Chapter 5 - Sus

2088 Words
Nanlalamig na  ang kamay ko at sinabayan pa ng peste kong puso na nagwawala sa kaba. "A-ano," kinakabahan kong sagot. Hindi ko pwede sabihin naligaw ako dahil mabubuko niya agad na 'di ako si kuya Lyric kapag ganoon. Artemis mag-isip ka, writer ka diba? "N-nagpapahinga lang a-ako." sabay iwas ko ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang malamig niyang titig sa'kin kaya naman pinagpapawisan na ko. "Lyric!" sigaw ni Ms. Nami habang hingal na hingal. Napansin kong napatigil siya nang nakita niyang nakatingin sa akin si Blake. "Tara na sa practice room kanina pa kita hinahanap e." sabay hila niya sa akin patayo. "Oh Blake! Kanina ka pa pala hinahanap ni Uriel." tugon ni Ms. Nami. "Okay," sagot nito at umalis na. Mabilis itong nawala sa paningin namin dahil sa mahahaba niyang biyas. "Grabe Ms. Nami! Muntik na 'ko doon buti na lang po dumating ka!"  "True Ms. Parker." pansin kong seryoso ang mukha niya. "Dapat ma-convince mo si Blake sa practice na ikaw si Lyric para hindi na siya maghinala pa." Pagkarating namin sa practice room ay nasa kanya-kanyang instrumento na sila. Si Blake ay tinotono ang gitara habang si Eros  naman ay naka upo na sa may drums. Si Uriel naman ay nagb-bass guitar na kahit hindi pa nakasaksak yung wire sa amplifier. Dumiretso ako sa pwesto ng keyboard at kinalikot yung settings nito para maging pamilyar ako. Nakita kong tumango si Ms. Nami sa labas habang kasama niya yung mga sound engineer at ang manager ng buong banda na si Mr. Chris. "Tapos na ba kayo mag sound check?" tanong ni Blake na ngayon ay nakaharap sa aming tatlo habang hawak ang gitara niya at inaayos ang height ng mic stand niya. "Yes kuya!" masayang sagot ni Uriel. "Yup," wika ni uriel habang nilalaro ang drum stick niya. "Opo," mahina kong sagot na para bang ipinagtaka niya saglit,  at saka tumingin kaagad sa ibang members. Bakit? May mali na naman ba kong nasabi o nagawa? Napansin kong pumasok si Mr. Chris. "Hi mga cutie!" kinikilig na bati niya sa amin. First time ko lang siya ma-meet ngayon pero buti na lang ni-lecturean na ko ni Ms. Nami about sa kanya. Ang lakas makaagaw pansin ng suot niyang polo na neon green. May pagka malaki din ng konti yung tyan niya at meron siya maikli pero kulot na buhok pero ang pinaka tumatak sa'kin ay ang nunal niya sa gitna ng noo. Nilapitan niya kami isa isa at may inabot na papel. "Thank you sa time niyo mga cutie kahit na alam kong ang b-busy ng schedule niyo. Yan pala ang kanta na nirequest ni Director Dalton. Alam niyo na namang 'di tayo makakahindi dahil under ang B.L.U.E ay under ng Star World Company." hindi pa rin maalis ang tingin ko sa noo niya dahil mukhang dinikit lang yung nunal niya. "No problem Mr. Chris!" parang batang sagot ni Uriel habang inaayos ang strap ng bass guitar. "Fly me to the moon yung nirequest niyang kanta mga cutie. Naayos na rin ng music director natin yung chords na sakto sa pitch ni cutie Blake." sabay kindat nito kay Blake samantalang 'di ma man lang siya pinansin nito. "Sige bye na mga cutie!" at lumabas na ito sa pintuan. Bumalik na ulit sa pwesto ang lahat. Nasa gitna naka pwesto ang drums habang nasa dulong left si Uriel na mag b-bass. Ako naman ay nasa right ni Eros. Si Blake ay naka harap sa'min habang hawak ang gitara niya at mayroong mic stand. Kinakabahan ako sa pwesto namin dahil kitang kita niya yung mukha ko. Dapat tumalikod na lang siya sa'min e! Kainis naman! "Ganito yung gagawin natin. Una Lyric." wika ni Blake sa'kin habang nakatingin sa papel na nakapatong sa stand sa harap niya. " Tayong dalawa muna." sabay seryoso nitong tingin sa'kin. Kinakabahan ako tuwing nagtatama ang mga mata namin. HA ANONG TAYO May kami?! Teka nga Artemis pakalmahin mo nga yang assuming mo na utak! Kapag writer talaga ang daming scenario na pumapasok sa utak  gosh! "T-tayong d-dalawa?" nahihiya kong tanong. "Oo" habang nakadirekta pa rin sa'kin ang mapanuri na mata ni Blake. "Keyboard at vocals muna sa first verse dahil medyo solemn pa sa umpisa" tiningnan naman niya sina Uriel at Eros. " Sa second verse papasok yung drums, guitar at bass. " Halata ang pagka-professional nito sa kanyang mga kilos. "Yes sir!" pabirong sagot ni Uriel at Eros pero halata mo na may kasamang respeto sa tono ng pananalita nila. Ang swerte ko naman today kasi Fly me to the moon yung kanta. Noong buhay pa si mommy lagi namin 'tong tinutugtog sa piano kasama si kuya Lyric. Kaya keri 'ko itong i-play kahit nakapikit ako.  