ALAM kong walang mangyayari sa akin kung iiyak na lang ako ng iiyak, magmumukmok sa isang tabi at kaaawaan ang sarili. Hindi titigil ang pag-ikot ng mundo para sa akin. Lalong hindi natatapos ang responsibilidad ko sa pamilya ko at mga bayarin namin dahil lang sa broken hearted ako. Isa akong breadwinner, ako lang ang tanging inaasahan ng pamilya ko. Kaya kahit mahirap ay kailangan kong kayanin. Tumingala ako sa langit kasabay ng malalim na buntong hininga. “Laban, Itang! Kailangan mong bumangon sa pagkakadapa. Hindi ka pwedeng mapagod at sumuko dahil kailangan ka ng pamilya mo,” mahina kong kausap sa sarili ko. Nilapitan ko si Gavin. Nasa gazebo ito at abala sa kung anumang ginagawa nito sa iPad niya. Linggo ngayon at wala itong pasok sa opisina kaya nasa bahay lang ito ngayon. “G-

