THIRD PERSON POV: NAPAPAPILANTIK ng mga daliri ang dalagang si Andrea habang nakahalukipkip na palakad-lakad sa loob ng silid ni Darwin. Dinala kasi ito sa hospital sa lala ng natamo mula sa pangto-tortured sa kanya ng mga pulis na binayaran ni Alden. Puno ng pasa ang mukha at katawan nito. Namamaga din ang mukha kaya hindi mamukhaan ito ni Andrea kung nakita na ba niya ang binata. Lalo na't nahihimbing pa ito dala ng gamot kaya hindi niya matitigan sa mga mata. Habang nasa hospital si Andrea ay nagtungo naman na si Alden at Larah sa private clinic ng dermatologist doctor na siyang mag-aasikaso kay Larah. Sumunod naman doon ang buong pamilya nila na tanging si Andrea lang ang wala at may personal itong inaasikaso. Maging ito ay hindi rin kasi mapalagay sa kaisipang may magtatangka pa

