"Artemis? What are you doing here?" sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran namin. Agad akong napalingon at nagulat. " 'Te lumabas ka na rin, finally!" sigaw nito at lumapit sa akin.
"Uy Krista! Long time no see!" masayang wika ko. Bineso niya ako at naamoy ko na naman ang sobrang tamis niyang pabango. Hindi talaga ako fan ng sobrang girly na perfume, no choice lang talaga dahil best friend ko to.
"Nag-shopping ka ba? Ikaw lang ba mag-isa? Gusto mo sama ka na lang sa amin?" Dire-diretso niyang tanong at agad akong napatingin sa kasama niya na ibang mukha na naman ng lalaki. Napansin kong naka ilang tingin na sa orasan niya yung lalaki.
"Ay oo 'te, bumili lang ng ilang gamit sa N.B. A-actually may kasama ako ngayon." nahihiyang wika ko at tinuro si kuya Caleb sa likuran ko habang hawak ang mga pinamili ko. Kita ko ang pamimilog ng mata ni Krista. Agad niya akong hinila palayo sa dalawang lalaki.
"Omaygwash sis! Sino yun? May 'boyfie ka na tapos hindi mo sinabi sa akin?!" nang-aasar na wika nito sa akin sa bandang sulok.
"Hindi ko pa siya b-boyfriend.." nahihiyang wika ko. " Si kuya Caleb yun, yung bestfriend ni kuya Lyric tapos childhood friend din namin." Nakita ko ang pagbagsak ng bibig ni Krista.
"The Caleb na first crush mo? The Caleb na fiancee mo dapat?!" parang kumikinang ang mata ni Krista dahil sa tsismis.
"Yes sis!" I exclaimed. "Pero 'wag ka maingay kasi baka marinig tayo." bulong ko.
"Kaya pala kapag inaaya kita sa kung saan ay umaayaw ka sa'kin ah. Kasama mo pala yung fafing 'yon!" pigil na tili niya. Napatingin ako kay kuya Caleb at sinenyasan siya ng wait. Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay at nginitian. "Naku ang dami mong ikekwento sa'kin sis! Mag-overnight na lang ako sa condo mo mamaya!" masayang saad niya.
"A-actually hindi ako naka-stay ngayon sa condo ko." alangan na wika ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung about sa disguise shems.
"What?! Don't tell me live-in na kayo ni fafi Caleb?" bulalas in Krista.
"N-no it's not like that." namumula ang mukha ko dahil sa sinasabi niya. " Mahabang kwento sis! Magkita na lang tayo later, saka mukhang naiinip na yung bagong boy mo dun."
"Ay oo nga pala, manonood kami ng sine ngayon. O sige Artemis kita na lang tayo ng mga 3 PM?"
"Okie sure! Enjoy Krista!" I said with malicious look.
"Gaga! Ikaw rin enjoy sa fafi mo!" wika nito habang binebeso ako at saka na sila umalis ng bago niyang boylet. Hindi ko talaga alam kung bakit paiba-iba ng boy si Krista.
"Sorry kuya Caleb pinaghintay kita!" saad ko habang papalapit sa kanya. "Tulungan na kita sa pagbitbit."
"No, Lilian ako na. Baka 'di ka na lumaki kapag magbuhat ka ng mabigat." he chuckled.
"Ang sama mo kuya Caleb! I hate you!"
"Joke lang naman!" tapos binitbit niya ang dalawang plastik sa left na kamay niya at hinawakan niya ang kamay ko sa kanang kamay. Ang init ng palad niya. "Gusto mo ba kumain na or shopping na ulit?"
Tiningnan ko ang oras sa phone ko at 11:45 AM na, may ilang oras pa kami before 3 PM sa oras ng kita namin ni Krista. "Early lunch na lang tayo. Saan mo gusto mag-eat?"
"Ikaw baby, saan mo gusto?
"Okay lang ako kahit saan na gusto mo." I answered. Inabot na kami ng alasdose sa pagde-decide lang kung saan kami kakain, in the end sa Greenwich ang napagdesisyunan namin.
"Akala ko pa naman favorite mo ang Jollibee." pang-aasar na wika nito.
"Favorite ko pa rin si Jollibee, kaya lang yan na yung kinain ko sa condo ni Blake kahapon." wika ko habang busy na nakatingin sa menu ng Greenwhich. Nakaupo na kami ngayon sa two seater table. Naramdaman kong marahang hinawakan ni kuya Caleb ang kamay ko.
"Nasa condo ka ni Blake kahapon?" marahang tanong niya. Agad akong napatingin sa harap ko. Malungkot ang maamo at blue niyang mata, napansin ko ito kahit sa kapal ng salamin na suot niya. Marahan niya ring hinihimas ang kamay ko gamit ang thumb niya.
"Yes kuya, nagpatulong kasi siya magtahi ng penguin stuffed toys na ireregalo niya sa kapatid niya. " bumalik uit ang tingin ko sa menu na nakapatong sa table.
"Kwentuhan mo pa ko baby, a-about dun sa penguin na stuffed toy." ani niya at malungkot na ngumiti.
"So ayun, may instruction naman kung paano gawin yung stuffed toy, kaya lang hindi marunong magtahi si Caleb." I chuckled habang naalala yung mukha niya na sobrang focus sa pagpasok ng sinulid sa karayom. Naramdaman kong marahang hinihilot ni kuya Caleb yung kaliwang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay habang nakapatong sa table ang kamay namin. " Nasugat pa siya nung nagtatahi kami tapos ayaw niya pang gamutin. Buti na lang nandun ako 'kundi na infect na talaga yung sugat niya." I said proudly. "Si mama pati ikaw nagturo sa'kin na dapat gamuitin agad kapag nasugat diba!" ngiti ko.
"Yes baby..." kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "You're so kind." ani nito. Bakit malungkot si kuya Caleb? Gutom na ba siya?
"Kuya ito yung order ko." sabay turo ko sa kanya ng nasa menu.
"Okie, ako na yung pupunta sa counter. Wait mo na lang ako dito hmmm?" ang gentle dog naman nito! Tinanguan ko siya.
"Ay kuya!" muntik ko nang makalimutan, " ito pala yung wallet ko. Bawas mo na lang dyan yung cost ng food natin." sabay abot ko sa kanya ng dark blue kong wallet.
"No need na baby." nahihiyang saad nito. Agad akong sumimamgot at sinamaan siya nang tingin kaya agad niya itong kinuha. Tahimik lang kami nung kumain, siguro dahil gutom kami parehas. After namin kumain ay nagtingin -tingin kami sa mga window display ng store.
"Kuya Caleb bakit ka tahimik? Are you tired?" ani ko sabay tingin sa bitbit niyang pinamili ko.
"I'm fine baby. Thank you for worrying." at mabilis niyang hinalikan ang ulo ko. Agad bumilis ang t***k ng puso ko at uminit ang mukha ko.
"H-hey maraming tao d-dito."
"So kapag tayong dalawa lang, pwede?" marahang bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko ang pagtayo ng lahat ng buhok ko sa katawan.
"Kuya Caleb!" bulalas ko at marahan siyang siniko.
"Ouch!" over acting niyang saad. "Okie sorry na po baby." Napatingin ako sa isang window display ng isang branded store. Grabe ang ganda ng dress. Never pa ako nakapag-suot ng ganyang dress sa tanang buhay ko after mawala ni mama. Sa sobrang matipid ko ay sa Divisoria lang ako bumibili ng mga pants and t-shirt ko. Nagulat ako nang bigla akong hilain papasok sa loob ng branded store ni kuya Caleb.
"Kuya Caleb, let's go out. Mahal dito." bulong ko sa tenga niya habang nakatingkayad para lang maabot siya dahil hanggang dibdib niya lang ako sa tangkad niya.
"It's fine Lilian, I want the best for you." at binigyan niya ako ng malaanghel na ngiti.
"Good afternoon ma'am and sir! May napili na po ba kayo?" lapit sa amin ng isang sales lady.
"Ay no po ma'am!" agad kong wika at hila sa kanya palabas, pero hindi ko siya mahila kahit buong lakas ko.
"Ahm may mga damit kayo na kasya sa kanya?" sabi ni kuya Caleb.
"Yes po sir! Sa tingin ko po ay kasya ang size small kay ma'am." Ngiting ani ng sales lady. Grabe din ito makatitig kay kuya Caleb. Kahit talaga nakasalamin hindi pa rin matago yung kagwapuhan niya.
"Kukunin naman yung dress na nasa window display."
"Sir pati rin po ba yung, mga accessories na bag and belt?" sobrang lapad na ngiti ni ateng sales lady.
