"A-artemis a-anong ginagawa mo dito?" gulat niyang wika at biglang namula ang mukha nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.
"Ikaw kaya nagsabi sa'kin na pumunta ako dito?" pataray kong sagot sa kanya sabay iwas ng tingin sa hubad niyang katawan. "Sige uuwi na lang ako." saad ko at nang akmang maglalakad na ko palayo sa kanya ay hinawakan niya yung kamay ko.
"No, don't leave," wika nito. Pansin ko na ang laki at ang init nang kamay niya kumpara sa akin. "Sabi ko kasi 4pm ka pumunta kasi nagp-preapre pa 'ko. Kakatapos ko lang mag gym. " sabi nito sa'akin sabay hila niya sa'kin papasok sa loob ng condo niya.
"Ha? Wala ka namang sinabi na 4pm siz." kumportable kong pagrereklamo sa kanya.
"Did you check my text message?" tanong nito sa'kin sabay pakita ng text niya sa'kin.
"Ha? Wait nga!" naguguluhan kong saad at agad kinuha ang phone ko at nakita ko ang text message na sinasabi niya. "Hala Blake, sorry!" ani ko habang nakatingin sa text message. "Balik na lang ako ng 4 PM."
"Hindi, okay lang Slavey. 30 minutes na lang naman magf-four na. Upo ka na lang muna dyan sa sofa habang magbibihis ako."
Umupo ako sa color grey na sofa at pinagmasdan ang kabuhuan ng condo niya. Color gray at wihte ang theme ng condo niya. Unang tingin mo pa lang ay halatang lalaki ang tumitira dito. Naamoy ko din ang pabango ni Blake dito sa loob. Mukhang nakadikit na sa dingding yung amoy niya ha. Napatingin ako sa ceiling dahil ang ganda ng pa square niya na lighting.
Nakita kong lumabas na sa kwarto si Blake at naka black siya na t-shirt na parang suot ko at nagmaong pants din ang loko.
"Anong trip mo 'bat gaya-gaya ka ng damit?" wika ko sa kanya sabay irap.
"Ha? Ikaw kaya nangggaya, kagabi pa naka-ready yung damit ko e" saad nito at dumiretso sa kusina. "Slavey anong drinks mo? Soda, juice or me?" malakong tanong nito.
"Eww," nandidiri ko siyang tiningnan, "ice tea na lang sana kung meron," wika ko.
Lumapit siya sa akin dala-dala ang tray na may lamang dalawang baso ng ice tea at tag-isang slice ng chocolate cake. Hala pano niya nalaman na favorite ko yung chocolate cake?
"Thank you ha," sarcastic kong wika. Shemay chocolate cake! I cant stop myself at agad nang nilantakan ang inihain niya. Narinig ko ang pagtawa niya sa tabi ko kaya napahinto ako. "Why?" nagtataka kong tanong sa kanya habang ngumunguya.
"Para kang bata kumain, ang kalat mo," he chuckled then he brushed his thumb over the left side of my lower lip. "May icing ka pa sa bibig," wika nito at dinilaan ang chocolate icing na nasa thumb niya.
"Uy huwag mo kainin 'yan madumi na yan," pagpipigil ko sa kanya pero huli na ang lahat dahil nasa bibig niya na yung thumb niya. "Ang baboy naman!" wika ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at mabilis na pagkabog sa aking dibdib.
" 'Pano magiging madumi 'yun kung galing sa bibig mo?" sabi nito sa husky na boses. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa mamula-mula at mukhang malambot niyang labi. Blake bakit ka ganyan?! Nagwawala na ako sa loob-loob ko.
"Ewan ko sa'yo!" saad ko sa kanya habang naka poker face. Syempre 'di tayo magpapahalata na naapektuhan ako sa kanya. "By the way bakit mo pala ako pinapunta dito?"
"Magpapatulong kasi sana ako gumawa ng regalo sa little sister ko," wika nito.
"Wait 'yun ba yung kasama mo sa hospital last time?" tanong ko.
"Yes, mag n-nine years old na si Princess this year," masayang wika nito sabya pakita sa'kin ng picture nila ni Princess.
