"Ms. Nami!" pagsigaw ko habang umiiyak habang nasa loob pa rin ng c.r ng boys pero ni-lock ko na ang pinto.
"Oh bakit? Anong nangyari?" agad tanong nito sa kabilang lilnya pagkasgot na pagkasagot niya ng tawag ko sa phone.
"Ms. Nami buko na tayo! It's all over," mahina kong bulong habang naf-frustrate sa mga nangyayari.
"Ha? Bakit naman tayo nabuko? Ano ba nangyari at nasaan ka?" halata ang pagpapanic sa boses niya.
"Nasa c.r po ako ng boys. Nahuli akong natagusan ni Blake!!!!"
"HA?!"
Dumating si Ms. Nami sa c.r na may dalang pants at pads. "Explain mo nga sa'kin lahat ng nangyari," aniya nito habang hinihilot ang ulo niya.
Habang nagpapalit ako sa loob ng cubicle ay kinekwento ko sa kanya ang mga nangyari. "Sorry po huhu paano na tayo ngayon." Lumabas ako sa cubicle at nakita kong dala na ni Ms. Nami ang bag na naiwan ko sa bandang sofa.
"Huwag ka mag-sorry Ms. Parker. It's normal na matagusan. Ang naiisip ko lang na paraan ay need nating pakiusapan si Blake na huwag sabihin ang totoo."
Mabilis kaming bumalik sa pinagkainan namin kanina at hindi ko nakita si Blake.
"Hey hey Lyric bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Uriel habang nakaupo sa sofa.
"Asan si Blake?" nagmamadali kong tanong. Hindi pwedeng mabunyag yung sikreto namin. Ayokong mabaon sa utang si kuya Lyric at masira ang career niya.
"Ah kanina pa umalis. Nagmamadali nga din siya habang may kausap sa cellphone."
"HA?! Don't tell me..." Hindi ko mapigilang maimagine ang worst case scenario. Bakit siya nagmamadali at may kausap sa phone? Baka reporter na yung kausap niya tapos binunyag niya na nagpapanggap ako.
"Lyric kailangan na natin umalis may next appointment ka pa," pormal na wika ni Ms. Nami at kinindatan ako.
"Ay oo nga pala! Naku baka ma-late tayo sa next appointment." sabay pagmamadali kong martsa paalis. "Bye everyone, ingat sa pag-uwi!" bati ko kanila Eros at Uriel.
"Bye!" rinig ko ang mga tinig nila.
Pagkapasok namin sa sasakyan ay para akong lantang gulay dahil sa stress kaba at halo-halo kong nararamdaman. "Ms. Nami what are we going to do? Baka isumbong na tayo ni Blake."
"Let's hope na hindi sabihin ni Blake yung nalalaman niya. Mula naman sa pagka-observe ko sa kanya ay hindi siya yung uri ng tao na magsusumbong sa press."
"Bakit ngayon pa ako nagkaroon kas-" nagulat ako nang biglang nag-ring ang phone ko. Pag-check ko ay si Krista ang tumatawag.
"Hello sis! Nandito ako sa labas ng condo mo may dala akong favorite mo na pizza!" masayang bati nito mula sa kabilang linya. Lagot, hindi ko nasabihan si Krista na wala ako sa condo ngayon. Bawal ko din naman sabihin sa kanya na nagpanggap ako as kuya Lyric.
"Hala! A-ano namasyal kasi kami ngayon ni k-kuya s-sa park! oo sa park! Sorry hindi kita nasabihan agad huhu!"
"Hmmm ikaw nasa park?" rinig ko ang pagdududa sa boses niya. Waah sana 'di niya mapansin. "Sa wakas na isipan mo na din lumabas! Sayang ang beauty!"
"Sorry talaga! Bawi ako next time libre kita ng favorite mo Kr-"
"KRISPY KREME YEHEY!" excited na sabat nito. "Ay oo nga pala check mo yung email ko sa'yo about sa new offer sa'yo."
"Okie okie. Sige byee!"
"Ciao Artemis!" at naputol na ang linya. Wah mama nagsinungaling na naman ako! Hindi 'ko talaga maiwasan mautal kapag nagsisinungaling. Nagagalit pa naman sa'min si mama kapag nagsisinungaling kami ni kuya. Sorry mama wala akong choice huhu. Para kay kuya Lyric din 'tong ginagawa ko.
