"Please don't, you can stay with me sa condo," wika ko habang nakakatitig sa kanya ng diretso. Napansin kong parang namula ng kaunti yung tenga niya at agad siyang nagiwas ng tingin sa'kin.
"Okay," marahan niyang sagot at may kinuha siya na parang bag sa gitnang seat ng kotse.
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya nang iabot niya sa'kin ang bag.
"Yan yung mga pang-disguise ko," ani nito at binuksan ang bag. Lumantad sa'kin ang ibat-ibang uri ng salamin, wig at mga sumbrero.
" Ano ba yan bakit ngayon mo lang sinabi na may ganito ka pala!" wika ko habang pinakekealaman ang gamit na nasa loob.
"Nagtanong ka ba sa'kin?" pilosopong sagot nito sa'kin. "Ito suotin mo," sabay abot niya sa'kin ng wig na pangbabae na blonde ang kulay at may kahabaan.
"Seryoso ka ba Blake? Gusto mo ata na lalo akong mahuli sa ginagawa mo e," medyo napalakas ang boses ko.
"Kaya nga suotin mo to," at tinuro niya ang wig. " para hindi ka mapagkamalan na si Lyric, para 'di tayo mapansin." medyo iritableng sagot nito.
"Okay okay," I sighed defeatedly. Sinuot ko yung wig na blonde at may bangs at pinartneran ko na rin ito ng salamin para matago ang mata ko. "Oh ito naman sa'yo." sabay abot ko kay Blake ng red na wig na may bangs sa harap.
"Okay," walang kaartearteng sagot nito sa'kin. Well that's unexpected dahil akala ko aayaw siya. "Abutan mo din ako ng salamin," wika nito sa'kin
"Ito maganda," saad ko sabay bigay sa kanya ng salamin na pang nerd. Tumatawa na 'ko sa utak ko dahil naiimagine ko ang itsura niya, na ang well known Blake ay magmumukhang ewan for a while.
Sinuot niya na ang ang red wig na may bangs sa harap para matakpan yung peircings niya pati na rin ang salamin. Iba talaga ang appeal ng mga red haired. Juskong buhay 'to bakit nagmukha siyang gwapo na nerdy type sa isang otome game?
"Okay lang ba?" casual na tanong nito sa'kin.
"Okay lang," mahina kong tugon sabay tingin sa labas ng sasakyan. Kailangan ko pigilan ang bibig ko dahil baka masabihan ko siya ng pogi bigla.
"Hello sir? tulog po ba kayo? Paabante naman po ang sasakyan," may pagka iritable na ang tono ng lalaki sa labas. Tinanguan ako ni Blake bago niya buksan ang bintana.
"Hello sir," wika ni Blake pagkababa niya ng bintana. Mukha namang natulala pa yung lalaki nung makita yung mukha ni Blake.
"H-hello din," saad nito na parang nakakita ng anghel sa harap niya.
"Iaabante ko na po yung kotse," magalang na sagot ni Blake. Nang itatas niya na ang bintana ay biglang hinarang ng lalaki yung kamay niya.
"W-wait lang po sir, may agency na po ba kayo?" wika nito na para bang nakahanap siya ng golden treasure.
Alam ko yung mga ganitong tao. Pipilitin nito si Blake hanggant 'di nito nakukuha ang gusto niya. Sasagot na sana si Blake pero bigla ko siyang pinutol "Ehem pasok mo na sa parking lot yung car para makapagpahinga na tayo. Ehem" wika ko sa super cute at pangbabae na boses. Nakita kong nagulat si Blake sa bigla kong pagentra ganun na din ang lalaki na nangungulit.
"Well sorry, my girlfriend needs to rest," at nginitian niya ang lalake at drinive ang kotse pa loob. What the hell girlfriend daw niya ko? My gosh parang umiinit ang paligid. Dami mong pakulo Blake!
"Good day sir, bibisita po ba?" tinanong kami ng guard at lumapit sa bandang side ni Blake. Mahigpit nga pala ang security ng building na ito.
"Hello po kuya," bati ko sa guard at pinakita ang itim na card na tanging mga tenants lang ang mayroon.
"Ay ma'am pasensya na po! Bago lang po kasi ako dito," saad nito habang nahihiyang tumawa.
"Okay lang po kuya," at nginitian ko ito. Nang makapag-park na si Blake agad ko siyang hinila sa elevator dahil baka may nakapasok pa na paparazzi dito sa parking lot.
Nang mag-close na ang door ng elevator doon ko napansin na nakahawak pala ako sa palapulsuhan ni Blake. "Ay s-sorry," sabay layo ko sa kanya ng kaunti. Napansin kong namumula ang tenga niya pero nagiwas lang siya ng tingin sa'kin. Anong probleme nun?
Medyo kampante na ko dahil 'di na kami napapalibutan ng mga tao. Nauna akong maglakad papunta sa pintuan habang si Blake ay nakasunod lang sa likod. Nang iniinput ko na ang code sa pinto, para akong biglang binuhusan ng yelo. Anak ka ng tokwa Lilian Artemis Parker! You invited Blake sa condo ni kuya mo! Para akong nahilo nang ma-realize ko yung meaning ng pag-invite ko sa kanya na mag-stay sa condo.
"Okay ka lang?" wika ni Blake nang bigla niya akong masalo dahil muntik na akong ma-out of balance. Ramdam ko ang malalaki niyang kamay na nakasuporta ngayon sa likod ko.
"O-okay lang, thank you." nahihiya kong sagot at sabay na kaming pumasok sa loob.
Shemaaay anong gagawin ko? I'm with Blake sa loob ng condo at kaming dalawa lang! Pinaupo ko siya sa sofa at hinainan ng mga snacks. Nakita kong tinanggal niya na ang wig at salamin kaya naman ganun din ang ginawa ko. "Thank you nga pala dito." sabay abot ko sa kanya ng wig at salamin. Tinanguan niya lang ako bilang sagot. Bakit 'di ka nagsasalita? Lalo tuloy akong kinakabahan.
"Now explain." seryoso niyang wika habang nakatingin sa'kin yung mapupungay at may pagka-chinito niyang mata.
"Okay," huminga muna ako ng malalim. "I am kuya Lyric's twin sister. Naaksidente siya last week lang at na-damage yung bandang right eye niya. Alam mo naman yung about sa contract na pinirmahan niyo na kailangan magbayad ng 12 times kapag lumabag sa contract..." nakita kong seryoso lang siyang nakatitig sa mata ko kaya lalo akong kinakabahan. " Hindi ko alam kung maiintindihan mo ba yung reason ko pero... We dont have the money para bayaran yung pag-breach ng contract ni Kuya. Ako ang nag-insist na gawin 'to kaya please lang, please keep it a secret hanggang dumating si kuya from New York" determinado kong saad sa kanya.
"'Pano kung ayaw ko?" wiko nito sa akin. Sabi ko na nga ba e! Masama talaga yung ugali niya ugh! Artemis muntik ka ng magpaloko sa mukhang anghel pero malademonyo lalaki. "Wala naman akong mapapala kapag itago ko yung sikreto mo." napansin kong nag-smirk siya.
"B-blake please, akala ko ba mabait ka," wika ko sa kanya na medyo naluluha na.
"Well, I'm not a saint," parang natutuwa pa siya sa nakikita niya. Kairita talaga to! "What can you do for me?"
"I c-cant give you money kasi 'di naman kami mayaman." medyo nahihiya kong sabi.
"I guess I can't keep you secret." wika nito at tumayo at akamang aalis na.
"W-wait Blake," saad ko habang hawak ang hibla ng damit niya sa bandang likuran. Napatagil siya sa paglalakad at hinarap ako. "What do you want?" matapang kong tanong sa kanya habang nakatingala para lang matitigan siya sa mata.
Lalo siyang lumapit sa akin at marahang hinawakan ang mukha ko. Parang lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsitaasan nang magtama ang balat namin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman agad akong napapikit. Amoy ko ang pabango niya. Ito na na ba ang moment nang magiging first kiss ko? 'Di pa ko ready gosh!
"Be my slave." marahang bulong ni Blake sa tenga ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil ang sexy ng boses niya. Jusko Artemis kalma! Marahan ko siyang itnulak papalayo sa akin. Ramdam ko na nagiinit ang pisngi ko sa hiya.
