Chapter 9 - Kind?

1814 Words
"Waah ang dami pa natin episode na 'di napapanood!" sigaw ni Uriel. "Dito na lang kaya kayo matulog?" excited na tugon nito. "Ahmm busy kasi ako bukas Uriel e," wika ko. "Aww, pretty please Lyric and kuya Blake!" pagmamakaawa nito na parang bata at nag-pout pa nga. "Sorry may need din akong asikasuhin bukas ng umaga," sagot ni Blake na 'di man lang naapektuhan ng pagpapa-cute ni Uriel. "Maybe next time." "Okie sabi niyo yan ah! Next time, let's sched na kasma na din si Eros," masayang wika nito.  Masyado akong nadala sa mga cliffhanger na scenes ng anime kaya 'di ko napansin na nakakailang sabi na 'ko ng last episode sa utak pero patuloy pa rin ako sa pagnood. Hindi ko mapigilang mapansin si Blake sa peripheral vision ko dahil check siya ng check sa phone niya. Bakit ba kasi 'di na lang siya umuwi kung busy naman pala siya. Uwi na shooo! Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya agad ko 'tong binuksan habang ang mata 'ko ay nasa screen pa rin. --------- Lyric Appolo Parker :  I thought you're sleeping already. Y are u online? -------- Accidentally kong na-seen ang message ni kuya sa sobrang focus ko sa palabas. Shemay na yan! Ngayon ko lang napansin na mag e-eleven na ng gabi. Sobrang late na baka nag-aalala na sila Ms. Nami sa'kin. --------- Lilian Artemis Parker :  I'm sleeping zzZZzzz Lyric Appolo Parker : ge anime pa, magmumukha ka ng titan kakapuyat. Lilian Artemis Parker : at least I'll meet Levi :p Lyric Appolo Parker : sadly he'll just kill u immediately lil sis. :> --------- Lakas talaga mang-asar ni Kuya kainis! 'Bala siya dyan 'di ko na siya rereplyan. "Guys sorry, need ko na umuwi," wika ko ng pagkatapos ng isang episode.  "Sabagay late na rin e," ani ni Uriel. "pero kung gusto niyo mag-sleep over, just say it guys." Nginitian ko lang si Uriel. Mapilit ka talaga ah. "Excuse me, mag-call lang ako," sabi ko habang tinuturo ang pinto. Agad akong lumabas at tinawagan si Ms. Nami. "Hello po Ms. Nami, pasensya na po medyo late na. Tapos na po kami manood."  "Hello Ms. Parker, actually many things happened and I'm actually at Quezon right now." rinig ko ang maingay na background ng mga tao. "Ah okie nasa Quezon City po kayo, wait ko na lang po kayo dito." Bandang Manila area lang naman 'tong bahay nila Uriel kaya malapit lang. "I mean Lucban Quezon, Ms. Parker." "Lucban as in the province po?!" medyo nagulat ako dahil sobrang late na. "Ano pong ginagawa niyo dyan Ms. Nami?" "Bigla kasi akong tinawagan ng isang director for the upcoming music videos niyo. Ngayon lang kasi siya available e kaya biglaan," halata sa boses niya na medyo pagod na ito. "Ah ganun po pala. Pasensya na po Ms. Nami 'di ko po alam na ang busy po pala ng work niyo as manager ni Kuya." wika ko habang pabulong lang yung last part, syempre baka may makarinig sa'kin. "Baka 'di na kita masundo dyan, gusto mo ba tumawag ako ng driver sa bahay para may maghatid sa'yo?" rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. "Naku hindi na po Ms. Nami, mag-cocomute na lang po ako mag-isa." Assuring her that I'm fine, pero ang totoo hindi. Shemay first time ko magbibiyahe mag-isa sa labas ng gabi at 'di kasama si kuya or si Krista! "Sure ka ha? Sige Ms. Parker ingat ka, text me when you're home." "Sige po Ms. Nami. Ingat din po kayo dyan," then the call ended. Pumasok ako pabalik sa kwarto at maliwanag na sa