"Hala ang cute!" bulalas ko. Parehas sila ni Blake na may itim na buhok at may pagkachinita din ito.
"Sabi niya kasi ang gusto daw niya na gift ay any handmade stuffed toys." May kinuha siyang box at iniabot sa'kin. "Nakabili na 'ko ng stuffed toys na 'di pa gawa pero hindi ako marunong magtahi. Papaturo s-sana ako," nahihiyang wika nito. Hala ang cute niya, may bad boy look siya tapos gusto niya magtahi ng stuffed toys.
"Paano kung 'di ako marunong?" wika ko sa kanya.
"Laging kinkwento ni Lyric na tinatahi mo daw yung mga damit niya," sabay bigay sa'kin nito ng tingin na 'you can't lie to me'. Argh kuya Lyric bakit mo ko chichismis sa iba?
"Okay, okay," I sighed defeatedly. Nilabas niya ang baby penguin na stuffed toys pero hindi pa buo ito.
Una tinuruan ko siya kung paano magpasok ng sinulid sa karayom at kung paano buhulin ito. Yung lamig ng aircon kanina ay hindi ko na ma-feel dahil nasa tabi ko siya. Nakaktanggal pala talaga ng lamig ang body heat. Meron kaming tag-isang stuffed toys, para gagayahin niya yung ginagawa ko. Pansin ko na seryoso siyang nakikinig at nagtatahi. Ang swerete naman ng kapatid nito.
"Ouch!" at nakita ko si Blake na nakatingin sa left pointed finger niya na ngayon ay may kaunting dugo.
"Hala dahan dahan lang kasi!" pagalit ko sa kanya. "Halika linisin natin yan." pag-aalala ko sa kanya.
"Okay lang maliit na sugat lang 'to," sagot nito.
"Ano ka ba Blake pwede ka ma-tetanus kahit sa maliit na sugat na ganyan. Saan ba ang c.r?" seryoso kong sagot sa kanya. Tinuro niya ang pinto ng c.r kaya naman agad ko siyang hinatak papunta sa loob. "Maghugas ka na ng kamay." utos ko sa kanya. Parang naalala ko na ganito sa amin si mama kapag nasusugatan kami ni kuya.
"Huwag na, ang liit lang talaga ni-" hindi ko na siya pinatapos magsalita at tinapat ko na sa tubig ang kamay niya.
"Kapag hindi mo 'to hinugasan baka ma-infect yung sugat tapos pasukan ng germs kahit na gaano pa yan kaliit." Nakita ko ang sabon sa gilid at sinabunan ko maigi ang sugat niya. Napansin kong namumla ang tenga niya sa repleksyon sa salamin sa harap. Matapos kong banlawan ng tubig ay pinunasan ko ang kamay niya.
"O-okay na yan Artemis," mahinang tugon nito.
"Anong okay? Lilinisin pa natin 'to ng alcohol tapos tatakpan ng band-aid." Hinila ko na ulit siya pabalik sa sofa para umupo. Para siyang bata na sumusunod ngayon. "Saan pala nakalagay yung first aid kit?" Tinuro niya ang isang cabinet at agaran ko itong kinuha. Nilabas ko ang alcohol at band aid.
"Bubuhusan ko na ng alcohol ha, medyo mahapdi 'to," mahinahon kong saad.
"Ano ka ba ang liit lang niyan e. 'Di yan masakit." pag-iiwas nito nang tingin sa 'kin habang hawak ko ang kamay niya. Nang binuhos ko ang alcohol naramdaman ko ang biglang paggalaw ng kamay niya. Napansin ko ring kagat-kagat niya ang labi niya.
"Ano ka Blake! Okay lang umamin na nasasaktan ka," I chuckled. "Dati nga si kuya Lyric umiiyak pa kapag nililinisan yung sigat niya." Hindi ko mapigilang mapatawa kapag naalala ko yun. After ko malinis ang sugat niya ay nilagyan ko na ito ng band aid. "Yey finish na," wika ko na parang bata ang ginagamot ko.
"Thank you Artemis," sabi ni Blake habang nakatingin sa mga mata ko.