I heard him chuckled. "What do you think Lyri- I mean Artemis?" nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
"H-how did you know? at kailan pa?" curious kong tanong sa kanya. Bumalik naman siya sa sofa at prenteng umupo.
"Lagi kang kinikwento ni Lyric sa'kin." he chuckled. "Na-confirm ko last practice natin.” saad nito na tila ba laro lang sa kanya ang lahat. Kuya Lyric why naman kinekwento mo ko sa iba ugh!
“Papayag ako sa gusto mo basta siguraduhin mong hindi mo sasabihin kahit kanino ang tungkol dito. Lalo na sa ibang members ng B.L.U.E”
“No problem, Artemis,” saad nito habang pinipigilang matawa. Kinuha niya ang kanyang cellphone. “Hey give me your number.”
“B-bakit?” defensive kong tanong.
“ ‘Pano ko mauutusan yung slave ko kung di ko alam number niya?” pangaasar nito gamit ang inosente at gwapo niyang mukha. Gusto ko siya sapakin kaya lang baka mabalita pa ko at mabunyag ang sikreto. Nilagay ko ang number ko sa phone niya at mukhang tuwang tuwa ang loko. Hindi ko talaga ma-gets yung mood nito. Minsan seryoso minsan mapang-asar.
Nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha dahil baka importanteng tawag. “Hey that’s my number, save it slavey.” sabay kindat nito sa’kin.
“Ew slavey, ang corny mo Blake!”
“Ayaw mo ng slavey, anong gusto mo baby na lang?” pangaasar nito pero ‘di ko magawang magalit dahil sa mukha niya. Kainis talaga!
“Joker ka? Slavey na nga lang. Corny mo,” sabay irap ko sa kanya at narinig ko naman siyang tumawa.
"Matulog ka na sa kwarto mo, mapungay na yung mata mo," wika nito sa'kin.
"Okay lang ako, sanay ako sa puyatan. Saka bwisita ka pa rin dito no."
"Don't worry, uuwi na ko para makatulog ka na ng maayos," sagot nito.
"Ha? Uy 'di naman kita pinapalayas," medyo nakonsensya kong sabi. "Baka may mga media pa sa labas?" tanong ko sa kanya.
"Hey slavey where's the remote?" sabay turo niya sa t.v.
"Ito oh," pag-abot sa kanya. Binuksan niya ang flatscreen t.v at may pinindot na kung ano. "Nakikita pala dito yung CCTV sa labas? Hindi ko alam yun ah," medyo amaze kong wika.
"Mas maraming beses pa ata akong nakapunta dito dati kesa sa'yo e," sabi nito.
"Sorry naman po ha," sarcastic kong sagot sa kanya.
"Okay na 'to medyo kaunti na lang ang tao," wika niya habang nakatingin sa t.v
"Magbibiyahe ka e 2 AM na ng umaga? Pwede ka naman matulog dito sa sala," medyo may trauma na ko since naaksidente sa motor si Kuya.
Pinatay niya ang t.v at tumayo. Lumapit siya sa akin at ang liit ko tingnan kumpara sa kanya dahil hindi ko na suot ang customize shoes.
"Gusto mo ba talaga na dito ako matulog?" wika nito sa sexy niyang boses. Inaasar na naman ako ng mokong na ito.
"Syempre hindi, nag-aalala lang ako kasi baka mapaano ka sa daan," saad ko sa kanya. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko or imagination ko lang yun? Tinap niya ang ulo ko na tila ba aso ako sa paningin niya.
"Good girl, don't worry mag-iingat ako sa daan. I can't sleep here na tayong dalawa lang, dahil for sure magagalit si Lyric," he chuckled. Hinatid ko na siya sa may pintuan.
"Sige ingat ka Blake. T-thank you pala sa pag-keep ng secret." tugon ko sa kanya habang hawak ang pintuan.
"You want me to sleep here when you're this adorable?" wika niya habang marahan na pinisil yung pisngi ko. " No need to thank me because you're my slave now." at biglang nag-smirk ito.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.