Chapter 11- Hot

2105 Words
Pagkaalis si Blake sa condo ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabilis akong nag-shower para naman makatulog na 'ko. Feeling ko talaga sobrang daming nangyari ngayon araw na'to. Pagkalabas ko ng c.r ay saktong nag-ring ang cellphone ko. "Hello po Ms. Nami?"  bati ko sabay tingin sa wall clock at nakitang alas tres na ng umaga. "Hello Ms. Parker, kumusta? Nakauwi ka na ba sa condo?" nagaalala ang tono nito. Oh shoot I forgot to text her that I'm home dahil na busy ako kay Blake. "Sorry po Ms. Nami nakalimutan ko pong mag-text. Kayo po nakauwi na po ba kayo?" Ni-loud speak ko ang phone at nagsimula nang magbihis ng t-shirt at pajama. "Actually pauwi pa lang ako. Nagkaproblema kasi sa director about sa music video niyo hays," halata sa boses niya ang pagod at stress. "Ano daw pong problem Ms. Nami?" wika ko sabay higa sa malambot na kama. "Balak kasi ng director sa dagat gagawin ang music video niyo, kaya umapila na agad ako. Pag sa dagat kasi ginawa baka mag-request sila na naka-topless kayo. Mabubuko tayo pag ganun." "Hala grabe, pasensya na talaga sa abala Ms. Nami." Kaawa naman si Ms. Nami siya lahat ang nagaasikaso ng ganito. "Ano pong sabi ng director?"  "Ayun after ilang hours ko na pagre-request na ibahin, pumayag din siya sa huli," I heard a sign of relief in her voice. "Buti na lang talaga," I yawned. "I will tell you the details about the music video soon. Ano pala sinakyan mo kanina pauwi?" curious na tanong niya. Shemay! Sasabihin ko ba kay Ms. Nami na alam na ni Blake lahat?  Pero ang dami ng problema ni Ms. nami para isipin niya pa 'tong kagagawan ko. "A-y nag book lang po ako ng driver," wika ko.  "Ganun ba? Sige goodnight na. Wala ka pa lang schedule bukas so rest well." "Yehey! Finally makakanood na ko ng anime or magbasa ng manhwa all day!" masaya kong wika. "Goodnight din po Ms. Nami and thank you." Nag-end na ang call at hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod. Nagising ako dahil sa kalam ng sikmura ko. "Ugh anong oras na ba?" ungol ko habang pinupunasan ang laway ko sa kaliwang bibig. Nakita ko sa phone ko na na 12 PM na, kaya pala nagwawala na ang tyan ko. Lumabas ako sa sala habang gulo-gulo pa ang buhok ko at lumapit sa intercome. "Hello po?"  "Good afternoon ma'am?" poramal na bati ng lalaki. "Pa-order po sana ako ng brunch. Meron po ba kayong pancake with chocolate syrup then buttered pork-chop and fried rice?"  "Noted po ma'am. Anong drinks po pala ma'am?" "Cold chocolate po, tapos kung may ice cream po kayo palagyan sana on top," ani ko habang naka sandal sa wall. Nanghihina na 'ko sa gutom. "Noted po ma'am. What floor and name po ma'am?" "50th floor po, under sa name ni L-lyric Appolo Parker," agad akong nagising nang banggitin ko ang pangalan ni kuya. I forgot to lower my voice sa sobrang lutang ng isip ko. "P-para po sa'kin yan, na sister po niya." pagpapaliwang ko. "Okay po ma'am. Hatid na lang po namin dyan in 10 minutes." sagot nito. Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na sofa at naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Blake. Dumikit na yung amoy ng lalaking yun dito mukhang need ko na magpa general cleaning. I opened my laptop then open my account as QueenOfWriting. Napansin ko ang 500K notification sa bandang gilid. Ang laman nun ay mga taong nag a-add ng story ko sa library nila, nagl-like pati na rin nag-c-comment. Minsan, napagt-tripan ko magbasa ng comment para malaman yung saloobin ng ibang fans. Sa kakatingin ko kada chapter ay napansin ko ang isang user na laging nag-c-comment. CruPOPO: I really like the story. Ang ganda ng style ni author. Keep updating Queen of Writing :> (3 hours ago) CruPOPO: Paano mo naisip yung mga plot twist na ganito? You're so smart! :> (2 hours ago) Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nababasa ko na comment ng mga fans, at nitong si CruPOPO in particular. Since last year ko pa siya napapansin