Chapter 8 6

1537 Words

NAGISING ako ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Babaliwalain ko na lang sana iyon at patuloy na matutulog ng maalala ko kung anong araw ngayon. Anak ng tinapang tanga na pumasok sa lata! Lunes nga pala ngayon at unang araw ko sa trabaho bilang trainee sa Laurent Apparel. Jusko naman Itang, sa dami ng araw na tatanghaliin ka ng gising ay ngayon mo pa talaga napili? Paano naman kasi sa dami ng mga bagay-bagay na tumatakbo sa isip ko kagabi ay halos umaga ng sumuko ang mga mata ko at nakatulog. At sa katangahan pa ng ate niyo Itang dahil sa sobrang antok ko pa, kaninang tumunog ang alarm clock ko ay wala sa sarili ko itong pinatay at bumalik ulit sa pagpikit. Salamat na lang kay haring araw at ginising niya ako kundi ay baka unang araw ko pa lang ay masisante na agad ako. Dali-dali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD