“Why are you crying?!” wika ng ‘di ko kilalang lalaki. Nagangat ako ng tingin sa kanya ngunit nahaharangan ng mga luha ko ang paningin ko.
“W-who are you?” paghikbi ko at pinunasan ko ang mata ko para makita siya ng mabuti. Meron siyang pulang buhok at color blue na mata. He look’s familiar to me.
“Why are you crying Artemis? Sino ang nagpaiyak sa’yo?” tanong niya habang nakasalubong ang dalawang kilay.
“I-I don’t talk to strangers!” wika ko at agad sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko, para hindi ko siya makita. Naramdaman ko ang paglapit ng yapak niya.
“I’m Caleb Del Rio. Kanina ka pa hinahanap ni tita Rea,” malumanay na wika niya. Agad akong napatingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ni Mama. Wait parehas sila ni tita Clarize ng surname.
“Anak ka ni tita Clarize?” nahihiyang tugon ko.
“Yes,” at nilahad niya ang kamay niya sa akin. Dahan-dahan kong inabot yung kamay niya at inalalayan niya akong tumayo. Ang tangkad niya dahil hanggang dibdib niya lang ako. Naramdaman ko yung hapdi ng sugat ko pagkatayo ko. "O-ouch."
“What happened? Sinong gumawa niyan sa’yo?” seryoso na wika niya.
“N-no kuya, nadapa lang a-ako mag-isa kanina,” I lied. I don’t want to burden him. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
“Sumakay ka na sa likod ko para mabuhat na kita,” saad niya.
“N-no I can walk!” I said then tried to walk, pero sobrang hapdi talaga ng sugat. Agad siyang tumayo sa pagkakaluhod at bigla akong binuhat na pang bridal style. Parang yung napapanood ko sa mga Disney princess. “Put me down!” I struggled on his hands.
“Huwag kang malikot Artemis, para magamot na agad natin yung sugat mo,” seryosong wika niya. He’s still a child pero parang ang mature niya. Nakatingin ako sa mata niyang blue na ngayon ay kumikinang dahil sa reflection ng araw.
“Ang ganda ng eyes mo,” inosente kong wika. Napansin kong nagiba ang ekspresyon niya at namula ang tenga niya. “Kuya mabigat ba ‘ko? Bakit namumula yung tenga mo?” I ask then touch his burning ear.
“H-hindi ka mabigat. D-don’t touch my ear,” at iniwasan ako ng tingin nito.
“Artemis! Artemis my baby!” rinig ko ang pamilyar na boses ni Mama na papalapit. “Oh no what happened to you? Are you okay?” sunod-sunod na tanong nito at agad akong niyakap. Agad naginit ang mata ko at nagsimulang pumatak ang mga luha ko nang maramdaman ko ang mainit na yakap ni Mama. You're my biggest comfort, please stay with me forever.
Tumatak sa akin yung masasamang sinabi ng mga bata kanina at, mukhang never ko iyong makakalimutan kahit na lumaki pa ako.
“Thank you Caleb for bringing my daughter back!” wika ni mama.
“Mama have you seen Artemi-“ pagsigaw ni kuya Lyric na ngayon ay may hawak na chocolate ice cream. Agad niyang nabitawan ito nang makita niya ang kalagayan ko. “What happened Artemis? Are you okay? Who did this to you!” agad na wika ni kuya pagkalapit niya sa’akin. “I’m sorry, hindi dapat kita iniwan mag-isa doon,” at naramdaman ko ang yakap ni kuya Lyric. Napansin ko ang luha sa mata ni kuya Lyric kaya agad ko itong pinunasan.
“No Kuya, don’t cry. It’s not your fault.”
“ Artemis I’m sorry, Ma, I’m sorry din, hindi ko naprotektahan si Artemis,” ani ni kuya Lyric habang nakatingin sa lapag. Tinap ni mama ang ulo ni kuya Lyric.
“No Lyric it’s not your fault. Basta next time, make sure to protect your sister for me ha?” mahinahaong wika ni mama at nginitian kaming dalawa.
----
Nakaramdam ako nang may umaalog sa akin. "Hey Lilian, are you okay?" wika ng isang pamilyar na boses. May mainit at malaking kamay na nakahaw sa kamay ko. "Lilian.." maamong saad nito. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang nagaalalang mukha ni kuya Caleb. He is still the same, kahit nung bata kami. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama.
"Hmm I'm okay Kuya, what are you doing here?" saad ko habang kinukusot ang mata at napansing basa ito ng luha.
"I came to wake you up for breakfast nang makita ko na umiiyak ka. Did you have a bad dream?" malambing na wika nito. I just nodded dahil fresh pa sa alaala ko yung nangyari dati. It’s where my trauma of people started but at the same time a heartwarming memory because mother is still alive back then. Inayos ni kuya Caleb ang buhok na nakaharang sa mukha ko at nilagay iyon sa likuran ng tenga ko.
"Don't worry, kasama mo na ko ngayon. It’s just a dream." at hinalikan niya yung kamay ko habang nakaupo siya sa gilid ng kama.
"Napanaginipan ko si mama," mahinang tugon ko. "I miss her so much..." nagsisimula nang manginig ang boses ko at bumuhos na nga ang luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit habang marahan na tinatap ang likuran ko.
"I also miss tita Rea," malungkot na wika nito. Hinayaan niya akong umiyak hanggang sa magsawa na ako.
"I'm sorry, nabasa ko yung damit mo," sabay tingin ko sa basang bahagi sa balikat niya.
