Prologue
*tick-tock* *tick-tock*
Nakakabinging tunog lang ng orasan sa kanyang tabi ang naririnig ni Aria habang nilalaro niya ang ballpen sa kanyang desk.
Bagot na bagot siyang nakahilig habang naiinip na ang kanyang pwet na tumayo. Nakasimangot na rin siya dahil ang tagal ng oras.
"Hindi bale Aria konti na lang makakauwi ka na!" Pakausap niya sa sarili.
Sumilip siya sa malaking salamin at malalim na nga ang gabi sa labas. Siya na lang ang natitira sa floor kung saan siya nagtratrabaho. Wala na ring ilaw ang iba pang paligid maliban sa kanya. Hindi naman siya natatakot dahil hindi siya yung tipong matatakutin.
"Bwisit na grounded to napa-overtime tuloy!" Inis na inis na siya. Kasalanan ng baklang kaibigan niya pati tuloy siya napahamak. Eeshh!!
"Look who's at fault?" Isang matandang boses mula sa madalim na lugar ang biglang nagsalita. Napalingon siya agad dito. Hindi pa niya naaanigan ang mukha nito ngunit alam niya kung sino ito. Sa boses palang.
"C'mon Dad it's not really my fault?!" Reklamo niya. Tama kayo tatay niya nga ang nagsalita. He's Clixton Forbes.
"You're still at fault at hindi lang yan ang unang beses mo ginawa. Nakailang gawa mo na yan ha tinatakasan mo ang trabaho mo!" Pagalit nitong sabi.
Napakagat labi tuloy siya. Yes, madalas niya takasan ang trabaho niya pero she still make sure na tinatapos niya rin....kapag nasa mood nga lang siya ahahaha.
"Eh Dad tinatapos ko rin ah!" Palusot niya. Dumilim naman ang mata nito. Uh oh?! Mukhang wrong move!
"How can you be a great leader if you can't manage yourself? Hindi porket anak ka ng CEO ay pwede mo namang magawa lahat ng gusto mo?" Nag-aalburoto nitong sabi.
Hindi siya makaimik tama naman ito pero bilang dalaga at nasa tamang edad na rin gusto niya rin maranasan yung mga bagay na gusto niya gawin. Hindi naman mahigpit ang mga magulang niya. Sadyang maling oras niya lang rin ginagawa.
Hindi na siya nakatiis at niyakap na lang ang ama. "Sorry Dad!" pampapalambing niya with matching pretty eyes pa.
Her Dad rolled his eyes. "Jusko kang bata ka!". Reklamo nito ngunit wala ring nagawa at yinakap rin siya.
"Eh Dad bakit ako lang ang may punishment dapat si Chipi rin!" Todo reklamo niya. Aba dapat lang na hindi lang ako ang damay pati ang bruhildang baklang yun.
Ngumiti ng matamis ang tatay niya. Gwapo talaga ito kahit may edad na.
"Don't worry kasabay mo siya. Nag-overtime rin actually nandon na siya sa baba inaantay ka." Sabi nito.
Napangisi siya. Lagot talaga sakin ang mahaderang yun puputulin ko na talaga ang future generation non!!
"Why you're smirking?" Clixton curiously asked. She just gave him a smile. "Nothing Dad let's go!"
Habang nasa elevator sila ay tinanong niya kung nasaan ang Mommy niya ngunit ang sagot lang nito ay nasa bahay na daw at abala sa ginagawa. Hindi niya maunawaan pero may nahimigan siyang lungkot at takot sa boses ng kanyang ama.
Her mommy is acting strangely these days. Mas naging busy ito sa hindi mo malaman na kung ano at kadalasan ay umuuwi pa ito ng madaling araw na.
Huminto ang elevator sa ground floor. Habang naglalakad na sila sa exit ay namataan niya ang kutong lupa sa labas ng building. Nakatalikod ito na parang may inaantay. Sinenyasan niya ang ama niya na tumahimik. Kumunot-noo lang ito at wala ng nagawa. Dahan dahan siyang naglakad sa kaibigan niya. Hindi nito napansin na nasa likuran na pala siya nang bigla siya tumalon at binatukan ito nang napaka-lakas.
Si Clixton naman ay wala ng nagawa sa kalokohan ng anak at ngumiti na lang.
"Aray!" Maarteng reklamo ng bading.
Binelatan ito ni Aria. Yeah deserve!!
"The hell with you, Witch!!" Chipi frustratedly scream.
"My punishment for you!" Pinandilatan niya ito ng mata.
Umingos lang ito at gaganti sana kung wala lang ang ama nito sa harapan nila.
"Sweetie!" Tawag ni Clinton sa kanyang anak. Lumingon naman ito sa kanya.
"Are you coming home with me?" Umiling lang si Aria.
"May pupuntahan kami Dad eh!" Sagot niya. Tumango lang ama at hinalikan siya sa noo. Tinapik lang ng ama niya si Chipi at sinabihan lang kami na mauuna na. Tumango lang sila at kumaway hanggang sa sumakay ito sa sasakyan na pagmamay-ari nila at umalis.
"So saan tayo pupunta?" Matamis na tanong niya. Sinamaan lang siya ni Chipi ng tingin.
"F*ck you!" Mura nito nang hindi na nakatiis. Alam kong kanina pa ito gustong sabihin sa kanya. Tumawa lang siya.
"And I love you." She seducely said.
"Gaga tara na!" Wala na siyang nagawa at sumakay na lang sa sasakyan nitong crossover.
"So saan nga tayo?" Tanong niya habang nilalagay ang seatbelt habang pinapa-andar ni Chipi ang sasakyan.
"We're going on a blind date, mudrabels!"
Nanlaki ang mata ni Aria. "So ano tuloy pa rin?" Tanong niya.
Napaismid si Chipi. "Anong klaseng tanong yan of course matutuloy. Anong akala mo palalampasin ko to? No way I really want to see him." Kinikilig na sabi nito.
She rolled her eyes. "Blind date pala eh ba't kasali pa ako? Tsaka cgurado ka ba na mabuting tao yan? Malay mo budol budol gang pala yan?"
Saan ba nito nakilala ang lalakeng yun? Online dating?
Kumunot-noo si bakla. "Pinagsasabi mo kahit kailan hindi pa ako nananakawan no?"
"Ah oo nga pala hindi pala budol budol. Scam lang pala. With matching sweet words muna bago hingan ng pera. Ikaw naman itong dala ng dala tapos in the end. Iyak malala! Tss!" Paliwanag niya with matching tango pa.
"Oo na bakla ikaw na maganda at tama. Eh kesyo malay mo ito na yung the right one diba?"
Aria rolled her eyes. Right one your face? Tss.
"Hindi mo pa nga nakikita eh right one agad?!"
"Bitter ka talagang mahadera ka kaya walang nagtatagal sayo eh puro nega ka!"
Aba!!!
"Excuse me? Ako walang nagtatagal? Oh well tama ka naman!" Hahahaha. Chipi is right wala ngang nagtagagal sa kanya. Ewan ba niya? Everytime she's trying to date someone. Something is not right and she keeps on holding it off.
"Aria yohoooo back on earth b***h!". Bumalik lang siya sa ulirat nang binatukan siya ni Chipi. Yeah right that's their love language.
"Aray gago ka ba?" Inis niyang sabi habang hinihimas ang likod ng ulo niya.
"Natulala ka b***h and no I'm not gago I'm gorgeous!" Maarte nitong sabi. For the last time Aria rolled her eyes.
"Bilisan mo na b***h baka hindi na natin mahabol this time. Saan ba yang meeting up niyo?" Tanong niya.
Tinignan muna nito ang relo bago sumagot. "May 1 hr. pa naman bago pumunta sa paradise bar. Daan muna tayo sa mall at mag-ayos ayos rin. Alangan naman pupunta tayo na ganito itsura natin. Mukha tayong waitress don sa office suit natin."
"Ok pero mall?" Tanong niya at tinignan ang orasan. "8:00 na ah sarado na ang mall, gaga!" Pagpasensyahan niyo na ganito talaga sila matabil ang dila ng isa't-isa.
Ngumiti ito ng nakakaloko. "Oh, you don't know me my friend I have a lot of ways!"
Ngumiwi siya. Oo nga pala mayaman ang angkan nito. Hindi niya nga alam kung bakit after ng graduation nila eh mas pinili pa nitong pumasok sa company nila kaysa company nito. Lakas talaga minsan ng topak nito. Tss!
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa makarating na sila sa Mall. Bumaba sila sa parkingan at naglakad patungong second floor.
Infairness talaga iba talaga datingan kapag may power. Biruin mo lahat close na ang stores pero ang natatanging store lang na open ay boutique na pagmamay-ari ng kaibigan ni Chipi.
"Mimi!" Masayang bati ni bakla sa isang matangkad at maputi na mukhang babaeng babae sa dress nitong hapit na hapit ang katawan. Halata rin ang cleavage nitong sadyang pinagawa.
Na-conscious tuloy siya sa sarili. Pasimple niya pang kinapa ang dibdib. Hindi naman ganun kalaki ang kanya. Tss!