"Ma'am Nami nandito na po tayo." wika ni mang Kanor. Hindi ko man lang napansin yung biyahe dahil sa kaba ko sa pag-iisip ng mga worst case scenario. Nakatigil na ang kotse sa harap ng building. Madilim na rin ang langit at nagliliwanag ang building ng condo ni kuya na pra bang sinasabi na pang mayaman ang lugar na ito.
"Ms. Parker hindi na kita maihahatid sa taas kasi need ko asikasuhin ang pag-alis ng Kuya mo bukas."
"Ay okay lang po Ms. Nami! Pahinga na rin po kayo." Inayos ko na ang damit ko at nagrereready na umarte as kuya Lyric paglabas ng sasakyan dahil may mga fans na nagtatago sa paligid ng building ni kuya. Just to be safe.
"Yung lock code pala sa condo ng Kuya mo is birth month at date ng birthday niyo."
"Okay po Ms. Nami thank you!" Hinintay ko muna umalis ang sasakyan bago ako pumasok sa loob ng building. Nagkunwari akong maangas na naglalakad ng bigla akong harangin ng matangkad na guard. "B-bakit po?" kabadong wika ko.
"Ser Lyric!" Agad akong nakahinga ng maluwag nang makita siyang nakangiti. Akala ko papalayasin ako e. Phew! "Tagal ko kayong di nakita ser!"
"Busy po" sagot ko sa malalim na boses at ngumiti.
"Ito nga po pala yung mga padala sa inyo ngayon." sabay bumungad sa'kin and dalawag cart na punong puno ng regalo. Christmas na ba? Ano meron? "Tulungan ko na po kayo maghatid nito sa taas ser?" magiliw na tanong ni kuyang guard. Tiningnan ko ang ang nakasulat na pangalan sa uniform niya.
"Ay huwag na po, ako na lang po! May elevator naman po. Salamat kuya Berting!" sabay tulak ko sa dalawang cart.
"Magandang gabi ser! Salamat po pala sa autograph tuwang tuwa po yung anak ko."
"W-welcome po," at agad nang pumasok sa elevator at doon pa lang nakahinga ng maluwag. Masyado nang marami ang nangyari sa araw na 'to parang gusto ko na lang humilata sa kama, kaya lang need ko pa gumawa ng isang chapter para sa update ko this week. Hirap kong tinulak ang dalawang cart na puno ng regalo hanggang sa may pintuan ni Kuya at agad in-input ang 0-4-1-9. Parang ang dali masyado hulaan ng passcode ni kuya kasi birthday namin hmm buti na lang mahigpit ang security sa baba kaya mukhang safe naman kahit mag-isa lang ako. Binuksan ko ang ilaw at ibinagsak ang katawan ko sa malambot na 3 seater sofa.
"Finally! I can re-" masaya kong sabi nang biglang mag-ring ang phone ko. Caller i.d ni Ms. Nami ang lumabas kaya agad 'kong sinagot ang tawag.
"Hello Ms. Parker okay ka naman dyan mag-isa?"
"Yes po keri naman po," halatang pagod na ang boses ko.
"Ask ko lang kung dumating na ba dyan yung mga gifts ng fans ng kuya mo?" Dumiretso na ako sa kwarto at binuksan ang aircon. Grabe ang ganda ng city lights. Pangmayaman talaga yung view.
"Ay opo. Dinala ko na po dito sa loob. Bakit po?"
"Ano kasi, tuwing natatanggap ni Lyric yung gift ng mga fans niya laging nagpipicture si Lyric pang IG story para magbigay ng thank you sa mga fans. Baka kasi magtaka yung mga fans niya kapag hindi siya mag-update." Medyo maingay yung background ni Ms. Nami.
"Paano po ang gagawin? Hindi po ako marunong mag selfie e." nahihiya kong sabi. Kahit pa sarili kong phone puro picture lang ng anime yung makikita niyo dahil sobrang mahiyain ko.
"I understand. Pasensya na rin ha, alam kong pagod ka na din e. Kahit siguro buksan mo na lang yung ibang gifts tapos pagsamasamahin tapos picturean mo na lang."
"Sige po, mas okay po yun para 'di ko na po need magpakita sa camera hehe," I chuckled.
"Tapos lagyan mo na lang ng caption na 'Thank you my angels' then blue heart emoticon. Ayun kasi ang tawag ng kuya mo sa mga fans niya e."
Hindi ko napigilang mapatawa dahil sa ka-cornyhan ni kuya. "Sige po Ms. Nami pero saan ko po pala i-popost? Hindi ko po alam yung password ng account ni kuya e."
"Sa i********: account lang ng Kuya mo. Okie send ko na lang sa'yo yung details through text. Sunduin na lang kita dyan tomorrow, goodnight Ms. Parker."
"Okay po. Goodnight din." at natapos na ang tawag.
Pahinga who, Artemis?
Tinanggal ko ang ang mga regalo ni kuya sa cart. Iba-iba ng siza merong malaki , maliit, yung iba naman ay sobrang bigat tapos yung iba magaan. "Sorry kuya, bubuksan ko na yung mga regalo mo huhu." Grabe parang Christmas! Medyo naeexcite din ako magbukas ng gift kahit hindi ito sa'kin. Dinala ko sa kwarto ni kuya lahat ng gift at isinandal ito sa glass window kaya kita ko ang magagandang citylights harang nagbubukas ng regalo. Nag-start muna ako sa pinakamaliit na box hanggang sa papalaki para 'di ako ma-shock. Blue theme lahat ang balot ng regalo.
"Hala grabee!" hindi ko mapigilang mapasigaw dahil isang mamahalin na relo ang nakita ko. Rolex ang brand ng color black na box ,at color silver ang relo. "Shook ang bigat ng relo." Next kong binuksan ay yung mas malaking box at tumambad sa'kin ang isang rubber shoes. "Testoni Men's Dress Shoes." Basa ko sa box ng sapatos. Wala naman akong alam sa mga branded na gamit. Naka limang bukas na ako ng box at puro mga sapatos ulit ito na ibat-ibang itsura. Ang angas ng mga fans pati size ni kuya alam nila. Kinuha ko ang pa-square na box at binuksan ito. Tumambad sa'kin ang Gucci na box. "Jusko dai...." Sa loob nito ay meron color black na bag. May bag din akong parang ganiton pero 800 pesos ko lang nabili sa tiangge.
Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng litrato ang nagkukumpulang regalo. Ang iba ay nabuksan na samantalang ang karamihan ay hindi pa. Hindi na kinaya ng powers ko buksan ang lahat. Kasama sa pagpicture ko ang magandang city lights view ng mga nagtataasang building sa labas. Binuksan ko ang message ni Ms. Nami.
-----
From: Ms. Nami
email: LyricAppoloParker@starmail.com
Password: ReaParker0810
caption " Thank you my angels FOLLOWING
Urie_L
blakeA.C
Eros :>
StarWorldCompany
-----
Clinick ko ang account ni Uriel at napansing meron siyang 22.9 Million na followers. Ini-scroll ko ang mga feed niya at punong- puno ito ng mga pa-cute niyang selfie. Meron ding group pic ng B.L.U.E na mukhang galing sa cover ng magazine yung picture. Napansin ko yung mga beach photos niya na puro naka topless at kita ang abs niya. "Aba bulky naman ng batang 'to" May picture pa siya na nagsusurf.
Next kong clinick ang account ni Eros na meron 23.2 Million followers. Napansin ko na halos lahat ng tagged photos niya ay puro nasa club o kaya nasa ibang lugar pero palaging may mga babae na nagpapapicture. Chinceck ko ang feed niya at halo-halo ang nakalagay dito mayroong picture ng pagkain , kuha ng magandang view at mga picture niya sa photoshoot. "Aba model pala!" Kita kong sa mga picture kung gaano kahaba ang biyas niya. Napansin ko nga sa practice kanina na mas matangakad pa siya kay Blake.
"Ohhh 195 cm? Seryoso?!"
Nakita ko sa caption sa isang picture na nakasandal siya sa pader. Isang trademark ni Eros sa mga picture niya ay yung smile niya na parang naka smirk. Yung parang smile ng villain na masama pero gwapo.
"Okay tapos na 'ko mang-stalk!" Nilapag ko na ang phone 'ko at nagtaklob ng kumot. Pinikit ko ang mata ko pero hindi ako makatulog. Pagulong-gulong na 'ko sa malambot na kama pero hindi matanggal sa isip ko ang pagka-curious kay Blake. Stalk ko na rin kaya siya since lahat naman ini-stalk ko e? Wala naman masama doon diba?
Agad akong umupo at sumandal sa mamalki at malambot na kumot sa kama at kinuha ang phone ko na nakapatong sa side table. Clinick ko ang account ni Blake at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.