“Lilian I miss you!” masayang bati nito sabay yakap sa akin. “My fiancée.”
"K-kuya Caleb?" gulat kong wika dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Humiwalay siya sa pagkayakap sa akin kaya naman lalo ko nang natitigan nang maayos ang kanyang mukha. "A-akala ko next year ka pa babalik?" curious kong tanong habang medyo nakatingala dahil sa tangkad niya.
"Nakwento sa'kin ni Lyric yung about sa situation niyo kaya inagahan ko yung balik," wika nito habang nakangiti sa'kin. I feel at ease simula nang marinig ko ang sinabi niya.
"Thank you kuya Caleb! Nice to meet you again!" masaya kong wika. Tinap niya ang buhok ko katulad na laging niyang ginagawa noong mga bata pa kami. Nagulat ako ng biglang may humila sa kamay ko.
"Don't touch her," seryosong wika ni Blake habang hawak-hawak pa rin ang palapulsuhan ko. Napansin kong nagulat si kuya Caleb sa nangyari. Para bang ngayon niya lang napansin na may isang tao pa pala bukod sa amin ang nandito.
"Ako dapat ang nagsasabi niyan sa'yo," saad ni kuya Caleb na mukhang walang balak magpatalo. "She's my fiancee," seryosong wika ni kuya Caleb at inakbayan ako nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa tensyon na nangyayari.
"Are you joking? Is it true Artemis?" tanong ni Blake na halatang hindi siya makapaniwala.
Namamawis na ang kamay ko. Teka anong isasagot ko? Totoo naman na gusto ni mama at ng mother ni kuya Caleb na maging kami pero wala naman pormal na kasulatan na mag-fiancee kami. Kaya lang hindi ko rin ma-deny dahil kagustuhan ito ni mama, pero hindi naman daw nila ako pipilitin kung ayaw ko.
"Y-yes?" nagaalangan at mahina kong tugon. Hindi ko magawang tingnan sa mata si Blake.
"Gusto mo ba ihatid kita sa taas?" mahinahong wika ni Blake sa akin. Kita ko ang pagaalala sa mukha niya.
"N-no okay lang," I answered. "Thank you sa paghatid Blake," nginitian ko siya.
"Let's go inside Lilian, baka may mga media na nakatago sa gilid-gilid," saad ni kuya Caleb at pumasok na kami sa elevator. Bago magsara ang pinto ng elevator ay napansin ko na medyo bagsak ang expresyon ni Blake habang papasok sa kanyang sasakyan.
"Kuya Caleb bakit mo sinabing fiancee mo 'ko?" kumportable wika ko sa kanya matapos tuluyang sumara ang pinto ng elevator.
"Totoo naman yung sinabi ko Lilian e," wika nito habang inaayos ang pula niyang buhok. Parang lalo siyang gumwapo. Stay focus Lilian Artemis!
"Promises lang yun noong bata pa tayo e," medyo nahihiya kong tugon sa kanya.
"I know Lilian," saad nito sa'akin at hindi ko mapigilang mapatitig sa asul niyang mata. "Ang usapan ng both family, kapag 24 years old ka na at may iba kang gusto mababaliwala na ang promises na gawa ni mama at ni tita Rea," wika niya habang dahan-dahan na tinatap ang ulo ko.
"Kuya Caleb 'di na ko bata!" tugon ka sa pag-tap niya sa ulo ko. " nagyon ko lang na-realize na parang aso yung turing mo sa akin nung bata pa tayo," sabay simangot ko sa kanya.
Narinig ko ang paghalakhak niya. "You're still the same kahit 5 years na ang nakalipas."
Bumukas na ang pinto ng elevator sa 50th floor. "Teka kuya Caleb saan ka pala mag-iistay ngayon?" curious kong tanong.
"Magkatabi ang unit ng condo namin ni Lyric." casual na sagot nito.
"WHAT? Hala seryoso?" gulat kong wika.
"Hindi ba nabanggit ni Lyric?" I heard him chuckled.
"Hindi, kuya pa-tour ako sa loob ng unit mo bukas! I want to see the interior design!" excited kong tugon. Kumukuha din ako ng inspiration sa aesthetically pleasing na lugar para mas vivid ang description ko sa mga novel ko.
"Inspiration mo ulit sa novel mo right?" nakangiting wika nito sa'kin.
"Feeling ko talaga nababasa mo yung nasa utak ko," di ko makapaniwalang tingin sa kanya. Gusto ko talagang makita na ngayong yung interior design ng condo niya kaya lang nakakahiya naman kasi baka gusto niya na magpahinga. Nang akmang pupunta na ako sa pinto ng condo ni kuya Lyric sa bandang right at ang way ng condo niya ay sa bandang left bigla siyang tumigil.
"Lilian tara, ngayon na kita i-tour kung gusto mo."
"Yehey!" masaya kong wika sabay takbo papalapit sa pintuan. "Lagay mo na yung code kuya or yung card." Pansin ko sa mukha niya ang pagtataka. Tiningnan niya ang bulsa ng pantalon niya.
"I forgot to bring the card." wika nito sabay kamot sa ulo.
"What? How about the code?"
"I dont know the code, last five years pa yung last na punta ko dito," sabay pout nito.
"Hala Kuya naman e!" May cute side pa rin talaga siya, lalo na nung bata pa kami. "Wait so matagal ka nang nag-sstay dito sa Manila pero five years kang hindi pumunta dito sa condo mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"No Lilian, Kaninang 6pm lang ako nakarating ulit dito sa Manila from U.S."
"What?! Kagagling mo lang ng U.S pero ni isang maleta wala kang dala?" hindi ko mapigilan mapasigaw dahil sa pag-aalala. "Bakit may emergency problem ba sa business niyo dito sa Manila?"
"Wala naman, after ko kasi malaman na mag-isa ka lang dito tapos nagpapanggap ka pa as Lyric ay nagbook agad ako ng earliest flight, " wika nito habang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi ko nga din nasabihan yung manager ko e," I heard him chuckled.
"Hala kuya Caleb! I'm sorry, hindi ko alam na ako pala ang dahilan kaya ka nagmadali dito." Agad kong hinila ang kamay niya sa way ng pintuan ng unit ni kuya Lyric.
"L-lilian?"
"Kuya Caleb dito ka na lang matulog sa condo ni kuya Lyric, ako lang din naman mag-isa sa loob," seryosong ani ko sa kanya. I can't leave him alone outside since I'm the reason why he is here. Noong bata pa kami laging tabi nga kami matulog tuwing nag-ssleep over ako sa kanila tuwing summer. Napansin kong sumeryoso ang mukha ni kuya Caleb.
"Lilian, may ibang lalaki ka na rin bang tinanong niyan?" ramdam ko ang bigat ng titig ni kuya Caleb. Napa-isip ako kung meron nga ba akong pinagtanungan. Aha si Blake pala last time tinanong kong din na sa sala na lang matulog dahil 2 AM na ng gabi tapos may mga reporter sa labas.
"Isa pa lang kuya," inosenteng wika ko. Marahang hinawakan ni kuya Caleb yung kamay ko at napansin kong lumaki ang kamay niya kumpara dati.
"Don't do that again Lilian, unless it's me," mahinahong wika niya habnag dahan-dahan niyang tinatap ang ulo ko. "Mamaya pagsamantalahan ka ng iba taong inaya mo. Unlike me," sabi nito at marahan akong hinalikan sa noo. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko at pag-init ng aking pisngi. "I will not do something bad to you. You know that I respect you right?" wika niya sa akin at ramdam ko and sensiridad sa kanyang mga mata.
"Yes k-kuya Caleb," saad ko sa kanya habang nag-iiwas ng tingin
Pumasok na kami sa loob condo at pinaupo ko na muna sa kuya Caleb sa sala. "Kuya Caleb, kuhanan muna kita ng damit ni kuya Lyric para makapag-shower ka."
"Okay thank you."
Agad akong pumasok sa kwarto ni kuya Lyric at kumuha ng long sleeve na black, at gray na short ni kuya. Kumuha na rin ako ng unused boxer ni kuya at towels. Sinabay ko na rin palabas yung malalambot na color white na comforter, kumot at dalawang unan. Hindi ko makita ang nilalakaran ko dahil patong-patong ang mga gamit na bitbit ko.