"Yes po." sagot ni kuya Caleb. Iniwan kami ng sales lady para kuhanin ang dress. Agad kong nilapitan si kuya Caleb after kong makita na Five thousand pesos ang preyso ng isang dress. Parang pumunta lahat ng dugo ko sa ulo after makita ang presyo.
"Kuya Caleb dali labas na tayo! Ang mamahal ng gamit dito!" pagpanic kong bulong sa kanya. Hindi ko afford yung ganito." Nahihiya kong tugon.
"Don't worry baby. I'm buying it for you." matamis na ngiti niya sa akin.
"I-I will pay y-you." nguso ko, habang seryosong nakatingin sa kanya.
"No need baby. This is my gift for you." at marahan niyang tinap ang ulo ko.
"P-pero masyadong mahal yung mga gamit dito."
"Lilian mahal kita, I don't care kahit gaano pa kamahal yan basta para sa'yo." wika niya habang taimtim na nakatingin sa mata ko. I don't know what to say. Hindi na maproseso ng utak ko ang nangyayari. "You don't need to rush yourself to answer me. I'm willing to wait baby." at matamis niya akong hinalikan sa noo.
"Sir and ma'am! Ito na po yung mga product na nasa window display namin. Baka gusto niyo rin po i-try itong nasa new collection namin." sabay turo niya sa magagandang dress at sapatos na naka-display sa gilid namin.
"Okay, we will buy it all." masayang wika ni kuya Caleb na sadyang ikinabagsak ng bibig ko. After kong sukatin isa-isa ng mga dress at sapatos ay dumiretso na kami sa cashier. Lagpas sampung dress at limang sapatos na galing sa new collection ng kilalang brand ang sinukat ko.
"One Hundred One Thousand, Five Hundred Sixty Eight pesos po sir." nakangiting tugon ng kahera. Parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan after kong marinig ang presyo. Jusko dai! Halos mag O-one hundred two thousand na yung bill! Halos three months na upa ko na 'yun sa condo ko! May inabot na black na card si kuya Caleb at ini-swipe ito ng kahera. "Thank you for your purchase. Come again ma'am and sir!" bati sa amin ng mga sales lady sa loob ng store.
"Hala ang swerte ni ate girl!" rinig kong puna ng mga tao sa loob. Dala-dala niya lahat ng pinamili sa dalawang kamay niya. "Kuya tulungan na kita."
"No baby I'm fine."
"Okay..." malungkot na wika ko.
"Lilian what's wrong? Hindi mo ba nagustuhan yung pinamili natin?" malambing na wika nito.
"I-I like it...ayoko lang isipin mo tinuturing k-kitang s-sugar d-daddy." nahihiyang wika ko. Narinig ko ang malakas niyang halakhak.
"Ayun ba yung pinoproblema mo?" he chuckled. " I'm just twenty five years old baby, but if you want to call me your daddy, you can." sabay kindat nito sa akin.
"N-no kuya Caleb naman e! Parang biro na lang lahat." I pouted.
"Sorry baby! You're so cute. Kung wala lang akong hawak pinisil ko na yung pisngi mo." Napatingin ako sa orasan ko sa phone at 2 PM na. Shems ang bilis ng oras.
"Kuya Caleb, magm-meet pala kami ni Krista ng 3 PM. Let's go buy your things." aya ko. Nasa loob na kami ng branded store for formal wear.
"Good day ma'am and sir. Ano pong hanap nila?" bati ng sales man.
"Tie po." I answered. Ginuide kami ni kuya kung saan makakapili ng ibat-ibang design ng tie. "Kuya Caleb ano ba bang design ng suit na babagayan ng tie?"
"All black siya, parang ganun." sabay turo niya sa naka-display na tuxedo. Agaw pansin sa'kin yung color grey at at light blue na tie. Parehas silang bagay sa black na tuxedo. "Ang hirap mamili" I mumbled. "Bet mo ba yung itsura nito?" habang hawak ko ang dalawang tie.
"Basta pinili mo, okay sa'kin. We can also buy it all." he said. Inirapan ko lang siya. Itong rich kid na 'to!
"Baby upo ka muna doon habang namimili ako. Ang dami mo rin bitbit e, baka mapagod ka." I said, dahil gusto kong ako ang magbayad nito.
"Nope. I'm still fine." he smiled. Napatingin ako sa mga naka-display na branded handkerchief. Ang gaganda, alam kong bagay 'to kay kuya Caleb dahil mahilig sa panyo yun. Tiningnan ko ang presyo at One Thousand Five Hundred, isang peraso. Jusko dai! 'Bat ang mamahal! Kumuha ako ng pitong handkerchief na magkakaiba ang kulay. Agad akong pumunta sa cashier at nilapag ang dalawang tie at handkerchief.
"Ate pabilis po." pabulong na tugon ko, habang nakatingin sa mga damit si kuya Caleb.
"Okay po ma'am." pabulong din na wika ni ateng cashier. "Thirteen Thousand Five Hundred po ma'am." saad nito. Kinuha ko ang wallet ko at nagaulat ako dahil hindi nabawasan yung pera ko kanina. Kuya Caleb I told you na ako magbabayad ng food natin e! Inabot ko na ang pera kay ate. "Thank you po ma'am Come again po." wika niya sabay abot ng paper bag.
"Kuya Caleb let's go" bati ko sa kanya.
"Let's go the cashier?" he asked pero pinkita ko na sa kanya yung paper bag.
"I already paid." nginitian ko siya at hinila na palabas ng store. Dumiretso na kami sa parking lot at wala masyadong tao.
"Baby let me pay you." nagsusumamo ang wika nito.
"Sige, bayaran mo ako, pero babayaran ko din yung binili mo sa'kin." seryosong wika ko.
"Okay baby, I lost. Thank you very much sa gift." saad niya pagkapasok namin sa loob ng sasakyan. Magkasalubong ang kilay ko at masamang ko siyang tiningnan. "Why?" inosenteng tanong niya.
"You did something wrong." magkasalubong pa rin ang kilay ko. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"What is it baby?" malungkot ang mata niya.
"I told you I will be the one to pay our lunch!" nagtatampong wika ko. Narinig ko siyang humalakhak ngunit pinigilan niya agad ito nang makitang nanliliit ang mata ko.
"I'm sorry baby. I will not do it again." saad niya at nilagay niya ang kanang kamay ko sa pisngi niya. Grabe ang kinis ng mukha. Kalma Artemis, nagkukunwari kang galit. Tinanggal na namin ang mga salamin na pang disguise.
"Lumapit ka sa'kin." seryosong wika ko sa kanya.Tinanggal niya yung seat belt niya at mas lumapit sa upuan ko. Marahan kong kinagat ang tenga niya at hinalikan ito. Nakita ko ang pamulula ng tenga at ng mukha niya. Bumaba ako at marahan siyang hinalikan sa leeg.
"B-baby, Lilian." maamong boses nito ngunit hindi ko siya pinansin. Ang bango niya grabe. Tinigil ko ang ginagawa ko sa leeg niya tiningnan ang blue niyang mga mata, sabay baba ng tingin sa mamula-mula niyang labi. Pansin ko ang sobrang pamumula ng mukha niya. Nilapit ko ang mukha ko at marahan siyang hinalikan. Sumasabay lang siya sa tyempo ko pero nung napansin kong lumalalim at bumibilis na ang halik niya ay lumayo ako sa kanya.
"B-baby why did you stop?" He asked in frustration. Natatawa na ako sa loob-loob ko dahil ang cute ng itsura niya na mukhang nabitin. Pero I mantain a straight face. Muli akong lumapit sa kanya habang nakapatong ang maliliit kong kamay sa malapad niyang balikat. Ramdam ko ang matitigas niyang muscle at marahan siyang hinalikan sa pisngi. Naramdaman ko ang mainit niyang hawak sa aking beywang. Agad namula ang aking mukha at sinabayan pa nang mabilis na t***k ng aking puso. Agad akong lumayo sa kanya dahil sa gulat. Napansin kong sobrang pula ng kanyang mukha at mapungay ang mga mata nito. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko na ngayon ay sobrang init at marahan akong hinalikan sa ulo. "Are you okay baby?" wika niyang habang kaunti lang ang distansya ng mukha namin.
Mabilis kong hinalikan ang malamot niyang labi at tinigil ito. "T-that's your punishment for today." saad ko sa kanya. Napansin kong tumaas ang gilid ng kanyang labi at marahan niyang kinagat ang tenga ko.
"Please punish me more baby." nagsusumamo ang tinig niya na bulong sa tenga ko. Parang lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan nang marinig ko ang manly niyang boses. Nang bigla kaming may marinig na kumatok sa pintuan.
"Hey Artemis! Anong ginagawa niyo dyan!"
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.