25 Flashback... Pinagmasdan ni Fairo ang wala nang buhay na katawan ng kaniyang ama. Dapat ay kalungkutan ang kaniyang madarama, ngunit tila ba ay may isang nakadagan sa kaniyang dibdib ang nawala. Sa tingin niya ay tama lang din na magpahinga na ito kaysa madagdagan pa ang mga kasalanan nito sa mundong ibabaw. "Mahal," nadinig niya ang boses nang asawa na si Rafa. Napalingon siya agad dito at nakita ang mga tauhan nila Aaric at Maximus na nagapusan na ang mga natitirang Rouge. "doon na muna tayo sa mansiyon ng mga De Blanc, kailangan nating malunasan ang anak nating si Farazzi." nahahabag nitong ani at kahit labag man sa kaniyang loob, sa tingin niya ay tama lang din ang sinabi nito. Bumuntong hininga siya at lumapit sa pwesto ng kanilang anak na nawalan na ng malay. Habang ang magka