"No problem." I said while smiling.
"Let's have dinner first, 6:10 pm na rin e," wika nito habang nakatingin sa wall clock sa gitna ng wall. "Anong gusto mong food? Japanese, Mexican, Chinese?" curious na tanong nito.
"Ha? Hindi ko alam yung pinagsasabi mo. Mag jollibee na lang tayo. Namiss ko na 'yun e," excited kong sabi.
"Okay slavey" I heard him chuckled. "Pili ka na lang dito." Inabot niya sa akin ang phone niya para pumili ng order. I clicked Chicken joy with rice, mango pie, burger with fries and caramel float for drinks.
"Here I'm done," saad ko na parang bata sa kanya. After niya ilagay ang order niya ay hinawakan niya na ulit yung stuffed toys. Aba pursigido!
"Paano nga ulit yung ganitong stitch sa side na 'to slavey?" may pagka-husky na boses nito. Pinakita ko sa kanya kung 'pano gawin ang tahing 'yun at nagawa niya naman ng mabuti.
Narning namin ang tunog nang doorbell kaya naman agd tumayo si Blake. Bumalik siya nang may bitbit na plastic ng jollibee. Hmm amoy na amoy ko na yung chicken joy! "Tara kain na tayo slavey." Aya nito sa akin habang nilalabas niya sa plastic yung mga food sa dining table. Masaya akong umupo sa 4 seater dining table na mukhang mamahalin.
"Thank you sa food!" wika ko at nginitian lang ako ni Blake. Napansin ko na kung anong inorder ko ay 'yun din ang inorder ni Blake para sa kanya. Pst gaya-gaya talaga kahit kailan.
"Wala pa tayo sa kalahati Slavey. Mga ilang araw ko kaya pwede matapos yun," saad nito habang hinihimay ang chicken joy.
Uminom muna ako ng carael float. "Depende sa sipag mo. Kapag tinuloy-tuloy mo ngayon kaya siguro ng mga one and half days pero kung patigil-tgil ka ng gawa mas tatagal."
"Try kong tapusin ngayon, magdamagan. Magiging busy na kasi tayo sa music video soon e." casual na sagot nito. Agad akong nabilaukan nang mabanggit niya ang about sa music video. "Hey dahan-dahan lang. Baka mabilaukan ka." sabay lagay niya sa akin ng tubig sa babasagin niyang baso.
"Okay lang, thank you." wika ko after uminom ng tubig. "Blake 'di ko alam yung gagawin sa music video." problemado kong mungkahi.
"Don't worry i-gguide naman tayo ni Mr. Chris sa schedule natin." Uminom siya sa caramel float niya. "Masarap pala 'to no?" sabay tingin niya sa iniinom niya.
"Oo favorite ko yan e. Tapos mura pa!" proud kong sabi sa kanya. Ang dami namin napagkwentuhan ni Blake. Hindi ko alam kung bakit ang comportable niyang kausap. Ibang iba sa first impression ko sa kanya na bad boy na masungit. Totoo pala ang 'don't judge the book by it's cover'. After namin kumain ay tumulong ako maglinis ng kinainan namin.
"Slavey hatid na kita pabalik, 8 PM na rin," wika nito. Grabe hindi ko napansin ang oras.
"Sige, para 'di na ko mamasahe," praktikal kong sagot sa kanya. "Blake ito pala yung cap mo kagabi, nakalimutan ko ibalik." sabay abot sa kanya nito. "Salamat ulit."
"Sa ' yo na 'yan Slavey para lagi mo kong maalala." at kinindatan ako nito. Parang ewan talaga 'to! Nagsuot na ulit ako ng mask, salamin at cap bago lumabas. Si Blake naman ay nag-cap at mask lang din. Pumasok kami sa elevator at kaming dalawa lang ang tao sa loob.
"Anong floor tayo?" tanong ko sa kanya.
"Basement Slavey." Pinindot ko ang basement. Nagulat ako ng hawakan ni Blake ang hibla ng buhok ko. "I like your hair," wika nito sa mababa na boses. Ramdam ko ang bilis nang t***k ng puso ko dahil sa ginagawa niya. "Ganito ba yung buhok mo dati bago pa may mangyari kay Lyric?" banayad na tanong nito habang nilalaro pa rin ang buhok ko.
