ALDEN: KAAGAD akong tumayo na sinalubong itong nakatayo sa may pinto. "Honey, good morning." Pagbati ko na napa-smack kiss ditong ngumiting yumakap sa baywang ko. "Good morning too, honey. Ang aga mong bumangon. Ako dapat ang magluluto para sa atin eh," mahinang sagot nitong ikinangiti kong inakbayan itong inakay sa dining table. Nalingunan naman namin si Andrea na iginawan kaagad ito ng kape na lihim kong ikinangiti na inalalayang makaupo si Larah sa silya katabi ko. "Good morning, sis. Pasensiya ka na nambulabog ako. I want to spend more time with you. Sabi ko naman sa'yo. Babawi ako," nakangiting saad ni Andrea na maingat inilapag sa harapan ni Larah ang tinimpla nitong kape. "Magandang umaga din sa'yo, Andrea. Wala namang problema na dumalaw ka dito eh. Gusto ko nga 'yon. Para m

