014

1130 Words
Unti unti nararamdaman mo ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Panay na ang paglabas niya ng silid. Nakikisalo na siya sa amin ni Manang Fe. Noong unng sahod ko siya mismo ang nag abot sa akin ng isang ATM card. He said that my salary was in that ATM and I should spend it wisely. Hindi ako magastos na tao. I divided the money into four. Unang una sa ipon ko, pangalawa sa insurance, emergency funds and then sa everyday needs ko. Hindi naman ako maluho and I only spend the money on important things. Nakasanayan ko na 'to dahil sa buhay namin ni Mama noon. Natuto akong magsinop dahil may pangangailangan kami. Hindi ako pwedeng gumastos ng ura urada dahil may mga mas kailangan kaming unahin. Bumili ako ng iilang damit na pambahay lang. Hindi ko na kasi kailangan bumili ng shampoo at ilang personal na gamit maliban sa tampon dahil libre sa bahay. "Hindi ko kabisado ang lugar. Gusto ko sanang magbukas ng panibagong bank account." Ani ko. Nasa silid niya ako. Kinukuha ko ang mga lalabahin niyang damit. "For what?" "Kasi nag iipon ako? Hindi naman ata habang buhay na magtatrabaho ako sa'yo. Ipangtatayo ko sana ng coffee shop sa Pinas." Ngumiti ako. Simple lang na negosyo iyon. May alam ako sa pagbabarista dahil minsan na rin akong nagtrabaho sa isang coffee shop, nag aral din ako nito noong bakasyon sa TESDA. He was facing his laptop. Typing something. Ng masilip ko monthly reports pala ng kompanya niya. "Oo nga pala. Kelan mo balak na bumalik sa trabaho?" Tanong ko. Hindi siya agad na sumagot. Sa ngayon masasabi ko na unti unti na kaming nagkakasundo sa mga bagay bagay. Minsan may mga tinatanong ako sa kanya tungkol sa buhay niya. Pero hindi ko magawang itanong kung may kilala ba siyang Scarlet noong bata pa lang siya. "Hindi ko pa alam. Terrence won't let me. My ex-wife is still looking for me." Hindi ako nakaimik. I almost forgot. Asawa niya nga pala ako. Hindi nga lang niya alam. Bumuntong hininga ako. "Lalabas na ako." Paalam ko. I heard him hummed. Nang baybayin ko ang hallway patungo sa hagdan ay nahulog ako sa isang malalim na pag iisip. I was so happy that finally nagkakasundo na kami. Hindi na niya ako sinusungitan. Hindi na malamig ang pakikitungo niya sa akin. Sana huwag magbago kung darating ang araw na malalaman niya ang totoo. - "Uuwi muna ako sa Pilipinas. Kailangan ko munang asikasuhin ang kapatid ko. Wala kasi ibang makakapag asikaso sa kanya kundi ako lang." "E, Manang Fe paano ako?" Wala sa sarili kong tanong. Nalulungkot ako sa biglaang desisyon ni Manang Fe. "Magpapadala si Terrence ng bagong katulong na kasing edad ko. Huwag kang mag aalala. Isa pa, magkasundo naman na kayong dalawa." Napalunok ako. Mag dadalawang buwan na ako rito. Sobrang biglaan ng desisyon ni Manang Fe dahil may sakit na cancer ang kapatid niya. Wala itong anak dahil kagaya ni Manang Fe ay matandang dalaga din ito. Nang sumunod na araw lumarga na agad si Manang Fe. Though hindi ko magawang makaramdam ng tampo at lungkot. Parang blessing in disguise din ang pag alis niya. Kasi mabibigyan ako ng chance na pagsilbihan si Giovanni. Ayos na rin ang pananatili ni Manang Fe sa Pilipinas matanda na siya. Sa edad niyang iyon dapat ay nagpapahinga na lamang siya. Naghain na ako sa mesa ng kanin at ulam. Hindi ako gaanong maalam sa pagluluto. Pero tinuruan ako ni Manang Fe. Mas gusto ni Giovanni ang pagkaing Pinoy kesa German food. Pero may times din naman na nagluluto si Manang Fe ng Hermanong recipe. Nakatikim na ako ng Schnitzel (breaded meat dish), Bratwurst (grilled sausage), Sauerbraten (marinated beef) Spätzle (homemade noodles) Currywurst (sausage with spicy ketchup. Natutunan lahat ng yun ni manang Fe dahil sa isang Recipe book. Isang simpleng adobong manok lang ang niluto kong ulam. Dalawang takal ng bigas lang din ang niluto ko. Dalawang tao nalang kami ngayon. Hindi na kailangan ng maraming kanin dahil hindi naman mahilig si Giovanni sa kanin. Matapos kong makapag handa ay umakyat ako sa taas. I knock on the door and called him. Wala akong nakuhang sagot sa kanya. My forehead knotted. Ilalapit ko na sana ang tenga ko sa pinto ng bigla na lang itong bumukas. Nawalan ako ng balanse at muntikan ng matumba. I was closing my eyes. I was reasy to feel the cold floor and the painful impact. Pero iba naman ang naramdaman ko. A cold wet body. Nang ibuka ko ang mga mata ko at mag angat ng tingin ay nagtatakang mukha ni Giovanni ang bumungad sa akin. "What the hell are you doing?" "W-wala." Umayos ako ng tayo at nagkamot ng batok. "N-nakahain na ang tanghalian." Lumunok ako ng dalawang beses bago nag baba ng tingin pero agad ko ring itinaas pabalik dahil nakatuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya. Para akong mahihimatay. "B-bumaba ka na lang, hintayin kita sa baba." Tumalikod ako at agad na naglakad pabalik ng kusina. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya nagpaypay ako gamit ang kamay ko. Nang marating ko ang kusina ay doon na ako nakahinga ng maluwag. Seeing his broad chest, biceps and triceps was not new to me. Napaliguan ko na siya noon pero hindi naman ako naapektuhan noon. Pero bakit ngayon ganito ang epekto niya sa akin? Urgh! Ano bang nangyayari sa akin? Ang lakas ng kabig ng dibdib ko. Kanina parang nagslow motion ang lahat. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya pero mas hindi ko kayang imaginin ang nakatago sa likod ng tuwalya. Malaki kaya? Damn it! Ano bang iniisip ko? - Wala akong imik habang nasa hapag. Naglalaro pa rin sa isip ko ang namumutok niyang muscles. Though sakto lang naman ang laki pero ang ganda kasi tingnan. Ang kinis ng balat niya, lalo na habang dumadaloy ang tubig sa katawan niya dahil bagong ligo siya idagdag pa ang bango niya. "What's wrong with you?" Napaangat ako ng tingin dahil bigla siyang nagtanong. "Wala naman bakit?" "Ang tahimik mo." "May iniisip lang." "Oh? May isip ka?" Bigla akong napaubo. Inabutan niya ako ng tubig na agad kong tinanggap at ininom. "Ano'ng problema mo?" Naiinis kong tanong. "Pesti ang sakit ng lalamunan ko." Bulong ko. Napalingon ako sa kanya ng tumawa siya ng mahina. At muli, parang biglang huminto ang mundo. Nawala lahat ng nakapaligid sa amin. Siya lang ang nakikita ko. Umiiling iling siya habang nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti rin. For almost three months. Mula ng dumating ako mabigat ang awra niya. Palaging galit. Palaging naiinis. Pero gayun pa man hindi maikakaila na gwapo siya. Kahit na nakabugnot ang mukha gwaponpa rin. And at this moment, I realize. I am falling for him. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD