SA gitna ng kadiliman ng gabi ay nakikipag paligsahan ang mga luha ko sa pagpatak ng malakas na ulan. Hindi ko rin alintana ang basang-basa ko ng kasuotan at patuloy lang ako sa pag-iyak at marahan na paglalakad sa gilid ng kalsada. Bakit? Bakit ganito ang nangyari? Bakit ang inaasahan kong langit na pinagsasaluhan sana namin ngayon ni Xander ay tila naging isang impyerno? Ano na ang gagawin ko ngayon? Mukhang seryoso ang galit ni Xander sa akin at baka hindi na niya ako mapatawad. Animo wala sa sarili akong nagpatuloy sa paglalakad. Kung saan ako pupunta ay hindi ko pa alam. Sa takot ko kay Xander ay tama lang akong nakapagbihis ng maluwag na t-shirt at pantalon. Ang balak ko sana ay puntahan si Norlyn kaso hindi ko pala nahingi sa kanya ang address ng bahay nila. Noong tawagan ko nam