na naglilike at nagcocomment sa mga gawa 'ko. Sana ma-meet ko siya dahil for sure magkakasundo kami as booklover. Tumunog ang doorbell at agad akong nagsuot ng mask pati na rin ang cap na suot ko kagabi. Wait alam ko nasauli ko na 'to ha? Agad ako tumakbo sa pinto at binuksan ito. "Hello ma'am here's your order po," wika ng isang babae habang nakangiti sa akin. "Magkano po pala lahat ate?" nahihiya kong tanong. "Ahm, no need na po ma'am. Kasama na po sa monthly dues yung ganitong mga service," saad nito. So kahit unlimited pala ang i-order ko walang problema. "Okie po, thank you." at kinuha ko na sa cart ang mga food na inorder ko. Nilapag ko ang mga pagkain sa center table at prenteng umupo sa sofa. Binuksan ko rin ang malaking t.v at nanood ng Kamisama Kiss na anime. "Finally! This is rest!" hiyaw ko na parang baliw habang nakataas ang isang paa sa sofa. Sinuot ka na rin ang anti radiation glass ko. Na-miss ko talaga yung ganitong buhay. Ngayon kasi need ko pa maging ayos na ayos in make-up at damit para ma-achieve ang look ni kuya Lyric. "Kyaaaah Tomoe-sama!" hiyaw ko sa manipis na boses. "Pogi talaga ughh," my inner otaku is screaming. Ang ganda na ng scene na pinapanood ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang mag aalauna na ng hapon. It's probabaly Krista, para kulitin na naman ako sa bagong chapter. Wala sa sarili kong in-answer ang phone at pansin ko sa peripheral vision ko ang puting kisame sa screen. "Bakit may pa-video call Krista?" kwelang tanong ko at inisandal ang phone ko sa libro na nakapatong sa center table dahil 'di ko na mahawakan ang phone habang kumakain at nanonood. "Wait lang sis, sandal ko lang yung phone." Nang masandal ko na ang phone sa pwesto ay kita na sa screen ang itsura ko na magulo ang buhok , naka salamin at naka oversized white t-shirt habang walang bra. Well si Krista lang naman yun kaya no problem. Patuloy ako sa panonood at hindi pinansin ang video call ni Krista, nang magtaka ako dahil hindi dumadada ang madaldal kong kaibigan. Kinuha ko ang phone at inilapit sa mukha ko. "Krista, nandyan ka pa ba?" I asked.  " Hey slavey." wika na isang pamilay na lalaking boses. "What the he-" hindi pa ako tapos magsalita ay agad ko ng in-end call ang tawag at agad chineck kung sino ito.  --------------- Blake            5 minutes call ------------------ "Halaaa!" tumakbo ako sa pinakamalapit na salamin at tiningnan ang itsura ko. I look like a mess! Ang nipis pa ng suot ko na t-shirt na halos kita na ang kaluluwa ko. What the hell talaga! Nakatatlong ring na ang cellphone ko bago ko ulit mapagdesisyunan na sagutin na ang tawag. "Hello!" pagalit kong wika. "Galit agad?" I heard him chuckled. "Bakit ka nagvideo call, saka bakit hindi ka nagsalita, sana mas maaga ko pa binaba yung tawag," iritable kong wika. "Tinatawag kaya kita, ikaw tong sobrang focus sa pinapanood mo. 'Tomoe samaa' pa nga yung tinitili mo e," ginaya niya pa talaga yugn high pitch tone ng boses ko.  Ang init ng mukha ko sa kahihiyan. "Whatever! 'Bat ka napatawag?" "Come to my house," wika nito. "H-ha anong pinagsasabi mo! Ayoko nga busy ako ngayon!" ani ko habang namumula ang mukha. Buti na lang at call lang 'to dahil nakakahiya kung nakikita niya ang pamumula ng mukha ko. "May kailangan akong gawin," wika nito sa may pagka-husky nitong boses.  "I need your help."  "P-paano kapag ayoko," sagot ko sa kanya. "Pinagusapan na natin 'to kagabi slavey," malambing nguit may halong pagbabanta niyang wika. "Oo na!" sigaw ko dahil kinikilabutan ako sa boses niya. Kapag may ibang makarinig ng conversation namin sigurado akong mami-miss understood and meaning nito. "Okay, I will send you the address." "K," wika ko at binaba na ang tawag. Parang kinakabahan ako pumunta sa bahay ni Blake, ang bilis ng kabog ng dibdib ko. "First time Artemis?" pagkausap ko sa sarili ko. Oo nga, pumunta na 'ko sa bahay ni Uriel kaya dapat 'di ako kabahan. Agad kong nilinis ang sala ta pinatay na ang t.v. Mabilis akong naligo at nagsuot ng maong jeans at black na t-shirt. Hindi ko na need magsuot ng customize shoes na may heels dahil si Blake lang naman ang pupuntahan ko. Sinuot ko ang black wavy wig na binigay sa'kin ni kuya Dustin na gawa din sa ginupit niyang buhok ko.  "Ito be, suotin mo 'to kapag gusto mo lumabas as Artemis, pra 'di ka habulin ng mga fans ni fafi Lyric," naalala kong wika sa'kin ni kuya Dustin sabay kindat. Humarap ako sa salamin at napansin kong kamukha ng dati kong buhok ang wig. Hindi na naman ata ako mapapagkamalan na si kuya Lyric dahil sa height difference at wig. Para mas sigurado ay sinuot ko ang cap ni Blake para mabalik ko na rin sa kanya. Sa sobrang paranoid ko nagsuot na rin ako ng salamin at mask. Ayoko talaga mapalibutan ng maraming tao! Nang makalabas na ako sa elevator napansin ko na nasa labas ang mga fans ni kuya. Relax Artemis 'di ka nila kukuyugin for today. Normal akong naglakad sa gitna nila para hindi ako mapansin ang magmukhang weird. "Uy te tingnan mo yung girl oh, mukhang model." "Oo nga no, sayang naka mask 'di natin 'kita yung face." "Ganda ng hair, parang nakita ko na pero 'di ko maalala kung saan sis." "Lakas naman ng dating ni ate girl na yun." Namamawis na ang kamay ko dahil napansin kong tinititigan ako ng mga fans ni kuya. Naririnig ko rin silang nagbubulungan pero hindi ko maintindihan yung pinagsasabi nila sa sobrang kaba ko. Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag nang makapasok na ako sa binook ko na sasakyan. One hour ang biyahe mula sa address na binigay sa'kin ni Blake. Lumantad sa'kin ang isang building na halos kahawig ng building kung saan nakatira si kuya Lyric. Bakit ang daming fans na nakatambay din dito? Jusko talaga! Mabilis akong pumasok sa building pero hinarang ako ng guard. "Good evening po ma'am. Anong floor po kayo and anong unit?" magalang na wika nito sa akin. "51th floor po." Ramdam ko ang mapanuring tingin sa akin ng guard lalo na't naka facemask, salamin at cap pa ako. "Ma'am for verification lang po need po ng I.D niyo po at kailangan po namin makita nag face niyo." saad nito. Grabe naman ang higpit ng security. "Ano po palang name ng tenant na bibisitahin niyo ma'am?" Tiningnan ko muna ang paligid kung may paparazzi ba or fans, nung nakitaan kong safe na ay tinaggal ko na ang mask, salamin at cap na suot ko. Napansin kong napatitig sa akin si kuyang guard. "Si Blake po ng B.L.U.E yung pupuntahan ko kuya." pabulong kong wika habang nahihiya. Iniabot ko din sa kanya ang isang valid I.D ko. "Ma'am Lilian Artemis Parker," basa niya sa pangalan ko. "P-parker as in Lyric Appolo Parker?" excited nitong tanong. "Kuya ko po yun," nahihiya kong sagot. Nang ma-verify niya na kung sino ako ay naging magiliw na ang turing sa akin ng guard.  "Pasensya na po ma'am ah. Marami kasing makukulit na fans na gusto puntahan si sir Blake," sabay kamot sa ulo ni kuyang guard. 'I know the feeling kuya' sa loob-loob ko lang pero 'di ko sinabi. "Ganun po pala, sige po akyat na po ako." "Good evening po ma'am." ngiting-ngiti nito sa akin. Nilagay ko na sa loob ng bag ang mask at salamin, at sinuot na lang ang cap dahil baka magusot sa bag pag pinasok ko. Pagdating ko sa 51th floor ay agad akong dumiretso sa unit A dahil ayon ang nakalagay sa address na binigay niya at pinindot na ang doorbell. "Wait lang," rinig ko ang boses ni Blake na papalapit. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat ako nang bumungad sa'kin ang topless niyang katawan na mukhang bagong ligo. Tanging puting towel lang ang suot niya na pangbaba at nahagip pa ng mata ko ang V line niya. Medyo basa pa ang buhok niya na tumutulo ang iba sa kanyang malapad na dibdib at abs. Naamoy ko din ang mabangong shower gel na ginamit niya. "A-artemis a-anong ginagawa mo dito?" gulat niyang wika at biglang namula ang mukha nang mapansin niya nakatitig ako sa kanya. TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD