Hindi agarang nakapagpadala ng katulong si Sir Terrence. Hindi tumuloy yung katulong na inirekomemda ni Manang Fe dahil nagkaroon ng emergency. Inataki ito sa puso at kasalukuyang nasa ospital. Ngayon kailangan ni Sir maghanap ng panibago.
At dahil diyan nanatiling ako ang nakatoka sa lahay ng gawaing bahay. Which is natural lang naman dahil asawa ako. Asawa ako ni Giovanni Salazar pero hindi niya alam.
Hayst
We become casual 'till we talk like we were friends living in one roof. May times na magkasama kaming nanonood na dalawa ng horror movies, minsan tinutulungan niya akong magluto. Masaya akong nagkakasundo na kami sa lahat ng bagay.
"Naghihimutok ka na naman." Saad ko habang nakatingin sa kanya. As usual, kinukuha ko ang lalabahin na damit niya. Habang siya nakaharap na naman sa Laptop niya.
"May binabasa ako."
"Monthly reports ba?"
Tumango siya ng hindi ako nililingon. Nacurios ako kaya lumapit ako sa kanya. I saw the line going down.
"May problema ba sa kompanya mo? Bakit biglang bumaba?"
"This was the report from the last month. Ang sabi ni Terrence sunod sunod na bagyo daw ang dumating kaya madalang ang customers."
"Okay lang 'yan. Atleast ngayon umakyat na ulit ang sales. Hindi naman maiiwasan ang pagbaba lalo na kung may mga di inaasahang pangyayari."
"Tama ka naman doon." He shrugged his shoulder. Binuhat ko na ang laundry basket.
"Maglalaba na ako." Paalam ko hindi ko na hinintay pa ang sasagutin niya dahil mabilis akong lumabas ng silid.
-
Pasado alas tres ng hapon na ako natapos sa paglalaba. Nilabhan ko kasi yung mga bed sheet. Sobrang laki at bigat dahil makapal. Parng nauubos ang lakas ko.
Para akong lantang gulay na napaupo sa kama ko. Sa wakas, nakapagpahinga rin. Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako.
Pag gising ko maayos na akong nakahiga sa kama, hindi na nakabitin ang dalawa kong binti, may kumot na rin ako. Napakamot ako ng ulo dahil sa labis na pagtataka.
Paglingon ko ng bintana, napamura ako ng wala sa oras.
"G-gabi na?" Mabilis pa sa alas kwatro akong bumaba ng kama at lumabas ng silid. Hindi ko pa nagagawang ayusin ang buhok ko. Nakabuhaghag lang ito. Hinayaan ko na't kailangan kong makapag luto ng hapunan.
Pero hindi pa man ako nakakarating sa kusina ay may naamoy na ako.
Mabango. Amoy masarap.
Napahinto ako saglit ng malapit na ako sa pintuan ng kusina. Nang silipin ko nandoon sa loob si Giovanni. Nakasuot ng apron, may hawak na kutsilyo, habang nakasalang sa kalan ang kaha at naka on ang rice cooker.
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko al na marunong pala siyang magluto.
"Huwag mo kong titigan ng ganyan, baka isipin kong may gusto ka sa'kin."
Napakurap ako. Ano daw?
"Ang cute mo sa Apron. Bagay pala sa'yo ang pink." Ani ko. Lumapit ako sa counter top. At tiningnan ng maigi ang niluluto niya. Mas lalo kong naamoy ang mabangong aroma ng menudo. Hindi rin siya makalat.
"Marunong ka palang magluto?" Tanong ko.
"Nana Fe taught me." He plainly answered. Pinatay niya ang kalan ang kumuha ng mangkok. Nagsalin siya doon at saka humarap sa akin.
He wickedly smiled at me.
"Pustahan tayo."
"Pustahan na ano?"
"Na kapag masarap ang luto ko o hindi."
"O, ano naman magiging pusta?"
"Ikaw."
Saglit akong napahinto.
"Ako?"
"Yeah."
"I mean, ikaw anong gusto mo? Vacation, money or whatever. You choose."
Napaisip ako.
"Paano kung matalo ako?"
"I'll think about the price later."
"Talaga lang ha."
He place the bowl of menudo in front of me. Sa itsura pa lang nito nakakatakam na. Paano na lang kung natikman ko? Talo na ako sa pustahan namin.
Ano kaya 'yung price na hihingin niya.
Kagat labi akong nagsandok ng sa platito. At ng tikman ko hindi ako agad na nakaimik. Kasi naman. Ang sarap! Talo ako sa pustahan namin! Naman!
"Ano masarap diba?"
Tiningnan ko siya ng maigi. He just smiled at me. Telling me that he really won to our bet.
"Hindi." Sambit ko ng natatawa. Agad na nawala ang ngiti sa labi niya. "Akala ko pa naman masarap na masarap. Parang ordinaryong menudo lang."
Hindi na maipinta ang mukha niya. Ibinaba na rin niya ang mangkok na may lamang menudo. He looks so pissed, kaya bago pa man siya magalit nag peace sign na ako.
I smiled fakely. "Joke lang. Busangot ka na agad."
Kinuha ko ang mangkok at nagsandok ulit. But this time, I took a spoonfull of memudo tapos ipinatong ko sa kanin saka ko kinain. I was so busy eating. Hindi ko inalintana ang titig niya. Para akong patay gutom.
"Yummy right?"
"Yeah. Kaya kumain ka na."
Naupo siya sa tabi ko. We both eat, savoring the menudo. Ngayon lang ulit ako nakakain ng menudo. Hindi ko na maalala yung huling kain ko nito.
-
"Parang gusto kong mamasyal bukas." Ani niya. Nasa silid niya kami at kumakain ng popcorn habang nanonood ng conjuring. Ganito na kami ka komportable sa isa't isa. Nakadapa ako sa kama habang siya naman ay nakaupo at nakasandal sa head board nitong kama.
Pareho kaming napapasigaw sa takot sa tuwing nagpapakita si Valak. Jusko! Parang lalabas na ang puso ko sa ribcage ko.
"Saan naman?"
"Anywhere. Bagot na ako dito." He muttered. "F*ck!" He suddenly shouted. Napaigtad pa ako dahil sa bigla bigla niyang pagmumura. "Ang panget niya!"
Tukoy niya kay Valak. Parang ewan. Para siyang bata. Naramdaman ko pa ang pagkuha niya ng unan sa paanan ko.
Hindi ko namalayan habang nanonood kami, ay nakatulog ako bigla.
-
I woke up feeling heavy. Parang may nakadagan sa akin na kung ano. Iminulat ko ang aking mga mata. Babangon na sana ako pero hindi ko magawa dahil sa nakadagan sa bewang ko.
Nang alisin ko ang kumot doon ko napatunayan na braso pala ni Giovanni ang nakadagan sa akin.
Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko kita ang pagmumukha niya.
Inalis ko ang pagkakasantay ng braso niya. Pero agad din niyang ibinalik sa bewang.
"Sir Gio. Gising. Magsasaing na ako ng pang agahan." I poke his arm. Pero imbes na lumuwag e tilas mas lalo pang humigpit.
"Sir." I called him. But I recieved no response.
"Sir—"
"Mamaya na, matulog ka muna." Itinulak niya ako pahiga. Napalunok ako.
Hindi ko to inaasahan. Hindi ako dapat magreklamo dahil asawa naman niya ako. May karapatan siya. Pero siya wala akong karapatan, dahil hindi naman niya alam na ikinasal kami.
Sana mapatawad mo ako Gio, patawarin sa ginagawa kong kasalanan. Sana.
-