NAKARAMDAM ako ng kurot sa puso ko habang iniikot ko ang paningin ko sa opisina ni Xander dito sa mansyon niya. Ilang araw pa lang ang nakakaraan, sa mismong silid din na ito nadurog ang puso ko, ang gabi kung saan narinig ko ang pinakamasakit na mga salita mula kay Xander. “Have a seat,” nag-uutos na wika ni Xander sa akin habang tinuturo ang sofa sa isang gilid ng silid. Kung galit pa rin ito sa akin ay hindi ko alam. Pormal ang mukha nito at hindi ko makitaan ng anumang emosyon. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero sobrang miss ko na siya. Kung hindi nga lang ako natatakot na itulak niya ay baka tumakbo na ako sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Tsk. Ang tanga lang ng puso ng ate niyo Itang. Ininsulto at pinagtabuyan na ako’t lahat pero heto ako at nag-uumapaw pa rin