Mama I miss you, this is our favorite song. "Okay lets start," aniya ni Blake sabay tango sa'kin bilang senyas na umpisa na. Nag intro muna ako sa umpisa para may guide si Blake sa pitch niya. Medyo nac-conscious din ako dahil sa mga titig niya arghh! Medyo mabagal pa ang tempo sa umpisa dahil wala pang drums, nang tapos na ako mag-intro ay tinanguan ko pabalik si Blake bilang senyales nang pagpasok niya ng kanta. "Fly me to the moon Let me play among the stars"   Tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Ang manly ng voice niya na para kang hinehele. No wonder kung bakit sobrang sikat ng bandang B.L.U.E dahil ganito yung vocalist.  "Let me see what spring is like on A-Jupiter and Mars"  ramdam ko yung mga titig niya sa akin habang kumakanta. Ang bilis nang t***k ng puso ko. Nanlalamig na rin yung kamay ko. Artemis ano ba nangyayari sa'yo? First time ko makaramdam ng ganito. Kabado much? "In other words, hold my hand"  Nagulat na lang ako sa sarili ko dahil nakatitig na  ako sa kanya. Para bang kusang gumalaw yung katawan ko para titigan siya. Natatakot akong tingnan siya dahil baka maalala niya na ako yung nabunggo niya pero ayaw makinig ng puso ko este mata! ANONG PUSO? HOY ARTEMIS GUMISING KA! Pigilan mo yang sarili mo. As a writer I believe na ang pagkakagusto na base lang sa itsura ay 'di magandang pundasyon. Kaya gumising ka babaita ka! "In other words, baby, kiss me"  Alam kong kaya siya nakatitig sa'kin dahil sinasabayan niya yung timing ng keyboard ko pero 'di ko mapigilang mabighani sa may pagka chinito at brown niyang mata. Para bang gusto ko titigan ito buong araw. Saka bakit ang pointed din ng ilong niya tapos yung lips niya may pagka pinkish tapos mukhang masarap halika- este picturean. Tapos meron siyang parang tuldok na sobrang liit na nunal sa ilalim ng right niyang mata na nakakadagdag ng appeal sa mukha niya, kaya lalong naeemphasize yung pagka-chinito niya. Pinakyaw niya na lahat!  Ang unfair naman ng mundo hays. Bigla akong nagising sa pagd-day dream ko nang biglang pumasok ang drums , bass at gitara nang sabay-sabay. "Fill my heart with song and let me sing forevermore"  Ang galing din ni Eros at Uriel tumugtog. Ang gagwapo nilang nilalang tapos magaling pa sila sa music. Talagang malalaglag ang panty ng kahit na sinong babae sa kanila. "You are all I long for All I worship and adore"  bumalik ang tingin ko kay Blake na ngayon ay nakapikit at feel na feel ang kanta. Pano niya nagagawang maggitara at kumakanta nang sabay tapos nakapikit? Ikaw na talented! Noong nagpaulan siguro si Lord nang talent sinalo niya lahat.  I feel happy na makasabay sa tugtugan nila pero I know that I don't belong here. I'm just here temporarily. I'm a fake Lyric. "In other words, please be true In other words, I love you" nagulat ako nang biglang dumilat si Blake. Nagkatitigan kami! Gosh nakakahiya nahuli niya kong nakatitig sa kanya. Sobrang bilis nang t***k ng puso ko. Ramdam ko rin ang paginit ng pisngi ko. Agad akong umiwas nang tingin sa kanya at nag-focus na lang sa pag-keyboard. "Waaah! Tapos na rin tayo!" sigaw ni Uriel. "Ang ganda ng ginawa mong intro kanina Lyric!" sabay lapit nito sa'kin. "Mga cutie nagpaorder ako ng snacks tara na dito!" pagaaya ni Mr. Chris habang inaayos ang burger, fries at box ng pizza. "Yes food!" at agad tumakbo si Eros sa malaking sofa kanina. "Thank you Mr. Chris!"  pagkindat niya dito. "Thank you Mr. Chris," sabay kuha ko ng hawaiian pizza at umupo.  "Welcome Eros and Lyric cutie!" ngiti nito sa amin na parang kinikilig. Phew! Safe ako dahil mukhang 'di niya halata na 'di ako si kuya Lyric. Galing talaga ng fairygoshmothers ko sa pagaayos sa'kin! "Kuya Blake drinks oh!" wika ni Uriel Blake sabay tumabi inuupuan ko. "Thanks." sabay upo ni Blake sa single sofa na kaharap namin. Kaharap ko na naman siya! Paano na 'ko nito! Relax Artemis keep calm! Don't let your guard down. "Waah! Wednesday na pala bukas!" gulat na sabi ni Uriel habang nakatingin sa calendar ng phone niya. "Kagulat ka naman bro!" pagtawa ni Eros habang may subo na fries. "Sorry hehe!" at agad nag-peace sign ito kay Eros. "Lyric remember your promise last week?" sabay akbay sa'kin ni Uriel. Nagulat ako sa ginawa niya. Lagot hindi ko alam yung promise sa kanya ni kuya. Tumingin ako kay Ms. Nami na nakaupo sa gilid at binigyan niya ako nang  'di 'ko rin alam look.  "P-promise?" at tumawa ako para kunwaring alam ko ang sinasabi niya habang inaalis ang pagka-akbay niya sa'kin. "Diba inaya kita last week sa bahay kasi manonood tayo ng anime tapos sabi mo next Wednesday free ka. Waah don't tell me nakalimutan mo huhu!" sabay pa-cute nito habang naka pout. Parang clingy na bata pala 'tong si Uriel. "AH! Oo nga pala!" ani ko, nagulat ako nang seryosong nakatingin sa'kin ang malapusang mata ni Blake. Oh no! Baka makahalata siya. Para bang inoobserbahan niya lahat ng kilos ko. "So tuloy ka sa house bukas?" may pa-puppy eyes pa ito sa gilid ko. Jusko! Kung wala lang si Blake sa harap ko na mukhang nagdududa na aayawan ko 'tong si Uriel e! Bukas yung alis ni kuya e! Tiningnan ko si Ms. Nami tapos binigyan niya ko nang ' mag agree ka na lang para walang magduda ' look. "Oo naman! Medyo naging busy lang kaya nawala sa isip ko" alanganin kong tawa sabay inom ng malamig na ice tea. "Yehey! Yehey!" sigaw nito na parang bata na napagbigyan sa gusto niya. Binilisan 'ko kumain at agad pumasok sa boys c.r. para wala akong makasabay. Sinilip ko muna kung may tao, ba buti na lang walang kalaban sa loob. Agad akong naghugas ng kamay nang biglang sumulpot sa gilid ko si Blake.  "Kagulat ka naman b-bro!" Binilisan ko magbanlaw ng kamay. Nasa left ko siya at dahil sa simoy ng aircon naamoy ko yung pabango niya. Ang manly ng amoy pero hindi ganoong katapang, sakto lang. Mas matangkad pa rin siya sa'kin kahit may hidden heels 'tong white shoes ko. Parang nasa 190cm siya tapos yung kamay niya di hamak na mas malaki sa'kin.  Agad akong kumuha ng tissue at naglakad na dahil ang awkward. "Lyric." wika ni Blake habang nagbabanlaw na ng kamay pansin ko sa peripheral vision. Napatigil ako sa paglalakad. Argh bakit na naman Blake kung kelan palabas na 'ko eh!  "Galing ka ba sa hospital noong isang araw?"  tanong nito sa mababang boses habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Buti na lang nakatagilid ako sa kanya kaya 'di niya makikita yung gulat at nagppanic kong mukha.  Parang huminto yung puso ko sa kaba. "H-ha? Never akong pumunta ng ospital no! Masyado akong healthy para magkasakit, " mabilis kong sagot. Narinig kong pinatay niya yung faucet at kumuha  siya ng tissue. "Ah okay." wiki nito at nilagpasan ako. Bago siya tuluyang makalabas sa pinto ng c.r ay tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ko nilingon. Napatigil din tuloy ako, ayaw ko kasi dumikit sa kanya.  "May tagos ka sa likod," sabi ni Blake sa malalim na boses.  At agad na kong iniwan nito mag-isa. Ano ulit sabi niya? Ako may t-tagos? Ang lakas ng trip niya ah! Kairita siya! Hindi magandang biro iyon ha! Kailan ba ko last nagkaroon? Agad akong tumalikod sa salamin at sinilip ang pwetan ko at kulang na lang ay mahimatay na ako sa gulat ng may makita akong bakas ng konting regla sa maluwag kong light grey na jagger pants. OH MY FRICKING GOSH! MAMA! KUYA!  PARA NA KONG PINATAY SA KAHIHIYAN!  AYOKO NA SA EARTH! TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD