KASHI POV: Masaya silang apat na pumunta sa dancefloor. Maraming tao at talagang siksikan. Halos magkabanggaan na ang lahat nang nagsasayaw. Tawa siya nang tawa sa mga kasama nang biglang maramdaman niyang may pumisil sa pwetan niya. Nanlaki ang mata niya at nilingon ang may gawa nun. Wala siyang makita na kahina hinala dahil lahat ay nagkakasiyahan. Hindi talaga siya pwedeng magkamali ka may humawak sa pwet niya. Bwiset mukhang mababastos pa ata siya rito. Nang tumingin siya sa 3rd floor ay napakunot noo siya. Si Alex ba yung nakita niya? Parang siya yun? Pilit niyang inaaninag kung ang binata nga ang nakita niya pero biglang nawala. Haist baka namamalikmata lang talaga siya. Binalewala na lang niya ang nangyari at patuloy lang silang nagkakasiyahan sa dancefloor. ALEX POV: Pagod na pa