"Lilian tulungan na kita dyan," wika ni kuya Caleb, pero hindi ko matanaw kung asan siya dahil sa mga puting unan na nakaharang sa paningin ko.
"Okay kuy--" hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil bigla akong natapilok, nabitawan ko ang mga hawak ko dahil sa gulat. Inexpect ko nang bumagsak ang mukha ko sa sahig dahil sa ka-clumsyhan ko pero nagluat ako nang may naramdaman ako kamay na nakasuporta sa likod ko. Agad akong napadilat at napansing nakapatong ako ngayon kay Kuya Caleb. Dibdib niya pala yung binagsakan ko.
"A-are you okay Lilian?" wika nito. Sobrang lapit ng mukha namin. Mas lalong maganda ang asul niyang mata kapag malapitan na nag-ccompliment sa pula at may maypagka-curly niyang buhok.
"Ang ganda ng mata mo kuya Caleb," muntik ko nang masabi. Nahihya ako dahil baka nararamdaman niya yung t***k ng puso ko dahil nakapatong ako sa kanya, or t***k ba nang puso niya yung nararamdaman ko? Ang bango niya as always simula pa noong bata kami. I always feel at ease pag kasama siya. Kusang gumalaw ang kamay ko at hinawi ang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mata niya.
"Kuya Caleb, I missed you," hindi ko mapigilang mapaluha. Halos five years ko siyang hindi nakita dahil lang sa sinabi ko sa kanya.
"Shh don't cry Lilian," mahinahong wika nito sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Parehas na kaming nakaupo ngayon sa sahig. "You know that I missed you more," at marahan ulit niya akong hinalikan sa noo. "I thought you don't want to see me," kita ko ang lungkot sa asul niyang mga mata niya.
"K-kasi I dont want to limit you to like other g-girls dahil lang sa promise nila mama. I don't want to be a burden to you," ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko. Pinunasan niya muli ang mga luha ko.
"Don't say that. Kahit kailan hindi ko naisip na pabigat sa'kin ang maging fiancee ka," mahinahon niyang wika. Parang kumikirot ang puso ko dahil sa sinasabi niya.
"P-pero maraming ibang g-girls na mas maganda sa'kin tapos mas m-mature sa'kin," nahihiya kong tugon sa kanya at nag-iwas ng tingin.
"No baby," tugon ito at dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ko para tingnan ko siya sa mata. "Lilian you are beautiful. Don't compare yourself to others. Ginusto kita dahil sa kung sino ka," wika nito na tila ba gusto niyang ipaintindi ito sa'kin.
"I tried to f-forget you kuya Caleb, kasi alam kong may ibang girl na mas deserve ka. Hindi yung isang katulad ko lang.." Hindi ko siyang magawang tingnan ng diretso. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya.
"Lilian please huwag mong tingnan nang ganyan ang sarili mo. You deserve to be love, please don't push me away again, baby please." ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Sinasabi mo yan ngayon pero you never k-kiss me back then tapos iniiwasan mo din ako," I said bluntly. Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Lilian you're only 17 years old, 5 years ago, while I am 20 years old. Hindi mo lang alam kung paano ko pinipigilan ang sarili ko." saad nito at marahang hinwakan ang kamay ko.
"I t-thought you didnt like me," nahihiya kong pahayag. Hinawi ni kuya Caleb hibla ng buhok ko na nakakalat sa mukha ko.
"C-can I kiss you?" he said. Halata ang pamumula ng pisngi niya. Never in my life na in-imagine ko na tanungin niya ako nito. Simula bata pa lang I always look up to him. He always care for me. Yung pula niyang buhok at asul na mga mata na siyang dahilan kung bakit habulin din siya ng mga babae. Yung matangos niyang ilong at ang pinakaimportante ay ang pagiging maalaga niya sa akin.
I nodded in him in response. Marahan niya akong hinalikan. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at ramdam ko din ang init ng kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. I can't stop myself kissing him lalo na nang makita ko ang mapupungay na asul niyang mata.
"Baby let's take it slowly. I don't want to rush you," wika nito habang namumula ang mukha at hinalikan niya muli ako sa noo.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.