ALDEN: LUMIPAS ang mga araw na naging matagumpay naman ang pagpapa-plastic surgery namin kay Larah. Nanatili kami ng clinic kung saan ito nakaadmit. Dinadalaw din kami dito araw-araw ng pamilya namin kaya hindi kami nababagot ni Larah. Nakaantabay naman ang mga bantay namin sa labas at sinisigurong walang ibang nakakapasok dito sa clinic para mapanatili ang kaligtasan naming mag-asawa. "Hon?" Napalingon ako kay Larah na tinawag ako nito. May benda pa kasi ito sa buong mukha. Ang sabi naman ni Doc Arra ay wala kaming dapat ipag-alala at matagumpay ang operation nito. Hintayin na lang namin ang araw na pwede ng tanggalin ang benda sa buong mukha nito para makita na namin ang mukha niya. "Yes, honey?" sagot ko na nilapitan itong bagong gising. Sinenyasan naman ako nitong maupo sa tab

