NAGPAALAM ako kay Mommy Aurora na tatanggapin ko na ang trabahong inaalok sa akin ni Gavin na maging design trainee sa Laurent Apparel. Hawak ang kamay ko habang nakaupo sa wheelchair niya ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Mommy Aurora para sa akin. “Go for it, Ellie. I’ll support you!” anito kasabay ng marahan na tapik sa kamay ko na hawak nito. Sa sinabi ni Mommy Aurora ay namilog ang mga mata ko. “Talaga po? Pinapayagan niyo po ako?” “Ano ka ba… Bakit naman kita hindi papayagan? Anong akala mo sa akin, witch mother in law? Iyong tipo ng beyanan na laging dapat siya ang nasusunod at pakialamira sa relasyon ng anak at manugang niya?” may halong biro pa nitong turan. “Ehe. Hindi naman po ganun. Kaso po baka…” “Baka hindi mo na muna maging priority ang pagbibigay sa akin ng apo

