Xander’s POV NAPAIGTAD sa pagkagulat ang sekretarya kong si Alice ng masigawan ko ito dahil sa pagkakamali sa meeting schedules ko ngayong araw. “Ilang taon mo na ba itong araw-araw na ginagawa at ngayon mo pa talaga napiling magkamali, Alice? Parehong importanteng kliyente ang pinagsabay mo ang oras ng meeting schedule ko sa kanila. Ano hahatiin ko ang katawan ko para mapuntahan ko silang dalawa sa parehong oras?” “S-Sorry. Pasensya na talaga. Tatawagan ko na lang si Mr. Zamora para i-adjust ang schedule ng meeting niyo. Huli na kasi noong makita ko na may meeting ka rin pala kay Mr. Samaniego sa parehong oras” “What are you waiting for, christmas? Go, get out of here!” “Yes sir, sabi ko nga po lalabas na ako…” anito at halos takbuhin ang pinto palabas ng opisina ko. Tamang pal

