KASHI POV: Nasa labas na sila nang bar ni Drya. Alas-otso pa lang ay full pack na talaga ang tao, maraming gustong mag unwind ngayong araw. Hinihintay nila si Nyx, ihahatid raw ito ng kapatid. Papasok lang sila kapag kumpleto na. Kanina pa nagtetext sa kanya si Lotus kung asan na ba daw kami. Excited ang loko. Nasa loob na raw ito kasama ang ilang kaibigan. Sinabihan ko na na mamaya na kami papasok. Malakas ang tugtog kahit nasa labas sila ng bar. Marami rin silang nakikitang nagsisidatingan na mga customers. Nang makarating na si Nyxara, pumasok na sila sa loob ng "High Pegasus Bar.", marami ng tao sa loob at nagkakasiyahan na. Ang sosyal ni Lotus, mukhang mayayamanin ang Bar. Marami siyang nakikitang mga tao na mukhang may sinasabi sa buhay. Kung hindi niya lang talaga kasama ang dalaw

