Chapter 18 - Best Friend

2216 Words
"Hey Artemis! Anong ginagawa niyo dyan!"  malakas na wika ni Krista sabay katok sa bintana ng sasakyan. Agad kaming nagkatinginan ni kuya Caleb at ramdam ko ang pag-init ng aking mukha. Agad kong binuksan ang bintana ng sasakyan. "Hey Krista!" alangan na bati ko. Tumaas ang kilay niya at binigyan ako ng malisyosong tingin. "Oh my! Nakaistorbo ba ako? Sorry  ha!" wika nito sabay humalakhak. "Hindi sis! Pasok ka na sa likod." sarcastic kong saad. Pinanlakihan ko siya ng mata at binigyan ng 'mamaya ko ikekwento' look.  "Oh sure!" maarteng ani nito at sumakay na sa likuran ng sasakyan. Nagsimula nang mag-drive si kuya Caleb. Pinatugtog ko ang mga kanta ng B.L.U.E. "Fan ka din pala ng B.L.U.E, Artemis!" tili ni Krista once na pagkapindot ko ng play button. Agad kaming nagkatinginan ni kuya Caleb.  "Hindi niya pa alam?" kuya Caleb mouthed but without voice. "Mamaya pa lang." saad ko din pero walang boses. I laugh awkwardly. "Oo sis, feeling ko nga kilalang kilala ko na yung mga member." sarkastik kong sabi. "Hala! Bakit ngayon mo lang sinabi! Mukhang mapapahaba ang kwentuhan natin later ha!" masiglang saad nito. Nang papasok na ng parking lot ang sasakyan ay nakita ko sa repleksyon sa salamin ang panlalaki ng mata ni Krista. "Oh my gosh! Oh my gosh! Dito ka nagi-istay Artemis?!" bulalas nito. "Yes sis." nahihiyang wika ko. "Pero nakikitira lang ako." I said bluntly dahil totoo naman. "Dito nakatira si Lyric Appolo ng B.L.U.E! Gosh! Magpapa-picture talaga ako pagma-meet ko siya!" tili nito. Kulang na lang ay maghugis puso ang mata nito sa sobrang excited.  "Hehe," ilang na tawa ko. Sinabi ko na naman kay Krista na Lyric yung name ng twin brother ko pero hindi niya alam na ang sikat na Lyric Appolo Parker na keyboardist ng B.L.U.E si kuya. Nag-park na si kuya Caleb, bago kami bumaba ay sinuot muli namin ang makapal na salamin at cap. Nanahimik si Krista habang naglalakad dahil sa sobrang amaze sa paligid. Parehas talaga kami ng reaksyon 'nung unang punta ko dito. "Mr. Caleb!" napalingon kami sa sigaw ng isang lalaki. "Thank God nakita rin kita. Bakit 'di ka sumasagot sa tawag ko!" saad ng lalaking maraming dalang maleta at naka-formal attire na ngayon ay papalapit na sa amin. "Elli! Finally you arrived!" bati ni kuya Caleb sa mukhang stress na stress na lalaki. "Oh Lilian and Krista this is Elli, my manager." "Hello guys!" nginitian kami nito at agad ng sumama ng tingin kay kuya Caleb. "Bakit 'di ka man lang nagsabi na pupunta ka ng Pilipinas! Niresched ko lang naman lahat ng meetings na 'di mo na-attendan." pag-rarant nito na tila ba hindi niya kami nakikita ni Krista. "My bad!" paghalakhak ni kuya Caleb at kumamot lang sa ulo. Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang 50th floor. "Dinala mo yung susi sa condo Elli?" "Yes." tila parang pagod na wika ni Elli. Napatingin ako sa manager ni kuya Caleb. Mukha siyang nasa thirties na. Malaki din ang katawan niya at mas maliit lang ng kaunti kay kuya Caleb. Mukha naman siyang mabait at halatang close sila ni kuya Caleb. "Papalagyan na rin natin ng lock code yung pinto mamaya." ani nito.  Bumukas na ang pintuan at tumulong ako maglabas ng isang malaking maleta na hila-hila ni Mr. Elli. "Ay thank you po, ako na Ms." saad nito sa akin at nginitian ako. Naglakad kaming apat sa hallyway at nang nasa parte na kami kung saan maghihiwalay ay nagkatinginan kami ni kuya Caleb. "Lilian, ihahatid ko  sa'yo mamaya yung mga pianmili natin ha." ani nito habang may dalwang maleta na bitbit. "Okay, door bell ka na lang kuya." ngiti ko. "See you later." tugon nito at hinintay niya kaming makapasok ni Krista sa loob ng condo. Pagkasara ko ng pinto ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. "Omaygash sis! Spill the tea! Kanina pa talaga nangangati yung bibig ko magsalita!" bulalas ni Krista. "Ang ganda naman ng condo na 'to! Finally gumastos ka na rin sa sweldo mo sa pagsusulat!" "Actually Krista sa kuya ko 'tong condo." Hinila ko si Krista papasok sa malaking sala at doon naka-display ang malaking photograph na picture ni kuya Lryic. "Oh my sis! Hindi mo naman sinabi na sobrang idol mo si Lyric Appolo! Ang effort magpa-frame ha!" wika nito habang tinitingnan ang bawat litrato na nakadikit sa puting