IMPYERNONG BAHAY
“Shhh… wag kang mag-ingay.”
Amoy pa ni Andrea ang sigarilyo at alak sa hininga nito.
“Alam mo, ‘pag nagsumbong ka… hindi lang ikaw ang mawawala Pati nanay mo… pati mga kapatid mo… isasama ko,” dagdag nito, mas mababa ang tono, halos pabulong pero mas nakakatakot.
Nanigas si Andrea, Parang nanlamig ang kalamnan niya.
Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang pumalag, Gusto niyang itulak ito O kahit ano para makawala lang pero ang boses ng pagbabanta ay parang demonyong bumubulong sa kanya at ang hawak nito sa kanya ay mapangahas at mahigpit.
Naramdaman niya ang mabilis na t***k ng puso niya, halos umabot na sa tenga. Mainit ang mga luha na unti-unting bumababa sa pisngi niya, pero wala siyang magawa.
“Good girl,” malamig na sambit ng lalaki nang tumigil siya sa pagpupumiglas.
at sinimulan haplusin ni Rogelio ang buhok ni Andrea at humalik sa leeg nito
At sa gabing iyon, alam ni Andrea na may nabasag sa kanya—isang piraso, Ang kanyang p********e na hindi na muling mabubuo.
Pagkatapos noon, tahimik. Pero hindi iyon katahimikang nakakapagpahinga — kundi yung klase ng katahimikang nakabibingi, yung tipong mas maririnig mo ang sariling paghinga at pigil na pag-iyak.
Mabigat ang katawan ni Andrea, parang ninanakawan ng lakas. Naroon pa rin ang kamay sa bibig niya, pero unti-unti nang lumuluwag ang kapit. Nang tuluyan siyang bitiwan, dumapa lang ito sa banig, hindi gumagalaw, pinipilit magkunwaring wala siyang pakiramdam.
Ramdam niya ang mabigat na yabag ng lalaki palayo at maya-maya, marahan nitong isinara ang pinto.
doon siya bumuntong-hininga. Hindi dahil ligtas na siya… kundi dahil tapos na muna para ngayong gabi.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulala roon, nakatitig sa kawalan. Bawat patak ng luha ay parang pinipiga mula sa pinakamalalim na parte ng dibdib niya. Gusto niyang bumangon at tumakbo palabas ng bahay… pero nasa kabilang kwarto ang kanyang Ina mahimbing na natutulog pati ang mga kapatid niya
Hindi niya kayang isugal ang mga iyon.
Kinabukasan, maaga siyang bumangon hindi dahil sa gising na siya, kundi dahil hindi naman talaga siya nakatulog. Mabigat ang mga mata, nananakit ang ulo, pero ayaw niyang manatili sa banig. Ayaw niyang makita yung aninong lumapit sa kanya kagabi.
Habang naghuhugas siya ng plato sa kusina, narinig niya ang boses ni Nanay mula sa sala.
“Andrea, bilisan mo d’yan. Magwalis ka na pagkatapos.”
“Opo,” mahina niyang sagot, halos pabulong.
Ayaw niyang lumingon. Baka kasi naroon din sa sala yung taong kinatatakutan niya. At nang mapansin niyang naroon nga ito nakaupo, nakatitig sa kanya na may malamig na ngiti, napalunok siya at pinilit huwag magpakita ng kahit anong reaksyon
habang naghahain siya ng hapunan, may maririnig siyang bulong mula sa likod:
“Shhh…” tapos tatawa nang mahina
kinukuyom ni Andrea ang mga palad, pinipigilan ang sariling mapaiyak.
--
Makalipas ang ilang buwan, naging parang anino si Andrea sa sariling bahay. Hindi siya nakikipaglaro sa mga kasing-edad, bihira siyang magsalita, at kapag tinatanong ni Nanay kung bakit lagi siyang tahimik. May iniisip lang na aralin Ang lagi niyang sagot at ngumingiti nang pilit.
Sa loob-loob niya, Gusto ng sumigaw ng kalooban niya, pero sa labas, wala siyang ibang ipinapakita.
__
Isang gabi, habang nakaupo siya sa gilid ng higaan, narinig niyang may kumakatok sa pinto. Mahina, pero sunod-sunod. Alam niyang siya ang hinahanap. At kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na hindi iyon totoo, bumukas pa rin ang pinto.
At muling sumiklab ang takot sa dibdib niya.
Bumukas ang pinto nang dahan-dahan, at kasabay noon ang amoy ng alak na sumalubong sa ilong ni Andrea. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng higaan, halos walang galaw, para bang umaasa na kung hindi siya kikilos, baka hindi siya mapansin.
Pero mahirap takasan ang aninong unti-unting bumabalot sa kanya.
“Tulog na sila,” mababa ang boses nito, parang sinasadyang ipaalala sa kanya na wala siyang kakampi ngayong gabi.
Gusto niyang tumakbo, pero alam niyang mabibigla lang ang mga kapatid kung magugulo ang bahay. At ang mas masakit, alam niyang totoo ang banta nito.
Lumapit ito, mabigat ang bawat yabag sa sahig na kahoy. Huminto sa harap niya, at kahit hindi niya tiningnan, ramdam niya ang presensya nito — parang malamig na hangin na dumidikit sa balat.
Inabot nito ang kanyang braso. Mabilis, mahigpit.
“Halika.”
Umiling siya, mahina, halos hindi gumagalaw ang ulo. Pero iyon lang ang ginawa niya; wala siyang lakas para tumutol nang malakas.
“Wag mo kong subukan, Andrea.”
Hindi niya alam kung alin ang mas mabigat — yung takot sa ginagawa nito o yung takot na baka totoo nga ang banta nitong kaya nitong patayin ang Nanay at mga kapatid niya.
At sa sandaling iyon, napansin niyang nanginginig ang mga daliri niya. Hindi niya iyon mapigilan.
At bago pa Siya tumutol, marahang bumukas ang pinto ng bahay
Isang yabag ang narinig nila
Hindi gumalaw si Andrea. Hindi rin si Rogelio.
Pareho silang nanahimik, nakikiramdam.
“At kung may makakita…” dugtong ni Rogelio, mas madiin ang tinig, “…siguraduhin mong kaya mong manahimik.”
At sa isang iglap, sumara ulit ang pinto—parang walang nangyari.
Iniwan ni Rogelio si Andrea na hindi alam kung may nakakita ba talaga… o baka guni guni lang iyon..