Chapter 14 - 8 Year's Old

1923 Words
Flashback “Mama I don’t want to go,” wika ko sabay takip ng malambot na kulay sky blue kong kumot.   “Summer vacation niyo na pero hindi ka man lang lumalabas. Two years ka nang huminhindi sa pagbisita sa bahay ni ninang Clarize mo.”   “Please mama, ayoko mapalibutan ng ibang tao na ‘di ko kilala.” pagmamakaawa ko at nagubo-ubuhan.   “Kailangan mo matuto makisama sa ibang tao Artemis, paano ang gagawin mo ‘pag wala na ako,” malumanay at may halong lungkot na saad ni Mama.   ‘’No! We will live together forever mama!” sigaw ko habang nasa ilalim ng kumot. I heard her laugh. Sinilip ko si Mama habang nakatalukbong at napansin kong nilagay niya ang cellphone niya sa tenga.   “Hello Clarize! Ito nga paalis na kami, si Artemis na lang hinihintay,” wika ni mama sa cellphone. Parang nagtama ang paningin ni mama. Baka imagination ko lang yun, dahil imposibleng makita ako ni mama habang nakatalukbong ako ng kumot.   “Talaga? Wow meron pala kayong bagong gawa na library!” pasigaw na ani ni mama. Bakit kaya siya sumisigaw? “ Maraming bagong novel?!” excited na saad nito.   “L-library,” mahinang tugon ko. “at n-novel.” Agad akong umupo sa higaan ko at tinaggal ang kumot na nakatalukbong sa akin.   “Aw sayang naman hindi sasama si Artemis, hindi niya makikita yung library niyo. “ mahina ba pandinig ni tita Clarize? Bakit sumisigaw si mama? “ Sige, papunta na kami dyan ni Lyric. Bye.” Sinesenyasan ko si Mama habang kausap si tita Clarize pero parang di niya ako pinapansin.   “M-mama,” wika ko habang nakahawak sa door knob si mama bago lumabas.   “Yes Artemis?” matamis na wika nito habang nakangiti.   “I will go,” saad ko.   I am already 8 years old kaya marunong na ako maligo mag-isa. After ko maligo ay nakahanda na ang damit ko na pinili ni mama. Isa itong baby blue dress na hanggang ilalim ng tuhod ko.   “Ang cute talaga ng baby ko,” gigil na tugon ni mama habang pinipisil ang cheeks ko.   “Mama uwi din tayo agad after ko makita yung library ha?” saad ko maliit na boses Nakita ko ang repleksyon ni mama sa salamin at nginitian lang ako.   “Artemis bagay talaga sa’yo ang pigtails na tali,” wika ni Mama habang nakaluhod sa harap ko at hinalikan ako sa pisngi. Lalo kong natitigan mabuti ang mukha ni mama. Meron siyang brown na wavy at mahabang buhok. Mapungay naman ang kanyang green na mata habang nakatitig sa akin.   “Mama bakit brown yung color ng mata namin ni kuya Lyric tapos sa’yo green?” curious na tanong ko. Napansin kong parang lumungkot ang ekspresyon ni mama. Hinawakan ko ang brown na mahabang curly hair ni Mama. “ I want my hair to be brown too mama.” I said while holding it.   “L-let’s go Artemis hinihintay na tayo ni ninang Clarize mo.” Pagmamadali ni Mama at kinuha na ang mini back pack ko at lumabas na kami.   “Mama why are you crying?” I asked while holding her hand.   “N-no baby, I’m not crying. Napuwing lang si Mama,” sabi nito at agad pinunasan ang mata. Pagkalabas namin sa bahay ay nakita namin si kuya Lyric na kausap ng pamilyar na mukha mula sa kapitbahay.   “Kyah ang cute naman! How old are you baby?” wika ng babae na mukhang nasa fifties na.   “8 years old po,” sagot ni kuya.   “Lyric!” tawag ni Mama kay Kuya kaya naman sabay silang napatingin sa amin.   “Mama!” pasigaw ni kuya Lyric sabay yakap.   “Hala magkamukhang magkamukha sila. Artistahin naman itong mga batang ‘to.” ngiti nito sa amin.   “Thank you po,” naiilang na wika ni mama.   “Wait miss parang familiar din yung mukha mo. Feeling ko nakita na kita somewhere,” saad nung stranger, halatang may pinipilit siyang alalahanin.   “First time ko lang po kayo nakita ngayon, baka ibang tao po iyon,” agad na sagot ni mama at ngumiti ng alangan. Ang ganda talaga ni Mama, parang nagliliwanag yung paligid tuwing ngumingiti siya.   “Parang familiar talaga e. Feeling ko nakita kita sa t.v miss.” May sinabi pa yung stranger pero hindi ko na narinig dahil agad na kaming hinila ni Mama. Nang makalayo kami ay sinuot na ni mama ang makapal niyang salamin at sumbrero.   Bumaba kami ng sasakyan at bumungad sa akin ang malaking bahay na parang castle. “Wow ito pala itsura ng bahay ni tita Clarize!”   “Ikaw kasi ayaw mo lagi sumama e. Lagi ka kaya ini-invite ni Ninang mo,” saad ni mama at nginitian lang ako.   “I want to play with Caleb.” ani ni kuya Lyric ata agad tumakbo ito papasok. Mukhang kilala na sila ng mga guard dahil automatic nilang binuksan ang pinto at grineet si mama habang ako ay nagtatago lang sa likod ni mama.   “Oh no! I forgot to bring my gift to your tita Clarize!” gulat na wika ni mama. “Lyric mauna na muna kayo ni Artemis sa loob ha, bablikan ko lang sa car yung regalo.”   “Okay!” malawak na ngiti ni kuya Lyric.   “Lyric, don’t leave your sister ha.” bilin ni Mama kay Kuya. He just nodded. Nang makalayo na si mama ay agad tumakbo si kuya Lyric palabas ng gate.   “S-sir Lyric saan po kayo pupunta?” nagpa-panic na tanong ni kuyang guard.   “Sa playground lang po.” wika ni kuya at agad nang tumakbo.   “Kuya wait!” I shouted. Mukhang hindi niya ako narinig kaya pinilit ko na lang siyang habulin. Tumigil si kuya Lyric sa isang playground, buti na lang walang tao.   “Halika slide tayo doon!” sabay hila sa akin ni kuya papuntang slide. Naka tatlong ulit ako sa slide tapos after nun nagpahinga na lang ako sa swing at pinanood si Kuya na nakailang ulit na sa slide pero ‘di pa rin pagod.   “Kuya baka hinahanap na tayo nila Mama.”   “Hindi ‘yun, nagpaalam naman tayo sa guard e,” saad nito.   “Kuya I want to see the library! Let’s go home please,” Pagmamakaawa ko habang dinuduyan ang sarili ko swing. Kung naaalala ko lang talaga yung way pabalik e iniwan ko na ‘to.   “Wait lang! Baka ‘di na ko payagan ni mama pagbalik e.” at dumila ito sa akin. “ Bilhan na lang kita ng snack Artemis, para mag-eat ka habang maglaro ako,” ani ni kuya at tumayo sa pagkaka-slide.   “Sige.” I sighed.   “What do you want?” linapitan niya ako sa swing.   “Ice cream! Chocolate!” I shouted.  Nginitian niya ako at nag-salute sign.   “Yes ma’am!” he said like a soldier. “Huwag kang aalis dito ha, wait mo ko,” bilin nito sa akin bago tumakbo papalayo. Pagkaalis ni Kuya ay may dumating na mga bata. May apat na girl at dalawang boy. Mukhang kasing age lang naming sila ni Kuya. Tinitigan nila ako ng matagal bago sila tuluyang maglaro sa empty space.   “Uy mukhang princess yung nasa swing oh,” saad ng lalaking at binato ang bola sa kalaro.   “Oo nga, kahawig niya yung doll na princess ng kapatid ko sa bahay. Cella ata name nun or Serella?” naguguluhan wika ng isang batang lalalaki.   “Baka Cinderella, Allen,” mahinahong wika ng batang babae na naka pink at saka binato ang bola pabalik.   “Ha? Anong cinderella? Ako kaya yung kamukha ni Cinderella!” bulalas ng isang babae na naka yellow ang damit. Nagtawanan ang dalawang lalaki na kalaro nila.  “Okay, okay,” wika ng mga batang lalaki sa mapang asar na tawa.   “Guys kuhaan niyo naman kami ng water. Please.” ani ng babaeng naka yellow na damit.   “Ayoko nga, hindi kami maid no!” sigaw nung batang lalaki.   “Dali na, pagkauwi ko mamaya sa bahay bibigyan ko kayo ng DairyMilk,” ngiti na wika ng babaeng naka yellow.   “Sige! Sabi mo yan ah!” sigaw ng batang lalaki.   “Dalawa na kayo kumuha kasi mabigat yun.” saad ng naka yellow at saka ngumiti ng matamis.   Nakaupo lang ako sa swing at nakatingin sa sapatos ko habang nag-uusap yung mga bata na naglalaro. Hindi ko marinig yung mga words na sinasabi nila, pero alam ko na nagk-kwentuhan sila. Tatahimik lang ako dito sa gilid para hindi nila ako mapansin.  Nagulat ako ng biglang may bola na tumama sa paanan ko. Medyo malakas ang pagkatama sa’kin pero okay pa naman ako. Umangat ako ng tingin at nakita ko sa malayo na  apat na babae na lang ang natira, wala na yung dalawang batang lalaki.   “Ay sorry!” sigaw nung batang naka yellow na damit dahil medyo kalayuan sila. “Pwedeng pakuha?”   “Okay” mahinang tugon ko at pinulot ko ang bola. Nang iiabot ko na ang bola sa batang naka-yellow ay biglang hinarang ng batang naka violet ang paa niya kaya agad akong bumagsak sa lupa. Narinig ko silang nagtawanan. Ramdam ko ang hapdi ng tuhod ko at pagkakita ko ay may dugo na.   “Oh no! Are you okay?” wika nung naka yellow sa akin habang nasa lapag pa rin ako. Nilahad niya yung kamay niya sa akin. Nung akmang hahawakan ko na para tumayo ay agad niyang binawi ang kamay niya kaya muli ulit akong sumalpa sa lupa. Ang hapdi ng sugat ko at ramdam ko ang pag-init at pamamasa ng mata ko.   “Why are you so ugly?!” sigaw sa kin nung babaeng naka yellow habang naka cross arms. “Dapat hindi ka na lumalabas ng bahay, kung ganyan ka kapangit!” sigaw niya sa akin at nagtawanan lang ang tatlo niyang kasama. Hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko maging mag-isa sa labas tapos ganito yung nangyari.   “W-wala naman a-akong ginawa sa inyo ha.” Paghikbi ko.   “Yung mukha mo yung problema!” sigaw sakin nung naka yellow. “You are so ugly! Kung ganyan yung mukha ko never na ko lalabas ng bahay. Diba girls?”   “Oo nga!  So Nakakahiya!”   “Hindi bagay sa’yo yung blue dress mo!” wika ng naka violet na damit. I don’t know what to do. I don’t know where am I. I just want to go home. Kuya Lyric where are you? Ang init ng luha na tumutulo sa pisngi ko. Naririnig ko ang mga tawanan nila sa’kin.   “Ang yabang mo!” dinuro ako nung naka yellow. “ Akala mo kamukha mo si Cinderella? Mukha kang pwet ng dog namin!” sigaw niya at nagtawanan ang lahat. Wala akong tigil sa pag iyak. Ayoko na marinig yung mga tawa nila kaya pinilit ko tumayo kahit na masakit yung sugat ko sa right knee at tumakbo papalayo. I don’t know where am I going. Kaya ayoko lumabas ng bahay e kasi panget ako! Umupo ako sa gilid ng poste at doon umiyak dahil sa hapdi ng sugat ko.   “I’m so ugly!” paghagulgul ko. “Siguro kinakahiya na ako ni Mama at ni Kuya.” pinunasan ko ang luha ko pero sunod-sunod pa rin ang pagpatak nito.   “Why are you crying?!” wika ng ‘di ko kilalang lalaki. TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD