Suot ko ang wig na gawa ni kuya Dustin at nakasuot ng bilog at makapal na frame ng salamin. Pinindot ni kuya Caleb ang basement at sumara na ang pinto ng elevator.
“Here, ayusin ko yung pagkalagay ng wig mo.” sabi niya at iinayos ang pagkalagay ko ng wig.
“Thank you kuya.” saad ko. Sanay na siguro siya sa mga ganito dahil 8 years na siya sa industry. Marahan lang ang kamay niya, at naamaoy ko ang pamilyar niyang pabango.
“Tumawag pala yung manager ko kagabi, sabi niya mamayang hapon daw yung dating niya dito sa Manila, so makakapasok na ko sa unit ko.” wika niya habang naglalakad kami sa basement papunta sa sasakyan niya. “Thank you for letting me stay, Lilian.” At tinap niya ang ulo ko.
“Sure, nakakahiya naman kapag hindi kita pina-stay, e dati lagi kaming nakiki-sleep over sa bahay niyo.” I chuckled. Pinindot niya yung key ng kotse niya at tumunog ang isang black Tesla na sasakyan. Wala akong alam sa mga unit ng car pero halatang hindi ito pipitsugin.
“Bakit parang first time ko lang makakita ng Tesla na sasakyan sa Philippines?” I asked out of curiosity.
“Pina-import ko ‘to from U.S last two months ago pa, para kapag bibisitahin kita dito.” He smiled at me. May pinindot ulit siya sa key at awtomatikong bumakas ang pinto pataas.
“Hala ang galing! First time ko makakita ng ganyan dito sa Philippines.” I exclaimed. Or sadyang ‘di lang talaga ako palalabas kaya first time ko makakita ng ganyan. Nakasakay na kami sa sasakyan at sobrang kumportable sa loob, kumpara sa mga taxi na sinasakyan ko kapag nag-grocey ako nung nasa sariling condo pa ako. Nang palabas na ang sasakyan sa building ay tinakpan ko ang mukha ko ng aking kamay.
“Don’t worry Lilian, tinted ‘tong sasakyan.” He chuckled.
“Ay ganun ba! Sorry naman.” nahihiyang wika ko.
“Ang daming fans at media na nakatambay sa labas. Ganito ba lagi dito?” tanong nito habang nagda-drive.
“Madami, pero parang mas dumami talaga kagabi at ngayon.” Siguro dahil sa event bukas kaya ganito. Ayoko muna kausapin si kuya Caleb dahil nagd-drive siya kaya naman kinalikot ko muna ang phone ko. Sabog pa rin ang notification ng i********: app ko dahil hindi ko pa rin na l-log out yung account ni kuya Lyric. Napatingin ako sa message ko at may Nakita akong unknown number na nag-text. Binuksan ko ito at nag-send ito ng picture ng stuffed toy na baby penguin at ang daming text nito nang i-scroll up ko.
-----
Unknown Number :
Who’s that man? Be careful slavey. ( 11: 00 PM)
Tulog ka na Slavey? ( 11: 30 PM )
Good night Slavey, thanks for helping me today :> (12:02 AM)
Good morning, tapos ko na yung stuffed toy. (7:55 AM)
---
Nagulat ako ng mabasa ko ang mga text sa akin ni Blake. Hindi ko napansin ‘to kagabi dahil naka-silent ang phone ko. Hindi ko pa pala na s-save ang number niya, agad kong niregister ang number niya as ‘Blake – sama’. Dinaiall ko na ang number niya. Baka ibunyag niya yung sikreto ko kapag magalit sa’kin yun. After the 5th ring ay sinagot niya na ang telepono.
“H-hello Blake?” alanganing wika ko. Hindi ko alam kung ‘pano ko siya kakausapin.
“Hello?” husky na sagot nito. Mukhang nasa higaan pa to ha. “Slavey is that you?” he asked.
“Oo, sorry hindi ako nakapag-reply kagabi naiwan ko kasing naka-silent yung phone ko.” Mahinang wika ko dahil baka maka-distract ako kay kuya Caleb sa pag d-drive.
“Ah ganun ba, kala ko naman kung ano na ang nangyari,” I heard the relief in his voice. “ yung lalaki kagabi, ginulo ka ba niya or may masama ba siyang ginawa sa’yo?” seryosong wika nito.