"O-oo Blake, actually gawa tong wig na 'to sa ginupit na buhok ko dati. Ganiton-ganito yung itsura nun bago ako magpagupit," medyo nalungkot ako dahil, inalagaan ko talaga ang mahaba kong buhok dahil gusto ko maging katuldad ito ng kay mama, pero no choice e.
"Hey don't be sad. You are still beautiful kahit maikli ang buhok mo," sabay hinalikan niya yung hawak niya na buhok ko. Sobrang init na mukha ko. Hindi ko alam kung anong i-rereact ko dahil siya pa lang ang unang gumanyan sa'kin.
"H-hey B-blake may cctv," mahina kong tugon.
"So? Naka-cap naman tayo." I heard him chuckled.
Tumigil na ang elevator sa basement at nakita ko ang naggagandahang sasakyan ng mga nakatira sa building na ito. Nagulat ako nang pinagbuksan ako ng kotse ni Blake at ginuide pa ang ulo ko para hindi ako mauntog. Hindi mapigilan maisip kong ganito rin ba siya sa ibang babae...
"Thank you," I mumbled. Sumakay na siya at nagsimula nang mag mag-drive. Nag-request ako sa kanya kung pwede ba patugtugin yung mga song nila ng B.L.U.E para ma-familiarize ako. Pumayag naman siya. Maingat siya magmaneho habang naririnig ko ang boses niya na kumakanta mula sa speaker ng sasakyan.
How can someone be this talented and handsome at the same time. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Napansin kong mayroon siyang mahaba at itim na pilikmata na nag-c-compliment sa maypagka-chinito niyang brown na mata. Yung bridge din ng ilong niya ay ang tangos. Feeling ko din na mas baby face at makinis pa ang mukha niya 'keysa sa'kin.
"Hey paano 'ko makakapag-focus magdrive kung tititigan mo ko? Gusto mo hinto muna tayo?" pang-aasar nito sa akin at nginitian ako. Ibinalandra pa nga na g mapuputi at diretso nitong ipin.
"As if no! 'Di ikaw tintitingnan ko," bwelta ko sabay tingin sa side ko ng bintana. Ang bilis lang ng biyahe dahil siguro gabi kaya walang ganoong traffic. Pagkadating naming sa building ay mas dumoble ang normal na dami ng fans na nasa labas sa building. Ganoon din and mga media.
“Anong meron?” wika ko.
“In-announce na ata ng agency natin na magsisimula na tayo mag-shoot para sa music video.” saad ni Blake. “Pasok ko ba sa loob?” tanong nito habang nakatingin sa akin.
“Sige Blake, ayoko ma-ambush ng mga fans ‘pag dito ako bumaba sa entrance ng building.” After ma-park ng sasakyan ay nagpumilit si Blake na ihahatid daw niya ako kahit hanggang sa may elevator lang. Pumayag na lang ako sa huli dahil ayaw niya magpatalo.
“Lilian! Lilian is that you?” parehas kaming napatingin ni Blake sa isang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Ayoko na tinatawag ako na Lilian kaya kapag tinatanong ako ay Artemis lang ang sinasabi kong pangalan. Pero may exemption, isang tao lang ang pumayag ako na tawagin ni akong ganun.
Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ko or nananaginip. Totoo ba talagang papalapit sa akin habang nakangiti ang lalaki na matagal ko nang ‘di nakikita? Sobrang laki ng tinangkad niya dahil hanggang balikat niya na lang ako. Hindi pa rin nagbago ang pula at medyo gulo nitong buhok na nagbibigay sa kanya ng sexy vibe. Yung dimple niya na agaw ang pansin kahit sa pagtawag niya lang ng panagalan ko ay masisilayan mo ito. Lalo na yung maamo niyang mga mata na kasing kulay ng asul na dagat.
“Lilian I miss you!” masayang bati nito sabay yakap sa akin. “My fiancée.”
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.