Andito na ako ngayon , nakahiga sa malambot kong kama. Para akong tanga na ngumingiti habang iniisip ang huling sinabi ni sir zach sa akin. 'I love you, ave' Kyaaaaaaaaah !! He loves me... mahal na ako ni sir zach! Di ko kinaya ang kilig bes hahahaha.
Hindi ko mapigilan kagatin yung unan ko. Sapakin niyo na ako ngayon din!!! Bago pa ako mabaliw , umayos na ako sa pagkahiga at pinikit na ang mga mata ko. Pero teka , shuta! Sinong tanga ang matutulog na nakangiti? Baliw na talaga ako hahahaha.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising para magluto ng fried rice at adobo , guest what? paglulutuan ko kase si sir zach. Nag text kase siya kanina na maaga siyang papasok dahil may meeting pa siya sa mga board of directors. Kaya ito maaga din ako papasok para e surprise siya. Ngumingiti pa ako habang nilagay ko yung fried rice sa maliit na tupperware tapos sinet aside ko yung adobo sa ibang tupperware. Inayos ko talaga yung pagkalagay para naman ganado syang kumain lalo nat ako yung nagluto . yieeee.. nilagay ko na yun sa paperbag at sinunod kong inilagay yung kutsara at tinidor. Para na talaga akong tanga na pangiti ngiti. iniisip ko kase kung ano ang magiging reaksyon niya . Magugustuhan kaya niya ? Im sure Oo, dahil kung hindi sasapakin ko talaga siya . Hihihihi.
Matapos ko nang gawin lahat ng gagawin ko, eto na, pasakay na ako ng taxi. Tinext ko na si sir zach na, on the way na ako. Hindi sya nag reply baka busy pa yun. Hihihi.
"Maganda ata ang umaga natin ma'am, hindi kase mawala ang ngiti sa labi mo" napabaling naman ako kay manong driver. Sobrang obvious ko ba ? Napahiya naman ako .
"Ahh. Hehehe. " nginiti an ko nalang si manong.
Pagdating ko sa Agnello Company , dali dali naman akong bumaba at papasok sa building, hindi ko na naman mapigilan ang mapangiti nang tingnan ko ang bitbit ko na paperbag .. Hehehhe. Excited na akong ibigay ito kay sir zach. Hanggang sa sumakay ako sa elevator , nakangiti parin ako . Haha. pereng tenge leng hahaha.
Im sure di pa tapos yung meeting nila. Pagdating ko sa office namin. Naabutan ko si mica na nag fifile ng papers.
"Goodmorning ave , aga natin ah" ngiti na sabi niya
"Ahh. wala... ayoko lang malate" nanunukso na naman yung tingin niya. Lumapit siya sa akin.
"Ano yang dala mo ? Ang bango naman nyan!" bubuklatin sana niya yung paperbag pero agad kong inilayo sa kanya.
"Wala , wala to"
"uyyyyy! Nagkausap na kayo ni sir no? Yieeee . Para sa kanya yan?" sinusundot sundot niya pa yung tagiliran ko. Napangiti naman ako . Sasagot sana ako pero nagsadatingan na sina agatha , christoper at jackson.
"Ano yang pinag usapan niyo te? Pwede kami makisali?" nakapamaywang pa siya na nakaharap sa amin. Lumapit naman si agatha sa akin at bumeso siya.
"Goodmorning ave" sabi niya
"goodmorning too" sabi ko sa kanya. Ang bango niya hehehe. Tas lumapit din siya kay mica.
"ano yang dala mo , ave?" sabi ni christoper at sinuyo pa niya ang laman ng paper bag ko. eto na naman . Ayokong sabihin na ibibigay ko ito kay sir zach. Tutuksu in lang nila ako.
"wala to, baon ko lang, pagnagutom. " tinago ko na yung paperbag sa likod ko.
Napalingun kaming lahat sa bagong pasok na si sir zach.
"good morning sir" sabay sabay naming sabi.
Shuta , di ko mapagilan na tumitig sa kanya. Ang gwapo ng boyfriend ko chaar! Hahahahha.
"Goodmorning" sabi niya, ngumiti siya at sumulyap pa sa akin at tsaka lumakad na sa office niya. Please .. Pigilan nyo kong hindi kiligin , nong wala na si sir, lumapit sila sa akin at niyugyug pa ako except lang kay christoper.
"nakita niyo iyon ? Nakita niyo? Ngumiti siya kay aaaveee" tili na sabi ni mica .
"Selos ako kay aveee" sabi ni agatha.
"me too" sabi naman ni jackson. Natawa nalang ako sa kanila.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na sa table ko. Napangiti na naman ako nang nilapag ko yung paperbag sa table ko. Kinuha ko yung black na telepono at tinawagan siya.
"Mmm." siya
"Busy ka ?"
"Hindi naman , may chinicheck lang akong papers, why?"
"Pwede ba akong pumasok sa office mo? May iibigay lang sana ako" hindi ko mapigilan ang sarili ko at napakagat sa aking labi
"I seem to be curious about what you will give. Come here, I want to see you too"
"okay" at pinatay ko na yung tawag. Gusto kong tumalon sa kilig . Hhhhahaha. Kinuha ko na yung paperbag , pagdating ko sa pintuan ng office niya , dahan dahan ko pa yung binuksan hanggang sa nakapasok na ako. Hininto niya ang ginagawa niya at sumandal siya sa kanyang executive chair habang nakatingin sa akin. Tinago ko yung paperbag sa likod ko at lumapit sa kanya.
Tumaas yung kilay niya.
"Where is it?" habang nakangiti. Pinakita ko na sa kanya yung paperbag. at nilapag sa lamesa niya. Ngumoso naman siya .
"ano to?"
"tingnan mo ?" na excite na sabi ko. Kinuha naman niya yung dalawang tupperware.
"You cook for me?" Kumikinang pa ang mga mata niya habang tinitingnan yung laman.
"Pinagluto talaga kita, uhm. fried rice yan tsaka adobo" Tumayo sya at lumapit sa akin bigla niya akong niyakap.
"This is my first time I received something like this, you just don't know how happy I am, Ave, thank you.." may kung anong kiliti ang naramdaman ko sa tiyan ko. Humaplos sa aking puso ang sinabi niya. hinalikan niya yung noo ko. at bumalik sa kanyang table , sobrang saya talaga niya.
"akala ko hindi mo magugustuhan" biro ko sa kanya.
"are you kidding Miss Garcia? Takam na takam na nga ako, Im sure it's delicious because you're the one who cooked it" napangiti na sabi niya.
"Talag-----" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bumukas yung pintuan at pareho kaming napalingon ni sir zach.
Nanlaki ang mata ko nang napagtantong fiancee niya yung pumasok. Kinabahan agad ako. Tinarayan pa niya ako at inirapan. Lumakad na siya at lumapit kay sir zach.
Nagulat akong pinalupot niya ang kamay niya sa leeg ni sir zach at hinalikan sa labi. Umiwas agad ako ng tingin. s**t ! Hindi ko na tiningnan kong anong reaksyon ni sir zach.
"good morning, babe" malambing na sabi niya kay sir zach.
"What are you doing here! " cold na sabi niya
"why? am i not allowed to come here!?" Tinaasan niya nang boses si sir.
"Im busy!" tipid na sabi ni sir zach.
"Looks like you're not busy? or you're busy with your secretary!?" galit na baling niya sa akin . Napatingin naman ako sa kanya. Halos hindi na ako makahinga sa kaba.
"Shut up! Giselle ! we talked about something important at work "
"HAHAHAHA! oww really ?" tumaas ang kilay niya at bumaling sa akin
"why are you still standing there! GET OUT OF HERE! LEAVE!! I don't want to see you here! " sigaw niya sa akin. nanlumo naman ako sa sinabi niya. Kitang kita ko ang pag alala ni sir sa akin.
"Never yell at any of my employees here, you have no right! " galit na hinawakan ni sir ang kamay nong babae pero kumawala siya sa pagkahawak ni sir at kitang kita ko sa dalawang mata ko na tumama yung kamay niya sa dalawang tupperware , natabig iyon at tumilapon sa sahig. Hala yung fried rice at adobo koooo. wala na. Gusto kong umiyak , ang sakit tingnan , pinaghirapan ko pa naman iyon lutuin . Hindi man lang natikman ni sir.
"WHAT DID YOU DO!" galit na sabi ni sir.
"Whaat?? don't worry, I'll cook for you with my personal chef, it's even tastier than that"
"You know nothing!!" umupo si sir at pinulot niya yung natapon.
"Stop it babe, don't do that, it's not your job, HEY YOU!! clean it up, don't be stupid, you weren't paid to stand there!" Mataray siyang bumaling sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Nakatingin lng ang mga mata ko sa niluto kong natapon na. Gustong gusto nang tumulo ng luha ko pero pinilit kong pigilan.
"ARE YOU LISTENING !" sigaw niya sa akin.
"Po..." napayuko nlng ako.
"STOP IT! GISELLE! GET OUT OF HERE RIGHT NOW! " kakaladkarin na sana niya yung babae pero natigilan siya nong nagsalita ako.
"Okay lang sir , lilinisin ko nalang ito" lumuhod ako sa sahig at pinulot yung pagkain. Sobrang sakit sa dibdib. Hindi niyo lang alam pinaghirapan kong yang lutuin . Hindi na napigilan ng mata ko yung pagpatak ng luha ko.
"Ave.." ramdam ko yung lungkot sa boses ni sir. Binilisan ko na ang paglinis at binalik yung tupperware sa paperbag. Binitbit ko iyon at nagmadaling lumabas at doon ko na bumuhos ang luha ko.