Pumunta ako sa table ko at kinuha ko yung bag . Patuloy lang sa pag agos ang luha ko. Gusto ko lang umalis dito. Gusto ko lang ipalabas itong sakit na nararamdaman ko ngayon.
Nagmamadali akong naglakad paalis sa office. Nagulat si jackson nang makita , nagmadali syang lumapit sa akin ..
"Ave.." peru nilagpasan ko lang siya. Sorry jackson. Alam kong napansin niya na yung pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Paglabas ko nang office , tinakpan ko pa yung bibig ko, ayokong may makarinig sa hikbi ko. pinunasan ko yung luha ko. At sumakay ng elevator .. Tiningnan ko yung paperbag na ngayon ay wala na sa ayos. Napakagat nalang ako sa labi. Okay na sana e , okay na sana. ang hirap lang tanggapin na di mo kayang ipaglaban ang sarili mo , gusto lang naman maging masaya pero may hadlang pa.
Pagkababa ko sa ground floor , dali dali na akong lumakad. Nakayuko lang ako , wala na akong paki sa mga nakakasalubong ko.
"Ouchhh!" may nabangga akong tao.
"i'm sorry" nag bow pa ako sa kanya at tumalikod na.
"Ave?" dinig ko na sabi niya.
Caleb?
Alam kong si caleb iyon. nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin pero nahabol niya ako at hinawakan ang braso ko. Shuta naman oh.
"San punta mo?" sabi niya .. Iniwas ko yung mukha ko sa kanya, ayokong makita niya na umiiyak ako.
"Bitawan mo ako caleb..please.." sinubukan kong bawiin ang kamay ko peru hinigpitan niya.
"I will let you, if you answer me properly ave, Why are you in a hurry ? did something happen ? " sabi ni caleb sa akin. Bakit ko pa nakasalubong to!
"Wala..pleease caleb.. wag ngayon.." hirap na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.
"Umiiyak ka ? What the f**k ! Ave!" galit na tugon niya.
"Wala nga to!" hindi ko napigilan taasan siya ng boses. Napalingon naman yung mga taong nagdaraan. Epal talaga tong lalaking to kahit kailangan.
"You won't be like that for no reason ave! f**k!! I'm going crazy with your stubbornness!!" nasapo nalang siya sa kanyang noo.
"Pleease.. gusto ko lang umuwi.." hindi ko napigilan yung luha kong tumulo sa pisngi ko. Bahala na kung anong isipin ni caleb.
"s**t!! Masusuntok ko talaga sa mukha kung sino man ang nagpaiyak sayo!" galit na sabi niya at hinila ako palabas ng building. Nagpahila nalang ako sa kanya. Pagod na akong umangal sa kanya. Siya naman lagi ang nasusunod.
Nasa parking lot kami ngayon . Binuksan na niya yung pintuan sa passenger seat at pinilit niya akong pina upo doon. hindi na ako maka angal at sinirado niya na yung pintuan. Yumuko siya at tiningnan ako.
"wait for me here, don't ever try to run away from me Ave! I WON'T HESITATE TO GO TO YOUR BOSS AND PUNCH HIM UNTIL HIS FACE IS SHATTERED!!" galit na tugon niya sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya. Natatakot kase napakaseryoso niya at baka totohanin talaga niya. hindi nalang ako umimik.
Bumuntong hininga siya...
"Mabilis lang ako , pupuntahan ko lang si mommy, ibibigay ko lang itong inutos niyang susi.. " sabi niya at umalis na.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan..
Napakahirap itong ginagawa ni caleb sakin, dinadagdagan niya lang ang problema ko. Okay , aaminin kong may part sa puso ko na buti nalamg at si caleb yung andyan kahit naiinis ako di parin niya ako nilubayan..
Kung sana siya nalang eh , kaya lang shuta si Caleb! Napaka babaero niya! Kinuha niya yung first kiss ko. Na iinis ako sa kanya !! Peste siya!
Napabaling naman ako sa paperbag , kumirot na naman yung puso ko. Wala naman talaga akong galit kay sir zach , hindi naman niya kasalanan . Naiinis lang talaga ako sa sarili ko dahil wala akong magawa sa fiancee niya. Sobrang nasaktan ako sa mga pagsisigaw niya sa akin. Feeling ko ang baba ko na. Feeling ko ang layo ng agwat namin ni sir sa isat isa. Feeling ko hindi kami pwede.
Pinunasan ko na naman ang luhang dumaloy sa aking pisngi.
Bumalik na ako sa aking katinu an nang pumasok na si Caleb sa driver seat . Nag seatbelt siya at pinaandar na ang sasakyan
"I don't know what is your reason for you to acting like that, Ave.. but seeing you cry..I know your boss did something to you, Ano ba ang ginawa niya sayo?" nakakunot na yung noo niya at klarong klaro na pinipigilan ang galit.
"Wala siyang ginawa.." sabi ko , tumawa naman siya ng sarcastic ..
"WALA? E Ano yang nasa loob paperbag na yan ! Sa tingin mo, hindi ko napapansin na panay ang tingin mo sa paperbag na yan." inis kong pinunasan ang luha ko. Hinarap ko siya
"Ano bang paki mo caleb? Pinagluto ko siya, may masama ba don ha!? Gusto ko lang naman matikman niya ang luto ko...pero natapon lang " hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak ng todo..
"There's nothing wrong with that, You cooked for him? That scumbag!? f**k!!!! that makes me jealous, baby " bumaba ang boses niya .
Aatakihin ata ako sa huling sinabi niya. may kung anong humaplos yun sa aking puso.
Shuta ka caleb.
"Please don't cry, it hurts me to see you like that." dagdag pa niya.
Biglang nag ring ang phone ko , kinuha ko yun sa bag at tiningnan kung sino.
Sir zach ?
tumatawag si sir zach. Nag panic ako kung sasagutin ko ba o hindi . Im sure hinahanap na ako non dahil wala ako sa table ko.
"Dont answer it" sabi ni caleb.
"pero--"
"I said dont answer it !"
Hindi ko siya pinakinggan at pinindot ko parin yung answer button.
"Hel---" naputol ang sasabihin ko dahil hinablot ni caleb ang selpon ko at ni loudspeak pa niya ito .
"Im with ave" sabi niya sa linya. Nanlaki naman ang mata ko , shutaa ka caleb. !!!! Sinubukan kong agawin ang selpon ko pero gamit ang isa nyang kamay hinuli niya ang dalawa kong kamay at kinulong niya ito. Ngumiti pa siya sa akin. Hays. Away na naman to !
[AVE! WHO'S THAT? WHERE THE f**k ARE YOU!] dinig dinig ko ang lakas ng boses ni sir zach.
"Tss! After you make her cry, Now you will look for her?Are you that stupid!?"
[WHERE IS SHE? WHY ARE YOU TWO TOGETHER!? JUST TELL ME CALEB!! DON'T WAIT FOR ME TO FIND YOU AND BREAK YOUR f*****g FACE!!] napapikit nlng ako. hayss.
"All right, just look for me, but remember that I won't let your fist hit my beautiful face!"
[BEAUTIFUL FACE MY ASS. !! WELL, LET SEE!!]
Eto na naman sila , Ayoko talagang magtagpo tong dalawang to !