Chapter 8 - Rat in a trap

1731 Words
Hindi ko inexpect na siya ang tatay ni Ms. Nami dahil sa pormal at malamig na turing nila sa isat-isa. I don’t know what to say to her, kung i-co-comfort ko ba siya or what, buti na lang at may tumawag sa phone ko. Unknown number ito pero sinagot ko na lang para mawala ang awkwardness sa paligid.   “Hello?” panimula ko.   “Hey hey Lyric it’s me!” munitk nang mabasag ang eardrum ko dahil sa lakas ng sigaw ng lalaking ‘to.   “Wait, paano mo nakuha number ko Uriel?” pagtataka ko.   “Tinanong ko si Ms. Nami kagabi, kasi ‘di ka sumasagot sa call ko sa dati mong number.”   “Ahh!” tugon ko at tumawa. “ N-nawala ko kasi yung dati kong sim card, hinahanap ko pa rin hanggang ngayon hehe. So bakit ka napatawag?”   “Nalaman kasi ni mom na in-invite kita ngayon dito sa house kaya nagpa-cater siya ng food bago umalis kanina. Kaya dito ka na mag-lunch.”   “Ha cater? Nakakahiya naman kay tita,” I answered in a low voice while mimicking kuya Lyric. “pero 45 minutes na lang before lunch, baka di ako umabot dyan?” pagdadahilan ko, dahil as much as possible gusto ko na sandali lang sana ako doon. It’s my first time sa bahay ng lalaki na ‘di ko chaperon si kuya Lyric.   “Don’t worry, I won’t eat while you’re not here yet. Alam ko na ayaw mo kumain mag-isa right?” mabait na sagot nito. Shemay na yan! Pati kaartehan ni Kuya sa pagkain alam niya.   “Okay,” I sighed defeatedly. “on the way na ko dyan.” at pumasok na ako sa van at nag-drive na si Mang Kanor.   Huminto ang van sa isang malaking color black na gate. Bakit ang yayamanin ng mga taong napupuntahan ko na bahay this week?   “Goodluck Ms. Parker, tawagan mo lang kami kapag susunduin ka na namin.” at nginitian ako nito.   “Okay po!” masaya kong tugon. “Bye po Ms. Nami at manong Kanor!” Nag-wave sila sa’kin bago tuluyan nang isara ni Ms. Nami ang pinto sa may gitna ng van.   Wooh! This is it. Para akong daga na papasok mismo sa trap, sa gagawin ko na ito. “ Para kay Kuya, Artemis.” pabulong ko sa sarili ko bago ko pindutin ang dorbell. Isang pindot ko pa lang ay agad nang bumukas ang pinto.   “Magadang tanghali po sir Lyric.” bati ng guard sa’kin.   “Good day po, si Uriel po?” I asked in a low voice.   “Ay kanina pa po kayo hinahantay ni sir Uriel.” wika nito at ginuide ako na umupo sa isang Club Car Onward. Sinunod ko lang siya at umupo sa likod ng maliit na sasakyan.   “Subdivision po ba ‘to bakit may pa sasakyan pa po?” curious kong tanong.   “Ay hindi po sir, itong buong lupain po ay pag-aari ng mga Monte Carlos.” magalang na sagot nito. Monte Carlos pala apelido nitong si Uriel, apelido pa lang tunog yayamanin na.   “Lyric!” sinalubong ako ni Uriel pagkababang-pagkababa ko pa lang sa sinakyan ko. “Let’s hang out wooh! Rest day finally! “ magiliw na sabi nito. Naka black short at orange na t-shirt lang siya.   “Yehey!” alanganin kong ani. Inakbayan ako nito na tila ba matagal na niya kong tropa at dinala ako sa dining area nila. “What the he-“ muntik na akong makasabi ng masasamang words ng makita ko ang mga choices of food. Puro maaanghang ‘to!   “Pina-prepare ni mom yung mga favorites mo. Spicy foods!” Umupo na kami sa mahabang dining table.   “T-teka Uriel bakit iba yung ulam mo?” sabay turo ko sa pagkain niyang fried chicken at pizza.   “Hindi kasi ako mahilig sa maanghang e.” at nginitian ako nito ng parang bata. Ako din ‘te hindi kumakain ng maanghang! Gusto ko isigaw sa kanya pero syempre ‘di ko magawa. Pinilit kong kainin ang ang sobrang anghang na pagkain, na halos maduwal na ko.   “Masarap ba?” masayang tanong nito sa’kin.   “Oo hehe” sabay inom ko ng malamig na ice tea. Buti na lang talaga may malamig na ice tea dito.   Thank God naka-survive ako sa pagubos ng mga food na inihanda ng mama niya ng ‘di nasusuka! Dumiretso na kami sa kwarto niya na nasa ikalawang palapag ng bahay nila. Naka fully carpeted ang lapag nito at napakalamig ng aircon. Mayroon siyang malaking flatscreen t.v at comfy na sofa na kaharap nito.   “Finally we can watch Haikyu!” sobrang excited nito.   “Shems maganda ‘to promise!” excited ko ring tugon. Biglang nag-ring ang phone niya at agad niyang sinagot ang tawag at pagkatapos ay agad tumalon sa malaking sofa na kinauupuan ko ang mokong.   Nagsimula na ang palabas at nakita kong tutok na tutok sa t.v si Uriel. Parang bata talaga siya tingnan. Sabay kaming nagtatawanan sa ilang mga scenes nang pag-aaway ni Hinata at Kageyama. Halos nasa kalahati na kami ng season one  nang mapansin ko na madilim na ang langit sa labas.   "Want mo ng snacks?" tanong nito sa'kin. Nakapatay ang lahat ng ilaw kaya naman naaaninag ko lang ang mukha niya.   "Sige bro," I answered in a low tone, sabay napaisip ako kung tumili ba 'ko kanina tuwing nakaka-spike si Hinata. Shems self-control Artemis! Hininto muna namin ang palabas at lumabas si Uriel sa room. Nakaramdam ako ng pangangalay ng paa dahil sa shoes ko na may heels sa loob para lang tumangkad. Okay lang naman siguro tanggalin 'to no kasi nakapatay naman yung ilaw?   Naramdaman ko na nag-vibrate yung phone ko sa bulsa kaya tinignan ko ito. Si kuya Lyric lang pala, nagsend ng picture niya sa'kin sa messenger. Naka peace sign siya habang kita sa background yung Statue of Liberty.   ------------------- Lilian Artemis Parker : Sana all! Kumusta ka dyan kuya?   Lyric Appolo Parker : Ito gwapo pa rin (with smiling emoji)   Lilian Artemis Parker : Eww ( with nagsusuka emoji ) Naka-visit ka na sa hospital?   Lyric Appolo Parker : Yup, they are nice. Nakauwi ka na ba sa condo or nasa labas pa kayo?   "Mother in heaven sorry, kailangan ko magsinungaling," pabulong ko habang nag-iisip na isasagot kay kuya.   Lilian Artemis Parker : Nakauwi na kami kuya and I'll sleep na. Goodnight and take care :>   --------   Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto, kaya agad akong tumayo at iniwan ang cellphone ko sa sofa.   "Wait lang Urie--" masaya kong tugon ngunit naputol ako sa pagsasalita dahil ibang mukha ang bumungad sa'kin nang buksan ko ang pinto.   Hindi pa ma-process ng utak ko ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit nasa harap ko ngayon si Blake at bakit mukhang mas malaki at matangkad siya ngayon kumpara sa last time ko siyang nakita. Dati hanggang ilong niya 'ko samantalang ngayon ay hanggang lalamunan niya na lang ako. Ngayon ko lang napansin ang malawak niyang balikat at matipuno niyang katawan, dahil siguro naka white plain t-shirt lang siya at black pants, pero bakit mukhang galing magazine ‘tong lalaking to?   Shemay! I forgot to wear the customize heels shoes!!!   Nakakunot ang noo niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.   "Why are you doing this?" mahinang tugon nito sa'kin habang  ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba.   "A-ano B-blake, I can explain," kabado kong wika. Sa sobrang kaba ko pati magboses lalaki ay nakalimutan ko na.   "Hey hey hey! Kuya Blake, you came!" sigaw ni Uriel habang papaakyat pa lang sa hagdan.   Agad akong nag-panic at hindi ko na alam ang gagawin ko. "Wait m-my shoes." sabay takbo ko sa sofa kung saan ko iniwan ang shoes ko at mabilis itong sinuot. Papalapit na ang yapak ni Uriel sa kwarto pero isang sapatos pa lang nasusuot ko. Bwisit naman 'to pahirapan isuot!   "Wear your damn shoes," wika ni Blake at narinig kong sinara niya ang pinto.   "Hey why did you close the door Kuya? Ipapasok ko na yung mga snacks," rinig ko ang boses ni Uriel.   "Come with me, let's bring more food," sagot ni Blake    "Oh I see, tama ka kulang sa atin 'tong food," ani ni Uriel at naglaho na ang kanilang mga boses.   Ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba at ang lalim din ng hinga ko. Muntik ka na talaga Artemis! Ito na ba yung sinasabi ni kuya na pagka-careless ko? Oh no, what should I do, alam na ni Blake yung sikreto ko.   "We're back Lyric!" sigaw ni Uriel at pinasok na ng mga maid ang sandamakmak na food.  "Kuya Blake also came because he's not busy today!" sabay upo ni Uriel sa tabi ko at inabutan ako ng chocolate cake.   "Thank you," I answered in a low voice. Muntik na 'ko mabilaukan nang biglang pumasok sa kwarto si Blake na may dalang box of pizza.   "Oh dahan dahan lang baka ma choke ka." at dahan-dahan niyang tinapik ako sa likod.   "O-kay na 'ko, thank you." mahina kong tugon kay Uriel. Nagulat ako nang biglang umupo sa gitna namin si Blake at nagsimulang kumain ng pizza na parang walang nangyari.   "Anong pinapanood niyo?" tanong nito.   "Haikyuu, kuya," sabay inom ni Uriel ng shake. Medyo nagdidikit ang balat namin ni Blake kapag bigla-biglang lumulundag si Uriel sa mga nakakagulat na part. Hindi ko na ma-enjoy yung palabas  katulad ng kanina dahil baka bigla na lang magsalita 'tong katabi ko about sa sikreto. I hope not.   "Hindi ko alam na mahilig ka rin pala manood ng anime kuya Blake!" wika ni Uriel habang sumusubo ng fries.   "Ngayon lang din ako nahilig manood ng anime e," sagot nito at tingnan ako. Dahil sa magkatabi kami, amoy na amoy ko yung pabango niya. Shems! Ayokong pansinin ang presensya ng katabi ko kaya nag-focus na lang ako sa palabas. Ang pogi talaga ni Kageyama shemay! May time pa na sabay kaming sumisigaw ni Uriel tuwing hindi nasasalo yung bola ng mga taga Karasuno team, samantalang si Blake dedma lang.   Sa totoo lang bakit ba siya nandito? Mukhang ‘di naman siya nage-enjoy.   "Waah ang dami pa nating episode na 'di napapanood!" sigaw ni Uriel. "Dito na lang kaya kayo matulog?" excited na tugon nito.      TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD