Maaga akong nagising kaya maaga akong lumabas ng silid. Nasa kusina na si Manang Fe at nagluluto ng Arozcaldo. Sobrang bango ng pagkain, nakakatakam. Tahimik akong lumapit sa kanya at tiningnan ang niluluto niya. Kompirmadong arozcaldo nga. Namiss kong kumain nito.
"Good morning po manang." Bati ko sa kanya. Nginitian niya ako bago niya tinikman ang niluluto.
"Maaga ka ngayon a."
"Maaga po akong nakatulog kagabi." Saad ko. Kahit na hindi naman talaga. Pasado alas dose na ako nakatulog. Alas singko pa lang ngayon limang oras lang ang itinulog ko. Na dapat ay saktong walong oras.
"Gising na po ba si Boss?" Nawa'y tanong ko. "
"Hindi pa, mahimbing pa ang tulog niya. Mabuti pa'y kumain ka muna." Naghain sianang Fe ng Arozcaldo sa isang bowl. Agad akong kumain ng ibigay niya ito sa akin. Mainit pa kaya panay ang hipo ko para mawala ang init.
"Sasahod ka na bukas ah,"
"Oo nga po, sayang lang at hindi naabutan ni Mama ang sitwasyon ko."
"May plano ka ba kung matatapos ang kontrata mo dito?"
"Babalik po ako sa Pilipinas. Baka magtayo ako doon ng sariling bahay at sariling negosyo." Humigop ako ng arozcaldo. "Kayo po?"
"Wala akong pamilya na uuwian, Eliz. Dito na ako kay Giovanni hanggang sa huling hininga ko."
Panay ang kwentuhan naming dalawa. Hindi naman marami ang niluluto ni Manang Fe na Arozcaldo pero mainam na nagtira siya ng kaunti para kay Giovanni. Maya maya lang ay tumungo ako sa silid ni Giovanni para kunin ang mga pinaghubaran niyang mga damit para labhan.
Kakatok pa sana ako sa pinto ng kusa na itong bumukas. Agad na nagsalubong ang kilay niya ng makita ako.
"What do you want? I can walk now. So?"
"Kukunin ko lang yung mga lalabahing damit mo. Ang aga aga ang sungit mo agad." Natutop ko ang aking bibig dahil sa nasabi. "S-sorry po."
Yumuko ako ng bahagya at hinihintay ang galit niya pero wala naman akong narinig. Nang tingnan ko siya, nakasimangot siya at agad na umalis. Hinabol ko na lamang siya ng tingin at napailing.
May dalaw kaya 'yun?
I shrugged my shoulder and enter his room. Dumeretso ako sa laundry basket at kinuha iyon dahil puno na iuon ng damit niya. Mostly linggohan ang paglalaba ng damit niya. Hindi naman din iyon gaanong marumi dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay.
-
"Nana, I want to go out don't tell Terrence." Narinig kong ani ni Giovanni. Nasa pinto pa lang ako ng kusina.
"Bakit ka lalabas? May bibilhin ka ba?"
He sigh.
"Just want to breath some fresh air. Bagot na ako rito sa bahay."
"Papayagan kita kung isasama mo si Eliz."
"Why would I?"
"Giovanni, wala namang ginagawa sa'yo si Eliz. Ginagawa niya lang ang trabaho niya. Ayusin mo sana ang pakikitungo mo sa kanya."
"Whatever nana, nasaan na ba ang babaeng 'yun?"
Pumasok ako sa loob ng kusina. Kita ko ang biglaan niyang pagkagulat pero agad din naman siyang nakabawi.
"Make it fast." He said and storm out of the kitchen. Sinundan ko siya ng tingin.
"Ang sungit!"
"Narinig ko 'yun!"
"E di hindi ka bingi!"
Tumawa si Manang Fe. Naghihiwa siya ng karneng baboy. "Magbihis ka Eliz at samahan mong lumabas si Giovanni. Para maging pamilyar ka dito sa Germany."
"Paano po 'tong labahin?"
"Ewan mo na 'yan diyan. Hindi pwedeng lumabas si Giovanni na siya lang mag isa."
Huminga ako ng malalim at inilapag ang laundry basket sa sahig. "Ayos lang po ba Manabg Fe?"
She nodded her head with a smile.
Ngumiti na lamang ako sa matanda at tumungo na rin sa silid ko. Mabilis akong nagbihis ng panglakad na damit at binitbit ang bag ko. Wala akong cash, dahil bukas pa ang sahod ko. Ayuko naman na gastusin ang perang ibinigay sa akin ni sir Terrence, nahihiya ako.
-
Habang nasa byahe kami ay hindi kami nag iimikan, may driver naman kaya magkatabi kami sa likod na bahagi ng sasakyan. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas. Sa matatayog na building, sa magagandang restaurant. Hindi ko tuloy maiwasan ang gutumin agad.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Lumingon ako sa kanya.
"Kahit saan," umusal siya ng hermanong pananalita. Inuutusan yata ang driver na isang German.
Maya maya ay lumiko kami sa isang iskinita at huminto sa isang restaurant.
"I'm hungry." He muttered and went out. Sumunod ako sa kanya pagbaba ng kotse. Hindi ako sumabay sa paglakad dahil baka ano na naman ang isipin niya.
We ate. We just ate. Matapos kumain ay lumabas na ulit kami ng restaurant at muling simakay sa kotse. Kahit na masungit si Giovanni kita ko pa rin ang concern niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Nag take out siya ng pang agahan at kape ng driver.
May soft spot ang amo kong pinaglihi sa sama ng loob.
-
It was just a simple day. Walang usap na nangyari. We were sitting in a bench near a lake. Tapos may mga bata na naglalaro, it's a park actually, sobrang peaceful ng lugar.
Napakapayapa.
Maya maya lang habang malaya naming tinatanaw ang swan sa lawa ay may bata na lumapit sa amin.
Agad na dumako ang tingin ni Giovanni sa bata. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya habang nakatunghay sa bata.
They talk in German. Hindi ko maintindihan. Pero kitang kita ko kung gaano siya natutuwa sa bata. Hanggang sa makaalis ito at kumaway sa kanya ay nanatiling nakangiti si Giovanni.
"Hindi ba kayo nagkaanak ng asawa mo?" Wala sa sariling tanong ko. Nagulat siya maging ako ay nagulat sa sinabi ko.
Nagbago ang itsura niya. Kanina lang ay masaya siyang kainakausap ang bata pero ngayon parang naiinis siya.
"N-nakwento lang sa akin ni Sir Terrence 'yung asawa mo dati. S-sorry po kung naitanong ko. Hindi ko dapat ipinaalala 'yun."
"I want a child. Ever since. Nakaplano na sa akin na magkakaroon ng pamilya. But my ex-refuse to bare a child. Ayaw niya." He sigh.
"B-bakit?"
"She's a model. Importante sa kanya ang katawan niya. She doesn't want to have child dahil masisira ang katawan niya."
I look at the lake.
"Ang ganda kaya kapag nag ka anak ka na. May sasalubong sa'yo pag uwi mo galing trabaho." Ani ko. I've been dreaming of having kids. Kasama si Mama, ako ang mapapangasawa ko at syempre ang baby ko.
But those were dreams. Kasama si Mama pero dahil kinuha na siya ng panginoon, hindi na niya makikita ang apo niya kung sakali man.
Pero hindi ko muna iniisip ang bagay na iyon mismo. Saka na siguro.
-
Dumaan kami sa mall ang sabi niya ay bibili lang daw kamo ng damit. Nang nasa section na kami ng mga damit ang akala ko ay deretso kami sa mens sections ng mga damit. Laking gulat ko ng nag dere-deretso siya sa section ng pambabae.
"Sir andun po ata ang mens sections." Turo ko sa lugar kung nasaan ang mens section. Pero hindi niya ako pinansin. Nakapamulsa siyang lumapit sa sales lady.
"Assist her." Tinuro niya ako. Nang tumango ang babae ay saka siya tumingin sa akin. "Suit yourself."
"Wala akong pambayad." Ungot ko. Bukas pa ang sahod ko.
"I'll pay." He shortly responded. Itinuro ng babae ang stand kung nasaan ang mga blouse. Siya ang naghanap ng damit na babagay sa akin.
Hindi ako masyadong mahilig sa fashion. People call me baduy for being so simple. Hindi ako umaawra dahil hindi naman kailangan. Kumuha ng mga damit ang babae at inihelera niya sa isang mesa.
Kumuha siya ng isa at iniabot sa akin.
"Sukatin mo na." Nakangiti niyang saad na siyang ikinagulat ko.
"Pilipino ka?"
"Yes Mam. And kilala po si Sir Giovanni dito. Sa katanuyan po siya po ang may ari nitong Mall. Sige na po sukatin niyo na." She politely push me inside the dressing room.
Sinukat at ipinakita ko kay Giovanni lahat. He seems uninterested but he thumbs up naman kapag gusto niya yung damit.
Nang matapos at lulan na ng kotse ay di ko maiwasan ang macurios.
"Bakit mo ako binilhan ng damit?" Tanong ko.
"Peace offering." Maikli niyang sagot.
"Peace offering para saan? Sa pang aaway mo sa'kin?"
"Hindi kita inaaway." Depensa niya. Natawa na lang ako.
"Indirect yung paghingi mo ng sorry. Dinaan mo ako sa paganito mo. But, yeah. Apology accepted." I smiled. I saw him snorted. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa labas ng sasakyan habang ako naman ay masayang masaya. Hoping that after this.
He's treatment would change.
-