“Ah..” Anong sasabihin ko sa kanya? Alangan namang sabihin ko na nag-kiss kami? Namumula na yung mukha ko, kahit na isipin ko lang yung nangyari kagabi. Pasulyap akong tumingin kay kuya Caleb na ngayon ay nagd-drive at napansin kong mamula-mula ang labi niya. I can't believe that I kissed that lips! “W-wala naman. Hindi naming ganung tao si kuya Caleb.” Mahinang tugon ko lalo na sa part na pangalan ni kuya Caleb. Baka kasi sabihin niya tsini-tsismis ko siya sa iba.
“Okay, umuwi naman siya kaagad pagkatid niya sa’yo sa pinto, right?” he ask in his bedroom voice.
“N-no, natulog siya sa condo.” I answered. Ang tagal niyang hindi sumagot sa kabilang linya. “Hello Blake? You’re still there?” inosenteng tanong ko pero wala pa ring sumasagot.
“Lilian saan mo gustong kumain ng lunch mamaya?” nagulat ako sa biglang tanong ni kuya Caleb.
“Ikaw nang bahala kuya, basta sa masarap.” nahihiyang wika ko.
“Sure, baby.” sabay ngiti nito. Agad ko namang nilapit ang tenga ko sa telepono dahil baka nagsalita na si Blake.
“Hello Blake? Mahina ba signal mo dyan?”
“Yes, goodbye Artemis. See you tomorrow.” Malamig na tono ng boses nito.
“Sige bye Bla-“ hindi pa ako tapos magsalita ay binabaan niya na ako ng telepono. Ang panget talaga ng ugali ng lalaking yun kahit kailan. Akala ko pa naman mabait na siya dahil sa pakikitungo niya kahapon. Kalma Artemis, kailangan mo siya pakisamahan para hindi mabunyag ang secret niyo. Pagpapayo at pagpapakalma ko sa sarili ko. Nakapasok na kami sa loob ng mall after i-park ni kuya ang sasakyan. "Ano pala yung balak mo bilhin kuya Caleb?"
"Hmm" pag-iisip nito. " May aatendan kasi akong formal event kaya need ko bumili ng tie."
"Pero may designer na in charge sa suot mo diba tuwing may show ka?" I asked.
"Yes, pero mas gusto ko suotin yung pipiliin mo." then he smiled to me. Shocks! Maraming designer ang nag-aagawan para lang i-design yung suot ni kuya Caleb tapos ipagkakatiwala niya sa'kin 'to.
"Don't worry kuya Caleb, I will do my best!" purisgidong wika ko. Napansin kong dumadami ang napaptingin sa amin habang naglalakad kami sa mall. Nagsisimula na akong pagpawisan ng kamay. Napansin ko rin pinagbubulungan kami sa kaliwat-kanan.
"Hala sis! Look ang pogi nung guy na black hair, tapos naka salamin!"
"Hala sis oo nga! Pang model yung height at face!"
"Ang ganda din dun nung kasama niyang girl na nakasalamin! Shems visual couple!" wika ng mga babae.
"Bro tingnan mo, may chicks dun oh." ani ng lalake.
"Saan? Ay oo nga. Type ko talaga yung petite body tapos mala nerdy look." halakhak ng lalaki.
Nakatingin na lang ako sa aking paanan habang naglalakad. Hindi ko marinig ang pinagsasabi nila dahil sa sobrang kaba ko. For sure pinagtatawanan na nila ako dahil sa itsura ko. Tumabi ba naman ako as sobrang gwapo na si kuya Caleb. Naramdaman ko ang pag-akbay sa'kin ni kuya.
"Are you okay Lilian?" malambing na wika nito. Napatigil siya nang mapansin niya ang maluha-luha kong mata. "Hey what's the problem?" nagsusumamong tanong nito.
"Pinagtitinginan tayo ng tao kasi I'm so U-ugly" mahinang tugon ko. Nakita ko ang gulat na mukha ni kuya Caleb.
"Who told you that you are ugly?" seryosong wika nito. I didnt answer him. "Lilian kung panget ang tawag nila sa'yo edi dapat panget din tawag nila sa'kin." pagbiro nito. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Baby you're the most beautiful girl in my eyes."
I don't know kung binobola niya lang ba ako or what pero hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya sa'kin. "Thank you kuya Caleb." I sincerely said while looking into his eyes. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napansin ang mga matang mapanghusga na nakatingin sa amin. "Hala National Bookstore! Daan muna tayo sa loob please!" saad ko na parang bata.
"Okay, okay." nakangiting wika niya habang hinayaan niyang hilahin ko siya papunta sa loob. Kuha ako ng kuha ng mga gamit na hindi ko naman magagamit. Mahilig ako sa mga cute notebooks at mga art materials, kahit na marami pa akong stock sa condo ko. Mahilig din ako bumili ng mga manga at novel, lalo na kapag naka-sale! "Hey Lilian, look!" masayang wika niya habang tinuturo ang bookshelf na may malaking sign na "BEST SELLLING NOVELS OF QUEEN OF WRITING" Dinudumog ng tao ang book shelf kung nasaan ang mga libro ko. I can't help but smile. Hinila niya ang kamay ko papalit sa book shelf.
"It's your first book baby." proud na wika ni kuya Caleb.
"Shh baka may makarinig sa'yo" at agad kong tinakpan ang bibig niya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang palad kong nakatakip sa bibig niya. "Uy nasa labas pa tayo." namumula ang mukha kong wika sa kanya.
"So pagnasa loob tayo pwede?" pagbibiro nito.
"Beshy kinikilig talaga ako dito sa Secret Academy (Breaking of Hearts) Volume 1 ni Queen of Writing!" tili ng teenager na babae sa kausap niya.
"Hala same besh! Ship ko talaga si Justin at Alice!"
"Huh? Andrei x Alice kami besh!" sagot naman ng pangatlong babae.
"Huwag na kayo magaway dyan mga sis, feeling ko walang makakatuluyan si Alice dahil mukhang mamatay siya sa dulo." malungkot na wika ng unang babae. Napansin namin ang gulat na wika ng nakarinig nun.
"Girl paladesisyon ka, Jusko huwag naman sana. Please po Queen of Writing kahit kanino na lang sa dalawang male lead basta huwag lang mamatay si Alice!" pagmamakaawa ng isa.
"Oo nga, hindi pa natin alam mangyayari kasi updating pa rin ang Secret Academy (Breaking of Hearts) Volume 2, beshyy!"
Hindi ko mapigilang mapangiti sa usapan nila. I'm happy dahil nadadama nila yung story na ginawa ko. "Bakit hawak mo pa rin yang mga books ko?" tanong ko kay kuya Caleb
"I will buy these again. Nasa U.S kasi yung last na binili kong book mo e." pabulong na wika niya habang tumitingin sa paligid.
"Hala huwag na! Bibigyan na lang kita, marami akong copy sa condo ko." namumula ang mukha ko sa hiya sa kanya. Why are you like this kuya Caleb?
"No, I want to support you in any ways that I can baby." wika nito. Ang dami kong binili na bagay na hindi ko naman magagamit. Wala lang, parang sumasaya lang ako kapaga nag-sh-shopping sa National Book Store.
"Ma'am Four Thousand Five Hundred po." saad ni ate na nasa cashier. Binuksan ko ang wallet ko at nagbibilang ng pera.
"Ako na dito Lilian." bulong sa'kin ni kuya Caleb at nagabot ng limang malulutong na isang libo sa kahera. "Please include these books po." magalang na wika niya.
"Recieved Five thousand po." sagot nung kahera.
"Hala kuya! I will pay you." nahihiyang wika ko sa kanya.
"No need baby." at kinindatan ako nito.
"Ayoko kuya Caleb. I will p-" iaabot ko na sana sa kanya ang pera na tig bebente at isang daan nang bigla siyang magsalita.
"Okay, libre mo na lang ako ng ice cream mamaya." saad niya at binitbit ang mdalawang plastic na pinagbibili ko.
"Okie, ako magbabayad sa lunch and dessert." I said happily. Nang nakalabas na kami ng National Book Store ay may pamilyar na boses ang tumawag sa'kin.
"Artemis? What are you doing here?"
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.