pader. Umupo kami sa malambot na sofa at nagp-prepare ng snacks dahil alam kong mahaba-haba ang kwentuhan ito. "Krista I will tell you something pero you must swear na hindi mo 'to sasabihin sa iba." seryosong saad ko sa kanya habang hawak ang dalawang kamay niya. Napansin kong nanlaki ang mata niya. "What's the tea sis? Promise I won't tell!" determinadong sagot nito. Mukha siyang seryosong barbie ngayon dahil sa natural blonde niyang buhok, doll eyes, at kikay na pananamit. Plus the super sweet perfume! Argh. Huminga ako ng malalim bago magsalita. " Twin brother ko si Lyric Appolo Parker ng B.L.U.E " saad ko. Agad nanlaki ang mata niya at bumagsak ang bibig nito. "What?! Yung Lyric na twin brother mo ay yung gwapo na talented na keyboardist ng B.L.U.E?!" sigaw nito. I nodded at her. Well hindi ko naman siya masisisi na hindi niya napansin dahil hindi naman ako kagandahan. "I knew it! Inexpect ko na gwapo yung twin brother mo dahil maganda ka sis pero hindi ko inexpect na si Lyric Appolo. Grabe ang revelation!" habang tinuturo niya ang malaking photograph na nasa pader. "Meron pa sis...." I said while holding her hand. "Yung reason kung bakit ako nag-iistay dito at kung bakit humihindi ako sa mga aya mo lately..." "What is itt sis!" excited na wika nito.  Tinaas ko ang aking pink finger. "Pinky promise first, swear to our friendship." I said.  Agad siyang nakipag-pinky promise. "I swear on our friendship!" hyper na wika nito at umakto pa na zini-zipper niya ang bibig niya at tinapon ang susi. "Nagpapanggap ako as kuya Lyric." saad ko at tinanggal ang longhair wig ko. Umaktong nahimatay si Krista at humiga sa malabot na sofa. "Grabe talaga! Grabe. I'm so speechless!" wika nito habang nakahiga. "You cut your long hair sis?! Yung pinakamamahal mong buhok?! Gosh!" "Uy bumangon ka dyan!" pangungulit ko sa kanya. " Kahit ako hindi makapaniwala!" pagtili ko. "Super mixed emotion talaga! Tapos yung mga fans ni kuya Lyric grabe para akong mahihimatay everytime pinalilibutan ako!" pakwento ko with matching actions. "Artemis tingnan mo yung situation sa ibang perspective. Look at the bright sides. Isipin mo na lang mapapalibutan ka ng mga hoties while doing this! Ang exciting kaya!" parang nagniningning ang mata nito. Kwinento ko lahat nang nangyari sa kanya mula umpisa at super attentive niya dahil sa tsismis. "What the heck! Nakita ka ni fafi Blake na natagusan!" pangaasar nito habang tumataw at hinamapas ako ng throw pillow. Agad ko din siyang hinampas ng throw pillow.  "Sobrang nakakahiya talaga! Parang gusto ko na lang maging hotdog sa freezer nang mangyari yun e!"  "By the way sis, kwentuhan mo naman ako about kay Eros! Siya talaga yung pinaka-crush ko sa  B.L.U.E!" sabay pakita nito sa akin ng picture ni Eros na nasa phone wallpaper niya. "Ano sis super pogi ba sa personal? Hot?" "Ahm okay naman siya. Hindi pa naman kami ganung nagkakausap, pero last time may kausap siyang girls sa phone." malungkot na saad ko. "What?! Serious type ba siya sa relationship or pa-fling-fling lang?" tutuok na tutok si Krista sa akin. "Actually hindi ko talaga sure sis, pero parang hindi naman siya yung serious type, I guess?" alangan na sagot ko. "Sis promise me, kapag may concert kayo or event na pwede mag-invite ng friends isama mo ko please!" pagmamakaawa nito sa akin habang naka-pout. "Diba bagay kami ni Eros sis?" saad niya habang tinatabi sa mukha niya ang litrato ni Eros habang naka-pout. Merong blonde na buhok si Krista at bilugang mata plus sobrang puting kutis. Mas maliit lang siya sa akin ng kaunti at sobrang girly or minsan sexy siya manamit dahil nagmamayari sila ng isang boutique store. Samantalang si Eros naman ay meron grey na buhok at may pagka-chinitong mata.  Sobrang pinagkakaguluhan ng mga fans si Eros dahil sa bad boy flirty look niya plus the abs. Lahat naman ng member ng B.L.U.E ay may abs e, nakita ko lang sa magazine ng summer edition. "Feeling ko din sis bagay kayo!" pagsuporta ka sa kanya. "Pero sis, I want a man na i-te-treasure ka as his ONLY girl not just a fling." medyo sumeryoso ako habang ine-emphasize ang word na only. "Ano ka ba sis!" sabay tapik niya sa balikat ko. "Basta si Eros yung guy, kahit fling lang  sasaya na ko! Siya talaga yung ideal man ko. Yung abs niya sis nakita mo ba!" bigla niyang zinoom ang pic  na naka-post sa i********: account ni Eros sa bandang tyan nito. "Six pack sis! May V line pa siya shems!"  kulang na lang ay tumulo na ang laway ng kaibigan ko na ito.  "Sige I promise, kapag pwede mag-ivite ng friends sasabihan kita agad." saad ko at uminom ng ice tea nang biglang may nag-door bell. Agad akong pumunta sa pinto at binuksan ito.  "Hi baby." wika ni kuya Caleb habang bitbit ang mga paper bag na shinopping namin kanina. "Hi kuya Caleb." saad ko. Napansin kong nakapalit na siya ng pambahay at mukhang naka-shower na din dahil medyo basa pa ang pula niyang buhok. "Buti nakapasok ka na sa unit mo." I smiled. "Oo nga e. Next time invite kita, lulutuan kita ng gusto mong food." he smiled back. "Yey thank you kuya!" I exclaimed. Agad kong kiunuha ang mga paper bag at nilagay sa tabi ko.  "Lilian you should call me by my name. Not kuya." maamo ang blue niyang mata na nakatingin sa akin. "H-hindi pa 'ko sanay K-kuya C-caleb e." nag-iwas ako ng tingin. Paano ba naman, buong buhay ko Kuya Caleb tawag ko sa kanya tapos biglang mag-iiba. "Lilian, say my name." nagsusumamong saad niya. Lumapit siya sa akin at naamoy ko ang bango ng katawan niya. Anong shower gel ang gamit nito? Nahiya naman ako dahil 'di pa ko nags-shower dahil nagkwentuhan agad kami ni Krista. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko. Ramdam ko ang malaki at mainit niyang palad.  "Baby please, say my name" bulong niya sa tenga ko gamit ang suky at maginoo niyang tinig. "C-caleb."  mahinang tugon ko. "Good girl." saad niya sa malalim na boses. " See you tomorrow baby. Good night." at marahan niyang hinalikan ang noo ko. "Good night kuy- I mean C-caleb."  sabi ko at sinara na ang pinto. Dinala ko ang maraming paper bag sa sala at sinalubong ako ni Krista nang makita niyang marami akong bitbit. "Omaygosh sis! Bili niya to sayo lahat! Infairness ha may taste siya!" bwelta ni Krista habang isa-isa namin binuksan ang mga paper bag ng mga dress at shoes. "So what's the tea sis, may nangyari na ba sa inyo?" Agad namula ang mukha ko. "Sis kagulat naman yung tanong mo!" at mahina ko siyang pinalo ng throw pillow. "W-wala pa!" "Ano ba yan pa-virgin naman!" at humalakhak ito. "Nakapagsulat ka nga ng ilang steamy bed scene sa ibang chapter sa story mo tapos nahihiya ka pa?" "Iba naman yun e! Sa story lang yun, i-ito in real life." nagiwas ako ng tingin. "Sabagay. Pero hanggang saan na inabot niyo? Dali kwento!" tili nito. "K-kiss pa lang sa noo tapos sa l-lips." I said in a low voice. "Sabi niya hindi naman daw niya ako minamadali..."  I smiled. "Aww ang cute niyo naman. Sabagay ilang years ka ding hindi lumalabas sa condo mo kaya wala kang masyadong experience kahit  22 ka na. Ganung lalaki talaga yung bagay sa'yo yung nirerespeto ka at kayang mag-wait." saad niya sabay hamapas sa akin. Aray ha! "Same Krista! Gusto ko rin na yung magiging boyfriend mo is yung nirerespeto ka at patient." I said to her, In short huwag si Eros, dahil mukhang playboy yun. "Ha? Gusto ko nga yung binabastos ako e." she laugh hard. "Sis bet ko yung mga wild type. Tapos magaling sa ano..." she said maliciously. "Sa ano?" I ask innocently. " Basta alam mo na yun! " she rolled her eyes on me. Tinutulungan niya na ako ilagay sa closet ng kwarto ko ang mga damit at sapatos na pinamili. " So sino yung boy na kasama mo kanina?" "Ah wala lang yun. Na-meet ko lang sa shop namin tapos may nangyari sa'min kahapon. One night stand." normal niyang wika. "Omaygash! How was it sis? Siya na ba?" excited kong tanong  "Nope, ang boring niya kagabi sis! Hindi rin kalakihan yung ano niya..." "Yung ano?" I ask innocently habang hinahanger yung dress. "Y-yung puso!" at tumawas siya ng malakas. "Basta hindi talaga siya yung hinahanap ko. Si Eros talaga sis! Siya talaga yung para sa'kin, I can feel it." pagiinarte nito. Matapos namin ayusin ang gamit ay nagshower na kami. Nauna ako mag-shower at sumunod si Krista. Magaalasdose na ng gabi nang matapos kaming mag-chikahan. "May big event kami bukas." wika ko at humikab. Narinig kong humikab din si Krista na ngayon ay katabi ko sa kama habang napapalibutan kami ng madaming unan. "Good luck tomorrow sis."  TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD