THIRD PERSON POV: PALAKAD-LAKAD sa loob ng silid ang binatang si Daemon. Hindi pa kasi tumatawag ang tauhan nitong nagmamatyag sa kilos ng mga Di Caprio at Mondragon kung anong ganap na sa kanila. Huling balita kasi nito ay naka-admit si Larah sa isang private clinic para ipaayos ang nasunog nitong mukha. Inaasahan naman na niyang gagawin nila Alden iyon. Ang ipaayos ang nasirang mukha ni Larah mula sa aksidendeng. . . siya rin ang may kagagawan. Nakagat nito ang ibabang labi na napapahimas ng ba a habang inaalala ang araw na iyon. Kung saan nalaman niyang pupunta sila Larah at Alden ng Batanes para sa honeymoon nila. Kaya naman lingid sa kaalaman ng lahat ay inabangan na niya sa isla ang pagdating nila Larah at Alden. Ang buong akala ni Alden ay aksidente ang nangyari kaya sinisisi an

