" Seryoso ba 'to?" Merong 28 Million followers si Blake at hindi lang 'yun ang nakakagulat dahil ang karamihan ng mga post niya ay about sa charity sa mga needy na tao. Napansin ko ang latest post niya na two days ago lang. Sa picture ay parang nasa garden siya kasama ang maraming bata habang kakulitan niya ang mga ito. Mukhang nagmigay siya ng school supplies.
---------------
blakeA.C : Let us make a better world for the children. I want to thank all my fans for agreeing to contribute for this project and for making these children happy. :)
10 000 678 Likes
---------------
Ang taray ng caption pang mother theresa ang peg! Ano to baitbaitan sa media? Pero nung nabangga ko siya ang pangit ng ugali! Nagtingin ako ng mga comment, for sure may mga tao din na nakakita na ng totoo ugali ng Blake na 'yun.
"Hate comments where are you?" mala demonyo kong tawa. I-hheart ko talaga yung mga hate comments sa kanya.
Kris67Love : Waah fafi Blake why so kind :
EllaKela : We want to spoil you too with expensive gifts pero kung dito ka talaga masaya :( We love youu Blake fafi!
JinngFblue : I Love youu akin ka na lang plthh hihi
B.L.UEfandom : SUPPORT KAMI SA 'YO OUR DARK ANGEL BLAKE!!!!
eRoPok: Sakalin mo kooo Dark Knight blakeee. Yummy abs. ehe!
Kumunot ang noo ko habang nag ii-scroll sa mga comment. "Asan na yung hate comments?" hindi ko mapigilang tumaas ang kilay dahil hindi ako makapaniwala na ako lang ang nakakaalam sa evil side ni Blake.
___
Nakaramdam ako na may madahang tumatapik sa braso ko.
"Mama?" bulong ko habang wala pa rin sa katinuan.
"Ms. Parker gising na" sabi ng isang mahihinhin na boses. Nakaramdam muli ako ng tapik. " Ms. Parker three hours na lang aalis na ang kuya Lyric mo."
" Aalis si Kuya? " pagsasalita ko habang tulog.
"Yes to New York"
Para 'kong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko ang sinabi ni Ms. Nami. Agad akong napaupo sa pagpapanic na nagresulta ng pagsakit ng aking ulo.
"Dahan dahan lang Ms. Parker. " at inalalayan ako ni Ms. Nami sa pagtayo. "Bakit ang laki ng eyebags mo? Nagpuyat ka ba kagabi?"
" Opo kaka-stalk," sabi ko habang nakahawak sa ulo. " I mean may chineck lang ako kagabi."
" Ms. Parker nagdala pala ako ng food galing sa bahay. Kain ka na , nakahanda na yung food."
" Waah! Thank you po Ms. Nami!" Naamoy ko yung ham hanggang dito sa kwarto sabay naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura. Binilisan ko kumain at agad naligo dahil excited na ko makita si kuya Lyric. Buti na lang may mga damit na ini-stock dito ang fairygoshmothers ko at tinuruan din ako ng simple make up na pang everyday look ni kuya. Pinili kong suotin ang hoody na color black na tinernohan ng black pants at costumize converse na may patagong hills sa loob.
" Ms. Parker suotin mo to." at inabot niya sa'kin ang black na cap at black na facemask. "Need natin mag-ingat para walang makakilala sa'yo." agad ko sinuot ang mga ito at bumaba na kami sa kotse. Hindi ko alam kung nasaan kami pero nasa harap kami ngayon ng isang napakataas na building. Kulay grey at puro salamin ang exterior nito. Napansin ko din na puro super formal corporate attire ang mga lumalabas na tao mula dito.
"Ms. Parker dito tayo." Nasa unahan ko siya habang hawak niya ako sa palapulsuhan. Naka corporate na all black din si Ms. Nami ngayon samantalang naka casual clothes lang ako pero all black din kaya naman nagbblend kami sa mga tao sa paligid.
" Ano pong ginagawa natin dito? Baka palayasin tayo dito," sabay linga ko sa paligid dahil pang ibang class ang building na ito pati rin ang mga tao, mukhang mayayaman ang mga taong naglalakad sa hall.
"Good morning po ma'am Nami." nagulat ako ng biglang mag bow ng sabay-sabay sa harap namin ang sampung lalake na naka tuxedo at merong white na gloves.
"Good morning. Dumating na ba? " tanong ni Ms. Nami habang ako ay nakanganga pa rin dahil di ko ma-process ang mga nangyayari.
" Yes ma'am dumating na po ang personal airplane exactly ten minutes ago."pormal na sagot ng isang lalake nakasalamin at mukhang ka edad lang namin.
"Thank you Tim." sabay ngiti ni Ms. Nami at sumakay na kami sa elevator.
"Ms. Nami ano yun?" hindi ko mapigilan ang pagtatanong ko habang umaakyat na ang elevator.
"Ah mga butler ng family namin."
"Seryoso butler? Wow. " I'm so speechless dahil sa nalaman ko. All this time akala ko sa anime lang nag e-exist ang mga butlers pero now I know totoo sila! Sabagay kung mayaman naman sila having a butler is not impossible.
Pagbukas ng elevator nakita ko ang pamilyar na anyo ng isang lalalking nakatalikod.
"Kuya Lyric!" I shouted at agad na lumapit at yinakap siya.
"Artemis.." rinig ko ang pagkatuwa sa boses niya. Humiwalay na ako sa pagyakap at agad niyang ginulo ang buhok ko. "You cut your hair?" rinig ko ang pagbago ng tono niya.
"Yes Kuya!" masaya kong tugon dahil ayokong maging malungkot ang paghihiwalay namin ni kuya Lyric dito. " Ang maalaga kasi ng long hair kaya nagpagupit ako" pagdadahilan ko.
"I'm sorry Artemis, I know how much you like your hair to be long just like mom's." kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit nakabenda yung kaliwang part.
"Ano ka ba kuya! Lagi ko pa rin namang naalala si mama kahit na maikli na yung buhok ko." Umupo muna kami sa sofa sa waiting area habang kita namin sa window glass na kausap ni Ms. Nami yung pilot at mga guards ng airplain.
"Bakit mukhang tumagakad ka ata?"
Proud kong pinakita sa kanya yung suot kong shoes. "Customize to! Ang laking help talaga ng mga fairgoshmothers ko." Pero kahit naka heels na ko hanggang mata pa rin ako ni kuya Lyric. Don't tell me tumangkad siya or maliit lang talaga ako kahit may heels.
"Anyway Artemis, huwag ka masyadong didikit sa mga kabanda ko ha. Babae ka pa rin kahit magpanggap ka. Napaka careless mo pa naman." mukhang stress na tugon. ni Kuya.
"Grabe ka na naman sa'kin!" well may point siya pero ayoko magpatalo sa asaran no. " You don't need to worry Kuya, I can handle myself." at kinindatan ko siya
Umakto siya na mukhang nandidiri. "Basta 'di pa rin ako panatag. I'm thankful dahil alam kong ginagawa mo to para sa'kin pero kung dumating yung oras na ayaw mo na," kita ko ang pagkaseryoso sa ekspresyon ni kuya Lyric, " sabihin mo lang sa'kin dahil I will deal with the consequences dahil problema ko 'to."
I want to tell him that the reason that I'm doing this is for him to rely on me too. Simula ng mamatay si mama siya na ang tumayong parang magulang at the same time ay kapatid sa akin. Magkasing edad lang naman kami though mas matanda siya ng ilang minuto, kaya naman gusto kong ibalik yung favor sa kanya.
" Lagi ka na lang nago-over think Kuya! Saka nandyan naman yung mga friends mo to help me."
Sinenyasan kami ni Ms. nami na pwede na kaming pumunta kung saan naka park ang airplane sa gitna ng malawak na rooftop ng building na ito.
"Nami thank you for everything." wika ni kuya sa babaeng kaharap niya na hanggang balikat lang niya.
"You know I am always here." matamis na ngiti ni Ms. Nami kay Kuya.
Teka ano ba 'tong nasasaksihan ko? Ako tong kinikilig para sa kanila e.
Niyakap ako for the last time ni kuya Lyric at umakyat na siya sa hagdan ng airplain. "Don't worry Artemis he will come and take care of you." wika ni Kuya bago siya tuluyang makapasok. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni kuya dahil sa tunog ng. makena ng airplain.
"Yes kuya I love you too!" sigaw ko dahil tinatalo ng tunog ng makena ang boses ko. Hinintay namin ni Ms. Nami na makaalis ang airplain bago kami bumalik sa loob ng building.
"Ms. Parker oh," sabay abot sa'kin ni Ms. Nami ng bottled water.
"Thank you po," at tinanggap ito. "Ms. Nami pwede po bang magtanong, medyo personal po." nahihiyang kong tugon.
"Sure, I don't mind" ngitian ako nito at uminom na siya ng tubig.
"May relationship po ba kayo ni kuya?" bigla siyang naubo dahil sa tanong ko. Agad naman siyang kumuho ng tissue at classy na pinunasan ang kanyang bibig.
"Actually no.... we're just...f-friends."
Gusto ko pa magtanong kaya lang nahihiya talaga ako saka baka sabihin tsismosa ako. Well I can say medyo.
Nang palabas na kami ng building nagulat ako dahil andaming body guard na nakahilera sa daan. "Good morning Mr. De Loughrey ." sabay-sabay na wika ng mga bodyguard at buttlers na nasa floor. Ito ang pinaka grand entrance na nakita ko for this year! Agad akong nagtago sa likod ni Ms. Nami nang mapansin kong papalapit sa amin yung Mr. De Loughrey.
"Ms. Nami baka palayasin na tayo dito," mahina kong bulong habang nakakapit sa hibla ng damit niya.
"What brings you here?" aniya ni Mr. De Loughrey habang nakatitig sa'kin sabay lipat ng tingin kay Ms. Nami. Shemay na 'yan kinabahan ako!
"I just send off a friend." pormal na sagot ni Ms. Nami.
"Okay," malamig na tugon nito at nilagpasan niya na kami ni Ms. Nami. Nang makalabas na kami ng building ay doon pa lang ako tuluyang nakahinga.
"Ms. Nami sino po pala yung kausap niyo kanina?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis na dulot ng kaba kanina.
"Oh it's my dad," malungkot na sagot nito.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.