DOORBELL

1062 Words
Hininto na ni Caleb ang sasakyan niya sa parking lot ng condominium . Padabog kong tinanggal ang seatbelt ko. "Why?" sabi niya na parang wala siyang ginawang masama. Inirapan ko siya at inis na humarap sa kanya "Caleb, akin na ang cellphone koooo!" nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kanina ko pa siya pinipilit na ibigay yung cellphone ko pero ayaw talaga niya. Umiling lang siya sa akin "No! He can't call you anymore, i already turn off your cellphone, let's just see where he can find you!" sabi niya at na una nang lumabas. Napapadyak nalang ako sa inis. Lumabas na din ako. Dala yung paperbag hinabol ko siya dahil na una itong pumasok . "Caleeeb!" tawag ko sa kanya. Pero parang wala lang itong narinig. Arghh! Nakakainis na talaga . Nakita ko siyang papasok sa elevator. Kaya tumakbo na ako para maabutan siya pero unti unti na itong sumirado. Nginiti an pa niya ako hanggang sa sumirado na talaga ito. Napasuntok nalang ako sa pintuan ng elevator. Mukhang gustong gusto niya talagang naiinis ako. Peste ka caleb ! Patawarin na ako ng diyos , mapapatay talaga kita! Ginamit ko nalang yung ikalawang elevator at inis na pinindot yung 9th floor. Pagkarating ko sa condo , hindi na ako nag expect na maghihintay pa siya sa akin sa labas ng pintuan dahil diba may spare keys siya, malamang feel free na ang pota. Pumasok na ako , tumingin tingin pa ako kung na saan siya. Bat wala ? Sa living room , dining .. Sinuyo ko lahat ng silid. Wala siya Asan kaya iyon ! WAIT! Napatingin ako sa itaas . Nasa kwarto ko to . Sure akong nasa kwarto ang peste na iyon. Shuta ! Nag akyatan lahat nang dugo ko sa ulo ko. Umuusok pa yung ilong ko habang paakyat sa hagdan . Pagpasok ko sa kwarto nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at nagkunwari pang natutulog. Ah ganun!? Kinuha ko yung malaking unan at ginamit ko talaga ang lakas ko at pinaghampas hampas siya. "Araaay! tama na .. Ave. tama na. Masak...kit naa. " kumuha siya ng unan at ginamit niya itong panangga.. At dahil king size bed to. Gumapang siya sa dulo ng bed kaya hindi ko na siya abot. "Lumayas ka dito ! Peste ka !" sigaw ko sa kanya. "Calm down ave. " sabi niya at pinakalma pa ako. Hinahabol ko pa ang hininga ko habang naka hawak sa unan. Nanlilisik talaga ang mga mata kong nakatingin sa kanya.. Yung anytime ready nang umataki. Binaba na niya ang kanyang unan akala siguro niya tapos na ako pero mabilis ko siyang inakyat sa kama at pina ibabawan ko siya yung hindi na siya makakatakas pa. Hinampas hampas ko siya ng unan. "s**t ave" yung kamay na niya ang gamit niyang panangga. "Iniinis mo talaga ako ha ! pina ikli mo talaga ang pasensya ko Caaaaleb!!" nagulat ako nang hilain niya ang kamay ko at napasubsub ako sa katawan niya, umikot siya .. Ngayon ako na naman yung nakahiga at siya naman ang nasa ibabaw ko. Oh great! Just great. Hindi ako maka angal dahil hawak niya ang dalawang kamay ko. "Of all the women I have met.. you are the only one who can make me like this, Ave. Remember baby, you are a woman and I am a man, no matter what you do, I am still stronger than you" proud pa nyang sabi sa akin , nanlilisik ang mata kong nakatutuk sa kanyang mata . Pumiglas ako pero shuta! malakas nga talaga siya. "Move away !" sigaw ko sa kanya. Pero iniinis talaga niya ako, nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na kunting kunti nalang mahahalikan na niya ang labi ko. Napapikit nalang ako dahil nilapit pa niya ito. "Im hungry.." bulong niya sa tainga ko at humiwalay na siya sa akin. Dumilat ako at nakita kong nakatayo na siya. Bumangon ako at susugurin ko na sana siya .. Pero nag stop sign siya sa akin "Try it, just try it ave.. I won't hesitate to kiss you and claim your alluring red lips. " seryosong ngisi niya sa akin. "ARGGGHHHHH!" nanggigil na ako sa inis at binato ko siya nang unan. Nasangga naman niya ito. "Are not you hungry? I'm hungry.." ngumuso pa siyang nakatingin sa akin parang bata . "Anong paki ko?" inisbanan ko siya "Cook for me pleeaase.. " sabi niya at nag beautiful eyes pa siya sakin. Ang cute niyaaaa.. ayyy mali!!! Arggh! I mean . Shuta ka ave! Wag kang magpadala sa mga pag ganyan ganyan ng peste na yan!! Matalim ko siyang tiningnan. "AYOKO KO. Galit ako sayo , hindi ko parin malimutan yung pagsagutan niyong dalawa ni sir zach ! Lalo na ikaw ! tapos ang cellphone ko ibalik mo naaaaa!!" "ME? Anong ginawa ko ? E sya nga tong babasagin ang gwapo kong pagmumukha " "tss. Whatever caleb." "im envious , ang swerte niya nga sayo" nag igting ang bagang niya . Umiwas siya ng tingin sa akin. "Anong drama yan?" sabi ko sa kanya pero sa totoo lang , nakaramdam ako ng lungkot kanyang mga mata. Ngumiti siya ng pilit sa akin at lumapit .. "please ave, gusto kong matikman ang luto mo" hinila niya na ako palabas . Hindi na ako naka angal, iba kase yung mga mata niya yun bang parang nasasaktan. Nasa kusina na ako ngayon at dahil gutom na rin talaga ako , nagluto nalang ako. Ang saya saya pa ni caleb nang magtagumpay ang plano niyang paglutuan ko siya.. Tinolang manok ang naisipan kong lutuin. Kung hinahanap niyo si caleb andun siya sa sala nanonood ng tv.. tinakot ko pa kase siya na hindi ako magluluto kong aabangan niya ako dito Hahahaha. Habang naghuhugas ako sa manok. Narinig ko ang tunog ng doorbell. Nanlaki agad ang mata ko. Nasulyapan ko pa si caleb na papunta sa pintuan . hala patay! Oh my ghaad. !!! Dali dali akong pumunta roon. Kinabahan agad ako. sigurado ako at hindi ako nagkakamali na si sir zach iyon. Pagdating ko doon , nanlaki agad ang mga mata ko nang makitang nakahandusay na sa sahig si Caleb at hawak hawak ang baba niya. At napabaling naman ako kay sir zach , gulong gulo ang buhok niya. Nakakuyom ang kamao niya , hinahabol pa niya ang hininga niya at galit na galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD