26 Walang emosyon at buong araw lang nakatulala si Fara sa bintana ng kaniyang kwarto habang nakatanaw sa mga nagsisilagasang dahon sa malaking puno na nasa harapan ng kanilang sariling pamamahay. Ang isang kamay niya ay nasa umbok ng kaniyang tiyan at hinihimas himas iyon kahit ang kaniyang isipan ay naglalayag sa malayong lugar. A tear escaped his eyes ng maglaro ang imahinasiyon niya sa sa taong iyon, tila ay nakikita niya si Ford sa ilalim ng lilim nang puno na nasa harapan niya. Nakasuot ng kulay bughaw na roba, ang mga kamay ay kapwa sa likuran at nakangiting nakatanaw sa kaniya. "Anak, tignan mo ang ama mo nakaharap dito." parang tanga niyang ani sa kawalan at ngumiti habang lumuluha. "Miss na miss ko na siya anak, sobra." lumuluha siyang nakatulala sa imahe na nililikha ng sarili

