"Sir, tapos na po akong kumain , uuwi na po ako" sabay ligpit ng pinagkainan ko at nilagay iyon sa basurahan. hindi ko kayang magtagal na kasama siya. Hindi ko maintindihan lahat ng pinagsasabi niya sa akin. Ayoko bigyan iyon ng malisya pero kase ..iba na to ! Iba na tong nararamdaman ko.
"hatid na kita" dali dali siyang uminom ng tubig niligpit na din niya yung pinagkainan niya
"wag na po sir , kaya ko naman umuwi mag isa tas aabang lang ako ng taxi sa labas"
"Yeah i know that, i can also drive you home, Dont be stubborn,Ave." seryosong sabi niya.
Bigla akong napahinto . Tinawag niya ako sa pangalan ko. ? Iba na talaga to. ayokong bigyan ito ng malisya kase baka sa huli ako lang pala ang umaasa.
Huminga ako ng malalim.
Okay , okay para matapos na ito. .
"Sige" sabi ko nalang sa kanya
Tahimik lang ang naging byahe namin, sinabihan ko na din siya sa address na tinutuluyan ko tapos hindi na ako nagsalita pa pagod ako at gustong gusto ko nang umuwi . Biglang nag ring ang phone ko . Tiningnan ko kung sino iyon.. Nawala bigla ang pagod ko ng malaman kong si roro iyon ,miss na miss ko na talaga tong kapatid ko , hindi ako nagdalawang na sagutin iyon..
"Oh, ano kailangan mo?" sabi ko sa linya medyo binabaan ko yung boses ko kase nakakahiya kay sir.
[busy ka ate?] roro
"Oo, bakit?" sabi ko
[Ay , sayang ! Laro sana tayo ng ML kulang kase kami ng isa ate] roro
Tumingin pa ako saglit kay sir , nakakunot lang yung noo niya.
"Hindi kase ako pwede ngayon , pag free time ko nalang siguro" sabi ko
[Oh cge ate , ingat ka dyan ate . Miss na miss ko na yung mga sermon mo , hahaha. I love youuuuu!] bigla nalang akong napatawa haha..
"Miss din kita , I love youuu too " ngiting ngiti na sabi ko
Pinatay ko na yung tawag. Sakto naman at huminto na yung sasakyan ni sir at nakarating na ako sa condominium.
"Who's that?" nilingon ko siya , hindi ko mawari kong galit ba sya o naiinis .
Hindi agad ako nakasagot..
"C'mon Ave , the one you said i love you , who's that, is that your boyfriend ?" nagmumukha na syang desperada sa harap ko kaya ipinagtaka ko iyon
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya .
"S-sir , di ko alam ganyan ka pala sa empleyado mo"
umiigting ang panga ni sir at bumaling siya sa harap , ilang mura din ang nabitiwan niya sa bibig niya.
"Get out , Miss Garcia!" cold niyang sabi
bumuntong hininga muna ako at bumaba pagsirado ko sa pintuan. Pinaharorot niya yung sasakyan niya.
At naiwan akong tulala.
Mga ilang segundo pa bago ako umakyat papunta sa condo ko.
Bakit siya nangenge alam ? Hindi totoo ang sinasabi niya pero bakit kailangan ko pang mag explain ? Last time I checked boss ko lang siya at hindi boyfriend. Hindi ko talaga siya maintindihan .
Pumasok na ko sa condo , nag shower, tapos nag skin care.
Andami kong iniisip tapos dumagdag pa tong mga pinapakita ni sir zach sa akin.
Nagpa gulong gulong ako sa kama Dapat bukas iiwasan ko nalang siya. Oo tama ! Kailangan iwasan ko siya. E pano ko namqn siya iiwasan? Secretary niya ako? Hindi pwede na hindi niya ako kausapin.
Natulog nalang ako para bukas maaga akong gumising.
*Kinabukasan*
Namulat ako sa alarm clock ko , dali dali na akong naligu , pagkatapos kong maligu nag saing ako ng kanin , nagluto ng ulam. Kumain tapos akyat sa taas para magbihis.
Mga 7:00 na ako nakarating . Good thing kase di ako late.
Pagkapasok ko sa office , andun na din sina jackson , Mica , agatha at christoper .
Napatingin agad sila sa akin. Binati nila ako..
"So, musta yung meeting kahapon te?" sabi ni jackson
E kwekwentu ko ba sa kanila ang nangyari kahapon ? Baka hindi sila maniwala, sabihin nilang gumagawa ako ng storya. Wag na nga lang .
"0kay lang naman" lumapit na ako sa kanila
"Malapit na mag sabado excited nako , kase makakasama natin si Averill" gigil na sabi ni mica
"Baka doon mo mahanap ang destiny mo ave" tawang tawa na si jackson tas sabay hampas sa balikat ko. Close talaga kami hahaha..
"May boyfriend kana ba Ave?" tanong ni Agatha
Sa buong buhay ko hindi ko pa talaga nasubukan ang magkajowa, madami akong naging crush pero hanggang doon lang iyon. Maybe dahil naging stricto si papa sa amin noon sa ganyang bagay .
"uh. Wala pa akong naging boyfriend" sabay kamot sa ulo ko.
Nakatitig sila lahat sa akin , yung mga mukha nila parang hindi sila makapaniwalang wala pa akong naging jowa.
Bigla naman bumukas ang pintuan at niluwa don si sir zach . bumilis ang t***k ng puso ko.
"Good morning Sir Agnello" sabi nila
Nakatingin lang sya sa harap at nakapamulsa . Ewan ko peru parang yung mga mata nakatingin sa akin.
Tumango lang siya hahakbang na sana siya nang nagsalita si christoper
"So,Totoo ave ? Wala kapang naging boyfriend?" sabi ni christopher
Nagulat ako sa sinabi ni christoper hindi ko kase akalain na sasabihin pa niya na andyan pa si sir zach.
"W-wala pa" nauutal kong sabi
Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni sir
At nilagpasan na niya kami papunta sa kanyang opisina .
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na ako sa table ko.
Naging swabe lang ang naging trabaho ko , tulad nga nang sinabi ko na iniiwasan ko talaga si sir ,pero ginagampanan ko parin ang tungkulin ko bilang isang secretary niya.
Hindi naman niya ako gaanong kinakausap , bumalik na sa dati yung pagka cold personality niya , ibang iba sa nasaksihan ko kagabi . Hanggang ngayon iniisip ko parin yun at hindi ko parin sya maintindihan.
3 pm na nang hapon, umalis si sir dahil may board meeting siya
Ako naman, busy busy ako sa pag gawa ng report.
Biglang sumulpot si christoper sa harap ko, nakangisi siya at kitang kita ko yung mga dimples niya.
"Ave, magpapa photocopy lang ako dito ha? Di kase gumagana yung sa akin" sabi niya
"sure" sabi ko nalang at nagpatuloy sa pag eencode .
"by the way Ave, hindi ba naging mahigpit si sir sayo dito?" sabi nya sa akin
"Mahigpit siya minsan, pero okay lang, I'm used to it" natatawa kong sabi , natawa na rin sya . Kaya nagtawanan kaming dalawa .
"What are you two doing?" matigas na sabi sir ,
Bigla kaming nanahimik. Nakakunot yung noo niya at may galit nakatingin sa aming dalawa.
"Hindi kase gumagana yung printer ko sir kaya nakigamit ako kay ave" paliwanag ni christoper
"You can use Mr. Huarez instead not to Miss Garcia!?" galit na sabi nya.
"Ginamit kase kanina ni jackson yung sa kanya sir" paliwanag pa rin niya.
"I dont want to hear your stupid reason just go back to your table!" sigaw ni sir.
At umalis na nga si christoper na nagugulahan sa inaakto ni sir at pati narin ako naguguluhan sa kanya
Bigla akong nakaramdam ng awa kay christoper , Na iinis ako ! Gustong gusto kong sagutin si sir , dahil hindi rin tama ang ginawa niya kay christoper na sumusubra na siya. Nag pipigil lang talaga ako.
nagulat akong bumaling siya sa akin.
"I can't sleep thinking about you lastnight, please...don't do anything that will make me upset, If I could just buy those smiles of yours and own them, I would pay even a million pesos just to have it...." mahinang tugon niya sa akin at pumasok na sa office niya.
naiwan akong tulala sa sinabi niya..