"Chipi!" Bati rin to at nagyakapan ang dalawa.
"So glad you came here again! So ano are you ready for your gorgeous makeover for your oh-so-hot gorgeous papa?!" Maarte nitong tanong kay Chipi.
"Super ready girl. Gawin mo best mo ah? Make a spell for me!"
Wait spell?
"Ako pa??? Patitirikin natin yang mata ng Papa mo! Hayss, I miss tuloy my splushie!" Ngumuso ito ng napaka-lapad. Ngumiwi si Aria ng pasimple.
"Kapal if I know kakakita niyo palang kanina. O siya girl wala ng oras let's go!" Wala ng sinabi ito at tumawa na lang. Sinenyasan na lang ni Mimi si Chipi na umupo na sa swivel chair at nilagyan na ng cover ang buhok at katawan nito.
"Oh by the way this is Aria pala Mimi. She's also my friend. Can you also dress her up?" Pakilala ni Chipi sa kanya.
Lumingon naman sa kanya si Mimi at nag-form ng 'O' ang bibig nito. "Oh she's very pretty and gorgeous. Don't worry girl madali lang pagandahin itong friend mo. Trixie?!" Tawag nito at pumalakpak.
Wala pang segundo ay may pumunta na babae sa harapan ni Mimi. "Dress her up and you know na ha make her gorgeous like us!" Turo nito sa kanilang tatlo.
Tumawa naman lahat and Trixie guide her on the other room. Wala na siyang nagawa kundi sumunod.
After a couple of hours. They're done. Chipi is wearing an orange halter dress. Matching a gold earings and a 4 inches heels. They even gave him a blonde straight hair to match his fashion. While she wears a red howly midi dress, silver earings and a red heels. They even curled her long lower hair.
Infairness magaling talaga si Mimi. "Shocks these two gorgeous girls! Oh ano bilib na ba kayo? Tignan na lang natin kung wala pang luluwa ang mata sa inyo?" Mayabang na turan nito at humalakhak.
Tumawa sila at nagpasya ng mamaalam dahil 10 minutes na lang ay 9:00 na. Dumiretso na agad sila sa sasakyan. Hindi niya maintindihan ngunit kanina pa ay nakakaramdam na siya ng kaba. Bakit kaya?
"We're here!" Chipi said. Lumabas sila ng sasakyan at binigay ni Chipi ang susi nito sa isang guard. Tango lang ang tugon nito at pinaandar na at umalis.
"Let's go girl. Let's rock this night!" He shouts. Ngumiti siya ng matamis bago sumunod dito. Huminga muna siya ng malalim. Hindi niya maintindihan pero wala siyang kailangan intindihin. This is her night so she needs to enjoy it! Yeah!!
The bouncer guides their way to the close door. He opened it at ang unang niyang nakita ay ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. The wild scenery makes them difficult to find his blind date.
"Mudrabels tawagan mo nga yung ka-blind date mo? Hindi natin mahahanap yan sa ganitong karaming tao?" Sabi niya.
Umayon naman ito at nag-excuse na lumabas muna para maintindihan nito ang katawag. Tumango lang siya bilang tugon. Dumiretso agad siya sa island bar counter.
"One bloody mary please!" She ordered. Tumango lamang ang waiter at umupo na sa high stool.
Pinanood niya ang mga tao sa dance floor. May iba na masayang sumasayaw mag-isa, ang iba naman ay grupo sumayaw. Babae man o lalake. At may iba naman na nagmamake-out na. Sanay na siya sa ganito. Hindi siya mahilig mag-bar ngunit hindi rin first time na tumungo sa ganitong lugar. Marami na at pare-pareho lang ang nakikita niya.
Maya-maya pa ay binigay na ng waiter ang order niya. Kinuha niya ito at sisipsip na sana ng biglang dumating ang kaibigan niya. Napaismid siya. Wrong timing talaga!! Eeshh!!
"Girl he's here. He's on the second floor, private first room!" He demanded at hindi na mapakali. Ngumiwi siya.
"Mudra blind date yun kailangan talaga kasali ako? Eh ikaw yung makiki-meet up hindi ako!" Reklamo niya.
"Iihhh cgi na please kung may scam na namang mangyayari kaya mo naman ipagtanggol ako. Takot lang nila sayo no?" Tss. Kahit kailan duwag talaga to.
"Tss. Cge na nga pero sandali lang ako gusto ko rin makita kung sino yon." Sabi niya. Ngumiti lang ito at hinila na siya. Umakyat na sila sa second floor at nakita na nila agad ang private areas.
"Ito na yun!" Kabado na sabi ni Chipi. "Go!" Pangchee-cheer ni Aria.
Kumatok muna ng mahina si Chipi bago pinihit ang doorknob. Una itong pumasok bago siya. Madalim ang paligid at tanging ilaw mula sa lamesa lang ang nakikita niya. Ngunit ramdam nilang may tao sa paligid dahil may naaanigan silang bulto ng tao.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Kinakabahan ba siya?
"Hello Raiven!" Nahihiyang tuta na sabi ni Chipi. Pabebe tss!
Hindi sumagot ang lalake. Nanatili silang nakatayo sa harap nito at kahit shadow palang ang nakikita niya kung susukatin ang lalake tila matangkad ito at matipuno ang katawan. Gwapo kaya ito? Hindi sa walang taste ah. Kahit cguro hindi pasok sa standards niya eh pinapatol pa rin ng baklanbg ito ang mga lalake. Kahit mukhang espasol pa tss!
"Who are you?" A baritone voice came from this guy. Hindi niya talaga maunawaan ngunit bakit siya nakaramdam ng butterflies sa sikmura niya? Lalong bumilis ang t***k ng puso niya.
"I'm Chipi your blind date!" Chipi sweetly answered. Hindi ulit nagsalita ang lalake kaya pasimpleng sinukuan siya ni Chipi.
" Ah I'm Aria!" She introduced while calming herself. Ramdam niyang titig na titig ang lalake sa kanya. Kulang na lang ay pati kaluluwa niya ay higupin nito.
"Ahm Raiven can you show yourself now?" Tanong ni Chipi sabay upo kaharap nito. Siya naman ay hindi pa umuupo. Tila napako siya sa kinatatayuan niya.
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isa na namang lalake. Sabay silang napatingin lahat. Naka-shirt ito na hapit na hapit ang katawan, matangkad at gwapo.
"I'm sorry bro I need to take this call. I'm here now!" Malumanay na sabi nito. Unang siyang nakita ng lalake at tinuro siya.
"You must be Chipi?" Tanong nito sa kanya at kahit nakakataranta ang sitwasyon ay nagawa niya pa ring umiling. Sinagip naman agad siya ni Chipi.
"I'm Chipi!" Pakilala ng kaibigan niya. Bumaling naman agad ang tingin ng bagong dating rito.
"Oh so you are my date?" Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Ang bakla hindi maitago ang kilig ngunit kumunot-noo rin nang tinuro ang lalake sa harapan nito.
"Hello so you are Raiven then who is he?" Chipi curiously asked.
Nakangiti pa rin si Raiven sa kanila at tinignan yung tinuturo. "He's my friend, Valen. Zeus Valen Lexington!"
AND THAT'S IT HER WORLD STOPPED.....
All the memories instantly flashing in her mind.
That name.....that name harshly ring on her heart and soul.
The man slowly appears from the dark without breaking their contact. She can't believe it after all these years. She finally see him again. He changed a lot physically. Valen became more matured. Kung titigan mo ito ay alagang alaga ito sa sarili. Lalo na sa mukha. The perfect jaws, dark eyes, thick eyebrows, kissable lips, fair skin, a masculine body, and a height of every girls dream.
Damn the perfect definition of everyone's dream maski bakla. Tito Vance ang ganda ng likha mo!!
"Oh well nice to meet you Raiven!" Basag ni Chipi sa katahimikan at nakipag-kamay kay Raiven na tinanggap naman agad ng ka-date.
"Raiven. Raiven Santos!" Pakilala nito at ngumiti ng matamis.
Nilahad rin ni Chipi ang kamay kay Valen ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa kanya kung hindi lang tinawag ni Raiven ay hindi nito tatanggapin.
"Nice to meet you Chipi!" Dark voice still came out from his mouth.
"And this is Aria." Pakilala ni Chipi sa kanya habang tinatapik siya. Nilahad naman ni Raiven ang kamay nito sa kanya na tinanggap niya naman. Wala sana siyang balak makipag-kamay kay Valen dahil saan pa't kilala niya na ito ngunit sinukuan at pinandilatan siya ng mata ni Chipi kaya wala siyang nagawa.
Bumaling ulit ang tingin niya sa lalake na mataman lang na tinititigan siya.
Dahan-dahan niyang tinaas ang kamay niya kay Valen at yumuko. Ang akala niya ay tatanggapin nito ngunit hindi. Akma niya na sanang ibababa nang kinuha nito ang kamay niya kaya napatingin siya rito. Ramdam niya pang pinisil ni Valen ang kamay niya.
"Nice to meet you.....Aria!" Pakilala ni Valen sa kanya. Wait! Akala niya ba hindi niya nahimigan na may nakakalokong tinig sa sinabi nito?
Binitawan na ni Valen ang kamay niya at binaling ang tingin kay Chipi. "I'm sorry for earlier but I'm not your date. Raiven is here so I have to go now!"
Akma na itong aalis ng pinigilan siya ni Raiven. "Gago ka Valen wag mo naman ako iwan. Dito ka muna at mag-enjoy." Pagsusumamo ni Raiven.
Napatingin si Valen sa kanya bago bumaling kay Raiven. Inalis nito ang kamay ng lalake sa braso nito. "I have enough today, bro. Actually more than enough!" Sabi nito at tinapik si Raiven saka dire-diretsong pumunta sa pintuan at umalis.
Kumunot-noo siya. What was that?
Buong oras na nandon sila sa bar ay wala siyang ginawa kundi mag-isip at inumin ang mga order niyang cocktails at food sa kabilang room tabi ng kay Chipi. Gusto niyang mapag-isa at isa pa ayaw niyang maka-abala sa date ng kaibigan niya.
Hindi niya mapigilan makaramdam ng kirot sa dibdib. Bakit ganon umasta si Valen sa kanya? Kilala pa ba siya nito? Ba't ganon ito umasta?
Sa inis niya ay hindi na siya nakatiis at tinext na lang si Chipi na uuwi na siya. 11:00 na rin at kailangan na niyang umuwi at itulog na lang ito.
She frustratedly exit the bar and oh great she has no car pala! Eeshh!!
Wala na siyang nagawa kundi maghintay na may dumaan na taxi. At habang nag-aabang ay nakakaramdam niyang kakaiba. Para bang may nakatitig sa kanya.
Inikot niya ang paligid. Medyo malayo na siya sa bar at konti lang na tao ang dumadaan.
Wala naman.
"Argh!! Aria naprapraning ka na naman guni guni mo lang yan!" Kausap niya sa sarili. Shet epekto ba to ng pagkikita nila ni Valen o don sa ininom niya cocktails?
Maya-maya pa ay biglang may taxi na pumarada sa harap niya. Pumasok siya at sinabi ang address. Habang nasa byahe ay hindi niya pa rin naaalis ang mukha nito sa isip niya. Maging ang pakikitungo nito.
Sa sobrang lalim ng naiisip niya ay hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa bahay niya. Magbabayad na sana siya nang sinabihan siya ng driver na wag na raw dahil libre na lang daw iyon.
Napakunot noo siya. May libreng sakay na ba ang mga taxi ngayon? Wala na siyang nagawa kundi magpasalamat. Umalis na ito at pumasok na siya sa kanyang bahay.
Dumiretso siya agad sa taas at akma na sanang papasok sa kanyang kwarto nang marinig niya ang boses ng kanyang Mommy. Bukas ang pinto kaya rinig na rinig niya ang conversation nito ng Daddy niya.
Aalis na sana siya nang napatigil siya. "Kahit kailan talaga ang pamilyang yon hinding hindi talaga tayo titigilan hangga't hindi tayo napapabagsak!" Her mother furiously said.
"Calm down Hon. Iniimbestigahan palang natin at wala pa naman napapatunayang sinadya iyon!" Her father trying to calm his wife.
Winaksi nito ang kamay nito sa kanyang braso at tinignan ng masama si Clixton.
"Maraming beses na nila ito nagawa. Maraming beses at alam mo iyon. Tingin mo makakalmado mo ako sa ganito. Sa dami ng kasalanan nila hindi pa ako nakakabayad!" Galit na turing nito sa asawa.
Tinititigan ito ng ama niya ngunit maya-maya ay pekeng tumawa ito. "Oo nga sa dami ng kasalanan nila at sa rami non tingin mo hindi ka pa nakakabayad? Talaga?" Mapang-uyam nitong tanong.
Hindi nagsalita ang asawa. "Amelia hanggang kailan mo masasabing bayad ka na sa lahat ng nagawa nila?"
Marahas na tinignan ni Amelia ang asawa. Dahan dahan naglalakad ito patungo kay Clixton. Galit ang binigay nito sa kanya. "Hangga't mabawi ko ang lahat ng para sakin! Lahat! Lahat! At maparanas sa kanila kung ano ang ginawa nila. Matagal ko ng inantay ito, Clixton at ngayon na nasa posisyon na tayong pantayan na sila. Magagawa ko na lahat ng gusto ko!"
Marahas na huminga si Clixton. "At anong gagawin mo?" Galit nitong tanong.
Ngumiti ito ng nakakaloko at kinuha ang wine sa lamesa bago sumipsip. "For me to know and for you to find out!"
-----------------------------