Allie’s POV ANAK ng baklang tipaklong. Umagang-umaga na-stress ako sa pamilya ko sa Rosario. Paano ba naman iyong hudas na asawa ni tita Carla nagdala pa ng kaguluhan sa pamilya ko. Sa bahay na rin kasi namin siya nakatira. Pinatira nila ng hindi sinasabi sa akin. Kung hindi pa ako umuwi sa amin ng ma-ospital si Mommy Aurora ay hindi ko pa malalaman. Itinago nila sa akin dahil baka daw magalit ako. Ayon kay lola dumating daw at sinuyo si tita Carla. Nangakong magbabago na at hindi na uulitin ang mga maling ginawa nito sa asawa’t mga anak niya. Ayun si tita Carla na mas marupok pa sa kahoy na ipil-ipil bumigay naman agad. Magaling na kasi ang mga pasa niya kaya biglang nagka-amnesia at nakalimutan ang pananakit sa kanya ng asawa niya. Wala naman sanang problema sa akin yun. Maganda na