"Don't mind. Let us first eat breakfast then go the mall," ngiting aya niya sa'kin. He's always cheering me up. "Please baby, I'm going to buy clothes and other things." sabay pout nito. Who can resist that face?
"Pero baka pagkaguluhan ka sa labas kuya Caleb, nakalimutan mo bang you're known as the prodigy composer and director in the U.S?" tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin sa blue niyang mata.
"Binobola mo naman ako e!" sabay marahang pisil niya sa pisngi ko.
"Pa-humble naman, Kaya siguro dumoble yung mga fans sa labas kagabi tapos may pa-media pa kasi may nakaalam na bigla kang dumiretso dito from U.S," wika ko habang hinahawakan ang malamot at pula niyang buhok.
"Feeling ko din Lilian, ang mapaparaan talaga ng mga fans. Pwede na silang mag-apply as FBI." he chuckled. "Let's eat?"
"Sige kuya una ka na sa dining table, parang nangangalay pa kasi yung kaliwang paa k-" hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niya akong binuhat ng pa-bridal style. Wait parang nangyari na 'to? "H-hey I can walk!" I shouted pero marahan lang siyang naglakad palabas ng kwarto ko. I can feel his heart beating. Ang bango din niya. Teka baka amoy laway pa ko! "Kuya Caleb mabigat ako.." nahihiyang tugon ko.
"Sobrang gaan mo Lilian, kaya kailangan mong kumain ng marami. Nilutuan kita ng favorite mong adobo," ani niya sa akin at kinindatan ako. Hindi ko mapigilang kiligin dahil sa ginawa niya. Hey kuya Caleb you should not do that in the morning, I might have an heart attack because of you! Pagwawala ko sa utak ko.
Agad ko siyang hinalikan sa pisngi. "Thank you," mabilis kong sabi at umupo na sa sa dining table. Napansin kong namumula ang mukha niya habang nilalagyan niya ako ng malamig na tsokolate sa baso. "Hala ang sarap!" wika ko nang matikman ang adobo nito.
"Hilig mo talaga mambola e!" ngiti nito sa akin habang kumakain.
"Hindi ako nambobola no! Baka ikaw?" tinaasan ko siya ng kilay.
"We? Sa daming taong napakilig at napaiyak mo dahil lang sa sulat mong kwento, maniniwala pa ba 'kong hindi ka magaling mambola?" pinanliitan ako ng mata nito.
"Iba naman yun Kuya! I-iba ka naman e!" bulyaw ko sa kanya. Matapos namin kumain ay agad na akong naligo dahil tapos na mag-ayos si kuya Caleb. Pagkalabas ko sa C.R ay nakita kong umiilaw ang phone ko. Hala naiwan ko pa lang naka-silent yung phone!
"Hello po Ms. Nami!" masigla kong bati sa telepono.
"Hello Ms. Parker. Kamusta ka dyan? Hindi kita ma-contact kagabi," halata ang pag-aalala sa boses nito.
"Ay sorry po! Naiwan ko po kasing naka-silent yung phone ko. Bakit po pala kayo napatawag?" ni-loud speaker ko ang phone at nagbihis na ako ng black longsleeve at black fitted pants na may kaunting gupit ang tuhod na part. Nakita ko ang note ni ate Mika na nakadikit sa closet. 'Wear these when you’re going to mall. Lowkey but still fashionable :>' Hindi ko mapigilang mapangiti.
"I just want to inform you na bukas na yung 22nd Year Anniversary event ng Star World Company. Yung prinactice niyong song na Fly Me To The Moon, doon niyo siya ip-perform."
"Hala bukas na po pala yun! Muntik ko nang makalimutan!" ani ko. Iniisip ko pa lang na maraming tao ang titingin sa akin ay namamasa na naman ang kamay ko.
"It's okay Ms. Parker, it's my job to remind you of those things. Mas maraming media ang pupunta sa event bukas dahil lahat ng sikat na artista under Star World Company ay invited. Mapa T.V reporters, Soap opera artist, radio artist at kayong music artists. Lahat nang mamemeet mo bukas ay mga bigating tao," paliwang niya.
"Hala," kabadong wika ko.
"Don't worry dadating sila Dustin, Faye at Mika dyan sa condo bukas. Para gawin kang carbon copy ni Lyric." saad nito.
"Thank you po Ms. Nami!" parang naiiyak na wika ko. Narinig ko na tinatawag si Ms. Nami sa kabilang linya, mukhang nasa kalagitnaan siya ng trabaho ngayon. "Sige po Ms. Nami mukhang busy po kayo ngayon. Bye po and see you tomorrow!"
"Okay, See you Ms. Parker," at naputol na ang tawag.
Narinig kong may kumatok sa pinto ng tatlong beses. "Yes, you can come," saad ko. Nilabas ng pinto si kuya Caleb na ngayon ay nakasuot ng black na wig habang naka-cap, at makapal na salamin kaya hindi na masyadong halata ang blue niyang mata.
"How do I look?" tanong niya habang inaayos ang wig. "Super handsome? or a perfection?" Hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi niya.
"Ang hangin sobra! Pakihinaan nga ng aircon! Super lakas promise!" wika ko habang humahalakhak. Nakita ko naman nag-pout siya dahil sa sinabi ko kaya naman agad ko siyang nilapitan at mahinang binulungan sa right ear niya. " You look hot baby." Nakita ko ang mabilis na pamumula ng kanyang mukha.
"Let's go to the mall Lilian, bago ko pa gustuhing magkulong na lang tayo sa kwarto," saad niya habang hawak ang kamay ko papalabas ng condo.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.