WRONG MOVE

1463 Words
Nilalamok na ako dito kahihintay kay sir zach . Sana hindi nalang niya ako sinama. Wala naman akong ginagawa dito. Problema ko pa ang pag uwi ko nito Pasado 6pm na nang matapos ang kanilang meeting, Umiigiting pa ang bagang ni sir nang lumabas siya sa pintuan "Tapos na sir?" tanong ko , tumayo na ako "hmm." tipid niyang sagot Naglakad na kami palabas ng hotel , dumidilim na pala sa labas. Na una siya at naka sunod lang ako sa kanya. Huminto siya at napahinto naman ako , humarap siya sa akin "Are you okay?" kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Nakaramdam naman ako ng kiliti sa tyan ko. "ah , im okay sir" ilang na sabi ko sa kanya Tinitigan pa niya ako , s**t! ang bilis ng t***k ng puso ko. "good" tumalikod siya at simula ng maglakad. Hooo! hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya , para akong tinutunaw ng mga titig niya . Dumeretso na kami sa sasakyan nyang Aston martin.. "Sir, sa building nalang po niyo ako ihatid, mag tataxi nalang ako pauwi" sabi ko "No , i'll drive you home" Hindi nalang ako nagsalita. Sobrang naghuramentado na ang puso ko "are you hungry?" sabi niya while nag seseatbelt yung tingin noya nasa akin. Nagugutom ba ako ? Bakit tinatanong niya kung nagugutom ba ako ? Pwede naman hindi nalang ako tanungin. "Ahh....sa bahay nalang ako kakain" naiilang sabi ko sa kanya. "No, I'll buy some food , drive thru tayo " sabi niya at nagsimula na siyang magdrive.. Napatingin ako kay sir , bat ka ganito ? Okay, naiba na siguro ang ihip ng hangin. Ayuko nito, biglang bumait si sir lalo akong kinakabahan. May lagnat ba siya o baka naman full moon ngayon . Enebe -_- Pinaandar niya na ang sasakyan. May nakita kaming malaking logo ng Jollibee sa itaas Tumigil ang sasakyan niya para sa linya sa drive thru. Medyo mahaba iyon kaya natagalan kami sa linya. Habang naghihintay ay tahimik kaming dalawa. "Ano sayo ?" biglang tanong niya "kahit ano nalang" sabi ko "wala sa menu ang kahit ano nalang , miss garcia" nakita ko pang kumurba ang ngiti sa kanyang labi Oh my ghad! Nanaginip lang ba ako.! Sapakin na ako ngayon. Ngayong ko lang nakita nakangiti si sir.. Lagi kaseng nakakunot ang noo niya . Nag iba na talaga ang ihip ng hangin . Napalunok nalang ako , hindi ko alam. Ano oorderin ko. Naiilang na ako kay sir "i-ikaw nalang bahala sir" ilang na sabi ko sa kanya Hindi sya sumagot. Pagdating namin doon. Kumatok sa kanyang sasakyan ang babae sa drive thru. Nang binaba ni sir ang kanyang salamin ay nakita ko kaagad kung paano kumislap ang mga mata nong babae habang kinukuha ang order niya. "Hello sir, good evening ! Whats your order?" kinilig pa na sabi nong babae "friend chicken meal at 2 coke float" sabi ni sir Tas binigay ni sir ang card niya sa babae Habang naghihintay kami sa order . Humilig siya sa kanyang upuan at pumikit . Hindi ko mawari kung inaantok ba siya o tulog na talaga. Nakita kong gumalaw ang kanyang Adam's apple. tinitigan ko rin ang kanyang jawline na masyadong naka depina.. Kumalabog ang dibdib ko.. s**t! napatalon na lang ako nang makita kong winagayway ng babae ang order namin. Hindi gumalaw si sir zach kaya tinanggal ko ang seat bealt ko para abutin ang supot na may lamang pagkain. Nilagay ko nalang iyon sa gilid at sunod ko naman abotin yung Coke float. Narinig ko ang hininga ni sir zach sa tainga ko. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng isang pulgada na lang ang layo ng mga ilong naming dalawa. Sobrang lapit namin , nag huramentado na ng husto ang puso ko kaya nadulas sa kamay ko yung order namin na coke float at natapon iyon sa suot niya .. "s**t ! " sigaw niya sa lamig Bigla akong nataranta "Hala sir , sorry.. sorry talaga" hindi ko na alam ang gagawin ko . Bumusina na ang sasakyan na nasa likod namin. Pinaandar ni sir zach ang sasakyan niya at mabilis na pinark sa may tabi. Kinakabahan naman ako , basang basa na ang damit ni sir hanggang sa pants niya. Tang ina anong gagawin ko nito. "Look what you've done, Miss Garcia " galit na bumaling siya sa akin , hindi gumalaw si sir dahil sa lagkit at lamig siguro "Sorry po sir, hindi ko po sinasadya, nadulas lang sa kamay ko" paliwanag ko sa kanya Dali dali kong kinuha ang panyo ko sa bag ko at ipinahid iyon sa suot niya pababa sa pants niya. Biglang nanigas ang katawan ni sir "WRONG MOVE , AVERILL !! YOU'RE TOUCHING MY... Argh! NEVERMIND!!" gigil na sabi ni sir . Hinawakan niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng ma realize ko kung ano ang tinutukoy niya. Napatingin naman ako sa kamay kong nagpupunas sa may zipper ng pants niya. Shuta ka Ave ! Binawi ko kaagad ang kamay ko. "H-hindi k-ko i-intensyon n-na m-ma g-ganun y-yung a-ano m-mo s-sir, sorryyyy" nauutal na paliwanag ko sa kanya. Sobrang nataranta lang talaga ako. Ays..nakakahiya! ayokong isipin.. Hindi na ako makatingin kay sir . Bumuntong hininga sya at napamura nalang . "Let's go to my office first, I have extra there so I can change and drive you home" sabi niya at pinaandar ang sasakyan . Hindi na ako sumagot pa , ayoko nahihiya na ako . Tahimik lang yung byahe namin. Hindi ko lubos maisip ang katangahan na nagawa ko. Kase naman , nabigla lang ako sa sobrang lapit naming dalawa.. Nilapat ko ang kamay ko sa dibdib ko . Sobrang bilis ng t***k ng puso ko Ayyys! Napasabunot nalag ako sa buhok ko . Pagdating namin sa building . Pinark na ni sir ang sasakyan nya at bumaba . Lumabas na din ako. Kitang kita ko sa kanya na hindi sya comfortable sa sitwasyon niya ngayon . "bring the food" sabi niya at na una nang lumakad. Wait! kakain ba kami dito sa building ? Ayokong mag assume , o baka gusto lang niya itapon ito Para malaman ko ang sagot ay dinala ko nalang ang Fried chicken meal na inorder ni sir, natapon na kase yung coke float. Sumunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa office .. "sit" utos niya sabay turo niya sa six seater niyang dining table Tumugon ako sa utos niya , tanaw gilid ko ang naglalakihang building sa labas. "wait for me" sabi pa niya tapos pumasok siya sa isa pang kwarto doon. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari ngayon , ano pa nga ba ang ginagawa ko dito? Pwede naman na magpaalam na ako at umuwi nalang total kaya kong umuwi mag isa. Lumabas si sir at naka puting v-neck na siya at jogger pants . Shuta! di ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kanya. Ang gwapo. Lumunok ako nang umupo siya sa harapan ko , kinuha niya sa loob ng plastik ang inorder namin . Pinanood ko siyang nilalagay ang disposable spoon at fork sa ibabaw ng tissue. "uhm. sir ? tatanggalin mo ba ako sa trabaho" baka kase last day ko na to , kaya siya naging mabait sakin ngayon dahil pagkatapos nito goodbye work na. "of course not" sabi niya "Di kaba galit ?" takang tanong ko sa kanya "What you did to me before was not a joke to me" nagtaas sya ng kilay "sorry po talaga" "its okay , lets forget about it" may lumitaw na ngiti sa kanyang labi Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya ngayon. Ganito pala ang feeling pag ngumiti si sir , parang nagdadalawang isip ako kung siya bato o hindi.. Tumayo siya at may kinuha siya sa mini ref niya at bottled water iyon . Nilapag niya yung isa sa harap ko at umupo. "lets eat" sabi niya Tumango ako at pinulot ang tinidor, batid kong pinanood niya ako habang tinutusok ko yung chicken. Gusto ko talagang magtanong kung bakit isinama niya ako ngayon , pero natatakot ako. "hindi ko alam na nakikipag dinner ka sa empleyado " biro ko sa kanya . Nag iba ang timpla ng mukha niya "Not really, i prefer to be alone" sabi niya , parang nawalan siya ng gana kumain. Ikaw talaga Ave! Kahit kailan ka talaga! "ahh.." dahan dahan akong tumango Parang may hugot na pinagdaanan si sir , sa sobrang busy niya siguro sa trabaho wala na siyang time makipagsalamuha sa mga empleyado niya. "gusto ko lang..uh. kumain kasama ka" sabi nya at tumitig siya sa akin Halos maghuramentado ako sa di malamang kadahilanan. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin peru may nagsasabi sa akin na danger zone na itong nangyayari .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD