakin nung naka yellow. “You are so ugly! Kung ganyan yung mukha ko never na ko lalabas ng bahay. Diba girls?” at pinagtawanan ako ng mga ito.   Lumapit sina Krista at Mika sa kinauupan nila Artemis at Dustin at sabay hinila ang dalawa papunta sa dagat. Matagal nagbabad sa dagat ang magkakaibigan. Naglaro pa sila ng volleyball at kumuha ng mga magagandang litrato. Saka pa lang pumasok ang magkakaibigan nang mapansin nila na medyo dumidilim na.   “Ma’am handa na po ang pagkain.” nakangiti na bati ni Manang Joy.   “Grabe ngautom ako ‘dun!” ani ni Krista.   “Same sis,” saad ni Mika. "Hala ang bango!" sambit ni Dustin at dumiretso na sa hapagkainan. Malaki ang dining table at napupuno na ito ngayon ng ibat-ibang ulam.    Mabilis natapos kumain ang lahat dahil nagsimula na silang makaramdam ng pagod. Napatingin si Artemis sa wall clock at six PM pa lang ng gabi pero ang bigat na ng katawan niya.   “Guys dalawa lang pala yung room sa taas. Bale need natin maghati by three kada room,” sambit ni Ms. Nami bago uminom ng tubig. Mapungay na ang mata nito.   Nagulat si Dustin ng bigla siyang akbayan ni Krista kaya naman napayuko siya dahil maliit ang dalaga. “Share na kaming tatlo ni Dustin at Artemis sa isang room. Mukhang need namin mag-catch up ng FRENNY ko e. Right? Diba?” saad ni Krista at mala-anghel na nginitian si Dustin.   “Y-yes. Girls talk with frenny alam niyo naman,” pangbabaeng saad ni Dustin at awkward na tumawa.   Humikab si Faye at nanluluha na ang mata. “Okay goodnight sa inyo guys.”   “Ang dami niyo namang energy, sana all,” ani ni Faye habang hinhilot ang balikat  niya.   “Goodnight guys,” sambit ni Ms. Nami at narinig na ang pagsara ng pinto ng kwarto nila. "Rest well."   Pumasok na sila Dustin, Krista at Artemis sa kwarto. Maluwag ito at meron puting wall paint at wood textured ang mga furniture. Meron tatlong single bed sa isang kwarto. Naiwang bukas ang aircon mula kanina kaya naman ramdam ang lamig sa loob. Agad dumiretso si Artemis sa higaan na inupuan niya kanina at binalot ng puting kumot ang sarili. 'This feels like heaven!' sa loob-loob nito.   “Shems naiwan kong naka charge yung phone ko, baka masira yung battery.” Artemis mumbled, at agad binunot ang saksak ng charger ngunit hindi tiningnan ang phone.   “So I think you can now explain to me everything right FRENNY?” mataray na sambit ni Krista sa nakatayong binata.    TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD