Days and nights were not the same as how it was the firts time I came here. Sobrang laki na ng improvement, he have his weekly session and check up, consistent siya. Masayahin na rin siya ngayon. Sobrang laki ng ipinagbago niya. He recovered day by day.
Dahil sa magandang balita ay napabisita si Sir Terrence sa amin. He did not bring any maids with him. Ang sinabi niya'y mahirap maghanap ng katulong lalo na yung mapagkakatiwalaan.
We all agreed na ako na muna ang makakasama ni Giovanni for the mean time hanggang sa makahanap siya ng bagong katulong. Pagkakataon na rin ito para sa akin na mapalapit lalo kay Giovanni. Pero hindi ko maikakaila na natatakot ako. Natatakot sa kung ano man ang maging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol sa kasal namin. Na wala naman siyang ka alam alam na ikinasal na pala siya.
"Aasahan ko ang galit niya dahil niloloko ko siya." ani ko.
Nasa Library kami ni Terrence. Maghahating gabi na. Tulog na si Giovanni. Habang ako gising pa rin. Gabi gabi kong iniisip ang magiging reaksiyon niya.
"Aasahan natin ang galit niya kapag nalaman niya ang totoo. Pero asahan din natin na maiintindihan niya tayo." He sigh. Tila ba pareho kaming bigo sa kung ano man.
"K-kumusta nga pala 'yung ex-wife niya? Hinahanap pa rin ba siya?"
Tumango si sir T.
"She's here in Germany."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nandito siya? Nandito yung babaeng una niyang minahal?
"Refrain on going out. Para hindi niya kayo makita." Tumango ako.
"Oo nga pala. Kumusta ang estado niyong dalawa?"
I forehead knot.
"What do you mean?"
"Seems like you are falling for him. Hindi ka mag aalala sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang ikinasal siya sa'yo."
I inhaled deeply. I did not respond to what he was saying. Kasi, alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako. We did not start good the first time he saw me but eventually.
"Hindi ko pa masasabi."
"Siguro, kapag nainlove siya sa'yo baka hindi siya magalit."
Nagkibit balikat ako. Siguro. Hindi ko alam kung dapat ko bang panghawakan ang sinasabi ni Sir Terrence.
-
Hindi nagtagal si sir. He remind me about refraining to go out because Giovann's ex wife was looking for him. Kasa kasama nito ang ina ni Giovanni.
Giovanni knows about it. Ilang beses na pala niyang nakita sa cctv footage ng mall dito sa Germany na siya mismo ang may ari.
Her mother was so entitled to command the employees. Palagi daw nitong bukambibig ang pangalan ni Giovanni, na anak niya raw ito kaya may karapatan siya sa Mall na iyon. Hayst. What kind of mother is she?
"Huwag niyong susundin ano man ang gusto niya. Pagbayarin niyo siya sa lahat ng binili niya. Let everyone know." Saad niya. May kausap siya sa kanyang cellphone. Galit ang mukha niya at muling itinuon ang pansin sa monitor ng laptop. He was looking for the cctv footage from the mall. Since he is the owner he have the access kahit nasa bahay lang siya. A woman in her fifties wearing a sophisticated dress, an expensive bag. May kasama itong isang magandang babae.
"Bakit ganyan ang mommy mo? At yung kasama niyang babae siya ba yung ex wife mo?" Tanong ko sa kanya.
Hinarap niya ako.
"Yes she was my wife. I let sign the divorce. And since she signed the prenuptial agreement she recieved nothing from my wealth."
"Naupdate na ni Terrence na hindi na kasama si Mommy sa makakatanggap sa yaman ko kapag namatay ako. She got crazy and excited about my wealth that's why she wanted me dead." Bumuntong hininga siya. "That's how greedy she is."
"Iba iba pala talaga ang ina no? Sa mama mo hindi niya deserve magkaroon ng anak na gaya mo." He's face softened.
"Ikaw, tell me about your mother."
"Si Mama. Okay naman, may times na ang sungit meron din namang times na mabait. Kontento na siya sa buhay niya. Makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay okay na sa kanya. Ipinagpapasalamat niya araw araw ang grasyang natatanggap niya. Kahit ano pa 'yan. Sayang nga lang hindi niya man lang naranasan ang karangyaan. She was born poor and died poor."
Nothing change to her life. But she's happy. Kahit na nagkasakit si Mama ay hindi siya nagalit sa diyos. Ipinagpasalamat niya bawat araw na nakagising siya. Bawat araw na nakakain kami at nakapasok ako at makapgtapos.
-
"Sabi ni Sir T. Kailangan bawasan natin ang paglabas. Baka makita tayo ng nanay mo at asawa mo." Usal ko bago ako humigop ng sabaw ng tinola. Malakas ang buhos ng ulan mula kaninang hapon. Nagrequest siya ng tinola kaya iyon ang niluto ko ngayong hapunan.
"Someone can do the groceries for us. Tatawagan ko siya bukas."
"Hindi ba nila alam ng mama mo ang address nitong bahay?"
"Hindi. This is not my house. It's Terrence. They know my house in Hamburg but not here in Berlin."
Tumango tango ako.
"But knowing Amber and my Mom susuyurin nila buong Germany mahanap lang ako." He shook his head. Ganoon pala talaga ka desperado ang dalawang tao na iyon.
After our meals naghugas ako ng pinggan. Nauna siyang umakyat sa second floor. Matapos kong makapaghugas ng pinggan ay umakyat na rin ako sa second floor since nandoon din ang kwarto ko. Pinalipat niya ako sa kwartong katabi ng kwarto niya para mabilis niya akong matawag kung may kailangan siya.
Saktong paghawak ko ng seradura ng bigla na lang namatay lahat ng ilaw. Kasunod ang malakas na pagkidlat at pagkulog. Napaigtad pa ako sa gulat ng bumukas ang pinto ng silid ni Giovanni at lumabas siya.
"Are you okay?" He ask.
Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa madilim na paligid ay alam kong bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Okay lang ako. Kukuha lang ako ng kandila."
"S-sama ako." Ani niya. Then in an instant, naka hawak na siya agad sa balikat ko.
"May bagyo ba?"
"Yeah."
Sinamahan niya ako hanggang sa kusina. Tinungo namin ang aparador kung nasaan ang mga kandila at lighter. Nang mahanap ko ang kabinet ay agad akong kumuha ng isa at sinindihan agad iyon para magsilbing ilaw namin.
We took two candles. Tig isa kami habang paakyat ulit sa second floor.
"T-takot ka ba sa dilim?"
Tanong ko sa kanya. Nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ko. I can feel the pressure.
"Yeah. I have trauma. Ikinukulong ako ng Mama ko noon sa storage room as punishment."
Napahinto ako at tumingin sa kanya. We stop walking in the middle of the hallway. Just a few step and we will reach his room. I can see his weak side. Para siyang maamong tupa. Malayo sa Nakasimangot na Giovanni noong unang pagdating ko dito.
Our hands enterwined.
"Sasamahan kita sa silid mo." I smiled at him he's awra suddenly.lit up. Para bang isang malaking bagay ang sinabi kong iyon.
Iyon ang isang desisyon na hindi ko inaasahan na magpapalalim pa pala lalo ng nararamdaman ko para sa kanya.
Because this cold night. Becomes unforgetable.
-