loob. "Thank you for today Uriel," I said in a lower voice. "No problem Lyric," wika nito. Napansin kong kanina pa pala nakatayo sa gilid si Blake. Ngayon ay hanggang ilong niya na ang tangkad ko dahil suot ko na ang pahamak na sapatos na 'to. "Bye Uriel. See you bro," paalam ni Blake sabay tapik nito sa balikat nito. "Yes yes, ingat kayo. Gusto niyo hatid ko kayo sa gate?" ngiting tanong nito. "Huwag na Uriel, kahiya naman," agad na sagot ko. Please lang, baka makita pa niya na magbobook lang ako ng Online driver tapos bigla akong pilitin mag-overninght. 'Di ako ready! Habang pababa ako sa malawak na hagdan ng bahay ay napansin ko ang family portrait na nakasabit sa dingding. Kasama ni Uriel ang kanyang parents habang nakapormal ang tindig nila. So only child lang pala siya, no wonder parang naghahanp siya ng kuya kay Blake at kuya Lyric. Napansin kong nauna maglakad palabas si Blake. Ilang steps lang niya yung marami kong lakad dahil sa mahahaba niyang biyas. Yes tama yan, umuwi ka na at kalimutan mo na rin ang nangyari ngayon! Pagpupunyagi ko sa utak ko. "Hello ma'am, pauwi na po ba kayo?" tanong ni kuyang guard na nag-drive ng mini car kanina. "Yes po Kuya," magalang kong wika. "Kunin ko lang po yung sasakyan sa parking sir para mahatid ko po kayo sa labas ng gate," at agad na siyang tumakbo paalis. Pagkaalis niya ay agad kong inopen ang Online driver app para makapag pa-book. 25 minutes away pa yung pinakamalapit sa lugar ko at need ko pa lumabas sa gate dahil hindi daw basta-basta nagpapapasok ng kahit sino sa compound ng Monte Carlos. Bale may inner gate sa bahay nila Uriel tapos may outer gate pa na puro garden lang. Pano ko lalakarin yun e gabi na! May biglang pumaradang itim na Mercedes-Benz sa harap ko. Abay yayamanin naman 'to! Kahit wala akong alam sa mga brand or unit ng sasakyan alam ko na hindi pipitsugin ang isang 'to. Nagulat ako ng biglang bumukas ang bintana sa may drivers seat at lumantad ang gwapong mukha ni Blake. I mean ganun ata talaga, like owner like car. "Hatid na kita," wika nito habang nakatingin sa'kin. Ngayon ko lang natitigan ang sideview profile ni Blake. Bakit ang pointed ng ilong? Tapos yung panga ang manly. Life is unfair hays. "A-a hindi okay lang." pagtanggi ko. Shemay ka Artemis ngayon mo pa pinairal yung pride mo! Parang naging instinct ko na tumanggi agad kapag may nag-ooffer sa'kin ng tulong dahil ayokong maging pabigat. Lord sana po tanungin ulit ako ni Blake! Hassle po kasi mag-commute pag gabi tapos katakot pa huhu. One more time! "Dali na," wika nito at agad namang nagliwag ang mukha ko. Thank you Lord! Answered prayer agad.  "Kung mapilit ka, sige na nga,"ani ko sabay bukas ko sa may gitnang pwesto ng sasakyan pero naka-lock. "Hey naka-lock."  "Huwag ka dyan, ano ko driver mo? Dito ka sa tabi ko," wika niya. Hindi ko mapigilang mapangiti, hindi ko alam kung bakit ang weird ko ngayon hays. Umupo ako sa may tabi niya at nagsuot na ng seatbelt. Sakto lang siya magmaneho pero bakit ang tahimik niya. 'Di man lang siya nagsasalita. "Blake ito pala yung addre--" sabay abot ko sa kanya ng phone pero bigla siyang sumingit. "I know, sa condo ni Lyric." seryosong sagot nito. Para 'kong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. 'Pano ba i-handle 'tong situation na 'to?! "B-blake please let me explain. Kapag makarating na tayo sa condo para 'di ka maistorbo sa pagd-drive," sabi ko sa normal kong boses. I surrender, the secret is out. Wala nang nagsalita sa buong biyahe. Habang ako ay nag-reready ng paliwanag sa utak ko para mamaya. I need a strategy!  A. Patuloy pa rin akong mag-dedeny? B. Magmakaawa sa kanya na itago yung sikreto. Mukhang 'di na keri ang choice A dahil ilang beses niya na 'ko nahuli tapos narinig niya na rin ang totoong boses ko. Let's just hope na maging maganda ang resulta ng choice B at pumayag siya. Nangmakarating na kami sa lugar ng condo ni kuya Lyric. Inihinto ni Blake ang sasakyan niya sa harap ng building. Go Artemis kailangan mo na siyang kausapin ngayon. "B-blake can you please kee-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may marinig kaming sigawag sa labas. "Fafi Lyric!! We love you!" "Lyric kyaaah!!" Anak ng tokwa! Hindi ba uso ang pahinga sa mga fans ni kuya. Agad kong nasapo ang ulo ko. Parehas kaming napatingin ni Blake nang may nag-park na TV Station van sa harap ng building. "Hala te, delikado tayo 'pagmakita nila tayo dito. Baka pagkaguluhan ulit tayo ng mga tao," wika ko habang nagsisimula nang mamasa ang kamay ko. Kinakabahan talaga ako pag maraming tao sa paligid. Nang ichechek ko sana ang phone ko, nagulat ako ng maaninag ko ang itsura ko. "Oh no no no, B-blake do you have a mirror here?"  "Ito oh," sambit niya sabay may binaba siya sa taas na kung ano, kung saan ako naka-upo. Ah dito pala ang salaminan. "Thank you." mabilis kong sagot. Pagtingin ko sa salamin ay halos nabura na ang eye make-up ko sa mata na parang eyeliner para maging identical ang itsura namin ni kuya. Ngayon ay round na round at soft na ang itsura ng mata ko. Mata lang ang feature na na halatang magkaiba sa'min ni kuya. "K-kanina pa ba ganito yung itsura ko?" tanong ko kay Blake habang naka turo sa mata ko. "Yes?" tipid niyang sagot. "Why didn't you tell me?" medyo nairita kong sagot. Nagkibit balikat lang siya sa'kin. Habang ako ay nagpapanic na,- sobrang relax pa rin ng lalaking to. Wala akong dala na pangretouch ng make up. Ugh Artemis why?! "I can't be seen like this! Masisira lahat ng pinaghirapan ni Kuya!" medyo naiiyak na ko. "Okay," I heard him sighed. "Lalabas ako dito tapos pupunta ko sa kabilang direction para kapag kaunti na lang yung tao pwede ka ng pumasok sa building." paliwanag niya. "Ha? Kukuyugin ka ng mga fans mo Blake. You dont need to sacrifice for me." wika ko nang biglang may kumatok sa sasakyan niya. "Hello sir? Pwede po bang pakiurong ng kaunti sa harap yung sasakyan niyo para maka-park po kami?" tanong ng isang lalaki na may I.D lace na CNB News. Kapag binuksan ni Blake yung bintana it's all over for us dahil matatanaw kami ng ibang fans na nakatambay sa labas. Ayoko din namang dagdag na utang na loob kay Blake kapag kinuyog siya ng mga fans para lang makapasok ako. "Hello sir?" sabay katok ng lalaking taga CNB News "B-blake mag-stay ka muna sa taas. Hindi na tayo safe sa ngayon." sabay turo sa mga fans na nagsisigaw pa rin at may mga dalang camera. "Okay lang ako, once na nakalayo na ako tumakbo ka na agad sa loob. Suotin mo din 'to." sabay suot niya  sa'kin ng black na cap. Ano ba 'tong lalaking 'to bakit ngayon pa siya nagpakabait? Nang akmang bubuksan na niya ang pinto ay hinila ko ng marahan ang laylayan ng damit niya. "Please don't, you can stay with me sa condo." wika ko. TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD